Chapter 42

1M 23.1K 5.8K
                                    

Chapter 42

-Alys-

"Nagmumukmok ka jan?" lumingon ako tapos nakita ko yung bwisit na lalaki!

"Leshe umalis ka nga sa paningin ko!!" sabi ko sa kanya sabay talikod. Gumagawa ako ng assignment tapos guguluhin ako ng Tripp na yan! Aish kainis forever!

Para naman siyang walang narinig at naupo sa tabi ko. Nandito kasi ako sa mini canteen ng Brent at gumagawa ng assignment since sobrang na badtrip ako last Sunday dahil sa ginawa niya! Ughh!!

Nilapit niya sa akin yung chips na kinakain niya, "gusto mo?"

"Ayoko!" sigaw ko sa kanya. Buti na lang nandito kami sa mini canteen kasi kung nagkataon na nasa cafeteria kami, malamang pinagtinginan na kami ng mga tao. Bakit naman kasi pinaglihi yata sa sama ng loob si Tripp at sa akin niya binubuhos mga sama ng loob niya!

"Sungit naman nito," sabi niya tapos tinignan niya yung ginagawa ko, "College Algebra lang yan, Zy. Dali dali lang niyan," comment niya nung nakita niyang gusto kong ibato yung Leithold kong libro.

"Ikaw na matalino! At isa pa, wag mo nga akong tawaging Zy, please lang. Hindi tayo close!" sabi ko sa kanya. Napakafeelingero din talaga ng Tripp Marco na 'to! Sakit sa split ends!

"Bakit? Ang cute ng Zyril eh. Ayoko sa Alys, parang tinipid lang yung pangalan mo."

O_______O

"Susumbong kita kay mommy!!"

Bigla naman siyang natawa sa akin, "ano'ng tinatawa tawa mo jan??"

"Ikaw," sabi niya, "isip bata mo talaga minsan, Zy."

=_______=

Haay, Alys. Magtiis ka. Yan lang ang friend mo sa Brent, tiis tiis din pag may time. Para hindi ko na masyadong mapansin ang presence ni Tripp, mas nagtuon na lang ako ng pansin sa assignment ko. Buti pina take home exer na lang ni Sir 'to kung hindi baka bumagsak ako.

"Akin na nga," sabi ni Tripp sabay agaw sa akin nung work sheet ko. "Ang dali dali lang nito eh."

"Ikaw na matalino!!"

"Thanks," sabi niya sabay kindat sa akin. Ugh pwe! Pwedeng masuka now na??

Sinagutan niya as in mabilis lang yung exer ko tapos binalik niya sa akin yung work sheet. "Gusto mo turuan kita?"

Umiling ako, "asa ka pa."

"Sige na, oh?"

"Pagkatapos mo akong lokohin?? Bwisit ka pa din forever sa buhay ko, Marco!!"

Natawa siya sa akin. Leshe bakit ba pinagtatawanan ako ng Marco na'to!! Kainis! Pagkatapos niya akong lokohin/i-joke time, may gana pa siyang tawanan ako, huh?!

"Grabe ha, siguro crush mo na ko, no?" sabi niya.

Umarte naman ako na parang nasusuka, "mandiri ka nga sa mga sinasabi mo!"

"Eh bakit parang sobrang disappointed ka na joke lang yung sinabi ko?" sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Dahil ayaw ko ng eye contact sa kanya (para kasi siyang nanghi hypnotize pag tumitingin), binato ko siya ng fries sa muka. 

"Ay, kadiri naman 'tong babaeng 'to," sabi niya habang inaalis yung fries sa muka.

"Che! Bagay sa'yo yan. Bully ka kasi!"

"Eh disappointed ka naman." Sabi niya sabay mock sa akin.

"Hindi nga ako disappointed!!" sigaw ko. Bakit naman ako madidisappoint na may pa 'Ako na lang' spiel siya tapos after ilang seconds bigla siyang tumawa ng malakas?? Bakit naman ako madidisappoint, di ba??? Nakakaloka!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon