Chapter 13

1.1M 24.6K 4K
                                    

Chapter 13

Acquaintance Party Night

"You ready, baby?" tanong sa'kin ni mommy.

I nodded, "excited!!"

Natawa naman si Dad sa reaction ko. Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa? Kapartner ko ang loves ko! Beat that! :>

"Be back before 11?" sabi ni mommy.

"Eeh! Too early," sabi ko kay daddy.

Niyakap ni daddy si mommy, "ang strict mo naman. Before midnight, baby?"

"The best ka, daddy!" sabi ko tapos kiniss ko siya sa cheeks.

Naghintay ako sa front porch habang hindi pa dumadating si loves *u* Haaay. Ano kaya yung itsura niya ngayon? Cute pa din kaya siya? Hihihi. Kinikilig ako!!

6:30 na ah.. 7 pa naman yung start ng party pero wala pa si Sheen. Nasan na kaya yun? Baka naman may nangyaring masama dun?? Aish!! Kinakabahan ako!! Tatawagan ko na nga.

calling..

Loves <3

Cannot be reached. Sheen naman eh!! Nasan ka na ba??

--------------------

Aya's Point of View

Yuck.

Ano ba naman 'tong pinasuot sa'kin ng nanay ko? Ano ko? Suman? Tch. Halos hindi na gumagalaw yung lungs ko sa sikip ng suot ko eh!! Pati pumps na 4 inches?? Ano bang akala ng nanay ko? Nakaupo lang ako at hindi maglalakad? Kainis!!

Kasalukuyang sinusubukan kong maglakad sa harap ng bahay namin ng bigla kong makita si CB.

(-_-)

Nagkamot siya ng batok, "panget ba?"

"Kailan ka ba naging gwapo?" tapos nilahad ko yung kamay ko, "cellphone?"

"Nasabi mo na kay Alys, di ba?"

Tumango na lang ako. Bahala na si Partner Steve mamaya :>

Mukhang nagtaka naman siya kung bakit ko hinihingi yung phone niya pero binigay niya pa din. Pinatay ko na yung phone. Mabuti naman kasi baka gusto niyang paiyakin ko siya bago kami magpunta sa AP kung hindi niya ibibigay!!

Naglakad kami papunta sa labas ng gate tapos, O_____________________O

Limousine??

Nakayuko siya tapos, "sorry talaga, Aya. Si mommy kasi eh.. Ayoko naman talagang mag Limousine eh. Siya lang may gusto eh. Sorry."

Nakarecover ako after ilang minuto, *sighs* "ano pa nga ba ang magagawa ko? Ayan na eh."

Maglalakad na ako papasok ng Limo ng unahan ako ni CB at pagbuksan ng pinto, "after you?" At bakit siya nakangiti???

"Tch," sabi ko na lang. Pumasok na ako sa loob ng Limo pero nung makaupo na ako, bigla siyang nagsalita, "a-ang ganda mo ngayon, Aya."

O_______________O

Bigla kong naisara yung pinto, "ow!"

Shet. Shet!! Naipit si CB!!

Nagtatalon siya sa sakit sa labas. Tch. Buti nga sa'yo. Puro kilabot kasi yung binibigay mo sa'kin.

--------------------

Alys' Point of View

7:15 na.. Wala pa din si Sheen.. Ano na kayang nangyari dun?

Naghintay lang ulit ako. Kilala ko si Sheen. Dadating yun. Siguro may emergency lang. Tama, may emergency lang! Hindi ako bibiguin ni Sheen.. Best friend ko yun eh..

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon