Chapter 47

2.3K 125 16
                                    

#war3wp

Chapter 47

Rest

"Thank you for helping us again, Hanani."

Agad akong ngumiti kay Tita Lucy nang sabihin niya 'yon sa 'kin. I feel a bit shy now that she knows her son is courting me.

When she messaged me about another charity work at a different barangay within the city, kinabahan ako dahil akala ko ay tungkol sa amin ni Allon ang sasabihin niya. Nang sabihin niyang tungkol 'yon sa panibagong feeding program, agad akong nakahinga nang maluwag. 

But all I see in Tita Lucy's eyes is compassion and adoration.

Kahit kanina, nang dumating ako kasama sina Allon at Hanniel, sinalubong niya kami nang may malawak na ngiti at excited ding sinalubong si Hanniel na mukhang natuwa rin nang makita siya. Walang ibang sinabi si Tita Lucy. Masaya niya lang kaming inalalayan sa kung ano ang mga pwede naming maitulong sa ginagawa nilang pagpapamigay ng mga pagkain.

Marami nang mga bata at mga magulang ang nandoon. Tumutulong si Allon sa pagbubuhat ng mga kahon ng pagkain at mga silya habang si Hanniel naman ay nakita kong nakikipaglaro sa ibang mga batang nandoon din. 

"Sa inyo nga po dapat ako magpasalamat. Kung hindi po dahil sa inyo, hindi po ako makakatulong nang ganito sa ibang tao," I say to Tita Lucy.

Napangiti siya at tumango dahil sa sinabi ko. Gusto ko siyang tanungin tungkol kay Allon pero hindi ko mahanap ang lakas ng loob na kausapin siya tungkol doon. Mabait si Tita Lucy pero hindi ko lang talaga mapigilan ang mahiya sa kaniya.

Hindi ko alam kung paano niya ako tatanggapin. My experience with my past relationship isn't great. . . Kaya ngayong pumapasok na naman ako sa ganitong situwasyon ay nagpapakaba sa 'kin.

"Mamaya, may isang nanay rito, ka-edad mo rin, na gustong magpa-counsel. Okay lang ba sa 'yo kung sa 'yo ko siya ipapakausap?" tanong ni Tita Lucy.

Bahagya akong nagulat na sa 'kin niya ipagkakatiwala ang trabahong 'yon. Pumayag ako at mukhang natuwa si Tita Lucy dahil doon.

Ipinakilala niya nga ako sa isang babaeng halos ka-edad ko rin. Hindi lang halata ang edad niya dahil walang ayos. Magulo ang naka-ipit na buhok, kitang-kita ang itim sa paligid ng mga mata, at mukhang parating nabibilad sa araw ang morena niyang balat dahil sa mga pekas sa mga pisngi niya't ilong. Maputla ang mga labi niya at walang kaayos-ayos pero sa kabila no'n, nakikita ko pa rin ang bakas ng ganda sa mukha niya.

Nakasoot siya ng daster kaya naman lalo siyang nagmukhang mas matanda kaysa sa edad. May katabaan din siya at tingin ko, dahil 'yon sa may tatlo na siyang anak ngayon at magkakasunod pa ang mga edad. Ang isa sa mga anak niya nga ay kalaro ni Hanniel sa hindi kalayuan.

"Good morning po, Ma'am," aniya.

Ngumiti ako sa kaniya at binati siya pabalik bago kami naupo sa mga upuan. She's Anacel. Kinumusta ko siya at sinabi niyang maayos naman sila bukod sa hirap sa buhay dahil tatlo ang anak niya at wala pa ang tatay ng mga ito dahil nagkaro'n na raw ng ibang babae.

She starts to tell me about her struggles and how she tries to do her best every day to give her children the future she wants them to have. She starts to tell me how hurt she is to learn how her husband left her despite her trying her best to maintain the relationship.

"Gano'n yata talaga, Ma'am. Kung manloloko, manloloko talaga," aniya sa kabila ng naluluhang mga mata. "Ang ganda-ganda ko ho noon, Ma'am. No'ng 'di pa ako nagkaka-anak, sumasagala pa ako at lumalaban sa pageant diyan sa bayan. Pero no'ng nabaliw sa pag-ibig, heto na ako ngayon." Ipinakita niya ang katawan. "Halos dumoble na ang timbang ko. Hindi ko naman po magawang asikasuhin ang sarili ko kasi tatlo po ang anak kong kailangan kong buhusan ng oras."

This is War (War Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon