Chapter 4

2.6K 119 41
                                    

#war3wp

Chapter 4

Request

"Pupunta ka ulit ng ACA?" nagtatakang tanong sa 'kin ni Adonijah.

"Huh?" I ask while I look at myself in the mirror, fixing the white clip on my hair, securing it.

I watch my roundish almond eyes in the mirror too. I put some mascara on it earlier when I went to class. Nando'n pa rin 'yon at maganda ang pagkakaangat ng mga pilikmata ko. My eyebrows are always neat because I always get them done. Hindi na kailangang lagyan ng kahit ano para magmukhang maayos.

My lips have a gloss on them. Nilagyan ko 'yon ng kaunting lipstick kanina na kulay natural lang dahil 'yon ang napansin kong madalas na bumabagay sa 'kin. My lips but better—always my go-to shades.

"Why do you always want to go there? May crush ka ro'n, 'no?" tanong ulit ni Adonijah, pinagmamasdan naman ang paglalagay ko ng lip gloss.

He's sitting on the table of my seat. Ako naman, kanina pa tinitingnan ang sarili sa maliit at compact na salamin para ayusin ang hitsura ko.

Pagkatapos kong maglagay ng gloss at takpan 'yon, kinuha 'yon ni Adonijah at tiningnan ang packaging at ang laman. Kumunot ang noo ko at nilingon siya.

"Crush agad?" I ask.

Ayokong aminin kay Adonijah na tama siya sa sinasabi niya. I know Adonijah. He'll tease me until I die or maybe tell me a lot of things! He always comments when he has the chance to.

Madalas niyang sabihin na panay ang pagsasabi ko sa kaniya na babaero siya pero gano'n din naman daw ako. As if! We're different. Hindi ko naman kinakausap ang mga crush ko. Hindi rin ako palakaibigan sa kanila kung hindi ko rin naman talaga gusto.

Adonijah's different. He befriends everybody. Dahil maganda ang trato niya sa lahat, iniisip tuloy ng mga babae na may gusto siya sa kanila kahit na wala naman. Pagkatapos, kapag nalaman nilang hindi naman talaga sila gusto ni Adonijah, ako na ang pupuntiryahin!

The worst was when someone went to our class to call me out! Lagi na lang akong napagbibintangan na girlfriend ni Adonijah Del Rio kahit na hindi naman.

"Don't lie! I know you. You like pretty boys," ani Adonijah, binubuksan na ang isa sa mga zipper ng bag ko at isinusuksok doon ang lip gloss. "Sino ba ro'n ang gusto mo? Isa sa mga kaibigan ni Asiel?"

"Hindi, ah!" tumatangging sabi ko.

Pinaningkitan ako ni Adonijah ng mga mata, halatang nagdududa sa 'kin. "Talaga?"

"Oo!" I say before I hide my mirror inside my bag. "Ang ganda kasi ng ambiance sa ACA! Ang daming nag-like ng huli kong mga pictures na kinuha ro'n."

Totoo rin naman 'yon. I have a huge following on my social media accounts now because people seem to like our circle. Unti-unti na kasing sumisikat si Ida Mishal at parating kami ang laman ng mga vlogs niya kaya naman pati kami ay nakikilala rin.

Ang pinaka gusto ng lahat ay si Adonijah. Nagbibida-bida kasi ang isang 'yon sa mga vlogs at siya parati ang may hawak ng camera ni Ida Mishal sa tuwing magkakasama kami. Ida Mishal doesn't speak a lot so it's Adonijah who does all the talking.

"Talaga lang, ah?" Adonijah asks, standing up and I look at him. "Bakit nakita ko sa phone mo, may ini-stalk ka? Ise Avalos?"

Nanlaki ang mga mata ko at napatayo, inililibot ang tingin sa klase namin at nakahinga ako ng maluwag nang makitang kami na lang ang nandoon. Kanina pa dismissed ang klase. Hinihintay lang talaga naming matapos ang klase nina Asiel sa section niya.

This is War (War Series #3)Where stories live. Discover now