Chapter 21

1.2M 25.3K 11.9K
                                    

Chapter 21

=__=

Lakad. Lakad. Lakad.

Grabeng life naman 'to oh! Ano ba ang hiniling ko nung pasko?? Di ba maging mabuting girlfriend lang naman ni Sheen my loves? Eh bakit parang mali naman po ang binigay niyo sa akin, Lord?? Bakit naging battered girlfriend naman ako ng isang ubod ng abnormal na si Drake Palma? Nagkamali po ba kayo ng paggrant ng wish? Baka po nagkapalit kami ni Kei?? Ako dapat ang girlfriend ni Sheen, siya dapat ang hinahatak ng autistic na 'to, hindi ako!! Grrr.

"Aray naman, ha!!" reklamo ko. Kung makahatak naman kasi ang isang 'to, aso lang ako?? Kaloka!!

"Sssh," sabi niya. Leshe. Bakit kahit simpleng 'sssh,' nagiging cool pag siya ang nagsasabi? *__*

Hinatak niya pa din ako papunta sa bahay nila. Tahimik na nga lang ako. Hindi pa din ako nakaka recover dun sa spiel niya na 'you're my girlfriend.. act like one!!" Nakakaloka kaya!! Ikaw kaya ang sabihan niya nun, tignan ko lang kung hindi ka matahimik!!

Pero.. kung iisipin.. omg!! Tanggap niya na nga na girlfriend niya ako? =___= Wag na ngang isipin. Kaderder talaga.

Naglalakad na kami sa pathway papunta sa bahay nila ng mapansin kong may ibang sasakyan na nakapark. Hmm. May mga bisita ba sila??

"Alys! Drake!"

Ayun, nakita ko si Tito Steve! Tagal ko ding hindi nakita si Tito!

O______O

Pero.. ibig sabihin nandito din si Tita Katrina???? Waaaaaaaaah! Hindi pa ako handang magpakita sa kanya!! Ang huli naming pagkikita  ay nung nakita niya na nakahiga ako sa kama ni Drake with matching 3 inches distance ng mukha namin!! >___<

"Tamang tama, Alys. Pasok ka sa loob? May pasalubong kami sa'yo ng Tita Katrina mo!" sabi ni Tito Steve tapos inaya niya ako sa loob.

Lesheng Drake yan! Iwan daw ba ako dito sa labas? Grrrr! Porke't nandyan si Katrina niya, kinalimutan na ako!! May pa you're my girlfriend pa siya, iiwan din pala ako!! Kainis!! Grrrr!!

"Oh, ang cute noh??"

-___-

Oo, alam kong isip bata si Tito Steve.. pero hindi ko akalain na ganito..

"Isuot mo, dali!!"

-___-

"Ang cute talaga ng girlfriend mo!" sabi ni Tito Steve sabay hatak kay Drake para tignan ako.

"Tss," naman! Sino pa ba ang nagsabi niyan? Eh di si Drake! D to the U to the H!!

Tinanggal ko na yung headdress na tenga ni minnie mouse sa ulo ko. Tsk. Si Tito Steve naman kasi, ang tanda tanda na tapos yun pa ang binili?? Impossible naman na si Tita Katrina ang bumili nun eh mukhang maganda ang taste niya!! Tsk. Hindi ko talaga maisip kung saan nagmana si Drake. Abnormal kaya ang biological mom niya??

"Ah, eh, Tito Steve, bakit niyo nga po pala ako hinahanap?" tanong ko. Sabi nung asungot hinahanap daw ako ni Tito?? Di ba kaya nga hindi ako nakapunta sa usapan namin ni Loves ngayon? Uwaaaah! Naudlot na naman ang pag iibigan namin. T^T

"Hinahanap kita?" parang nagtataka si Tito Steve?

>.>

"Yeah. Tss," sagot ni Drake, "wedding."

O___________O

Omg!! Kasal??

"Hala, Tito Steve! Hindi pa po ako handang magpakasal! Hindi pa nga po nagppropose yung anak niyo eh! Wag po kayong mag alala! Hindi po ako magsasampa ng reklamo kahit na pinagbintangan niya akong pinilit ko siyang hipuan ako. Huhuhu. Please po, wag niyong ituloy ang kasal!!"

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon