Chapter 35

2.2K 112 51
                                    

#war3wp

Chapter 35

Outside The City

Nang kumalma ako, unti-unting kumalas ang yakap ni Allon. No'n lang ako kumalma kaya no'n lang din ako nakaramdam ng hiya dahil sa nangyari.

He asked the wrong question! O baka ako lang ang nagsasabi no'n dahil kung mali nga ang tanong niya, hindi ba lalabas ang totoong emosyon ko nang ganito?

His body is warm, I noticed. Sobrang kumportable sa loob ng mga bisig niya na kung hindi lang nakakahiya, nanatili na ako ro'n nang ilan pang sandali.

His perfume is too good too. He smells so good. Mas naamoy ko siya nang yakapin kanina at masasabi kong mabango nga siya, walang duda!

Uminit ang mga pisngi ko at umatras na palayo sa kaniya pero kahit nang humakbang ako paatras, agad na hinawakan ni Allon ang magkabila kong pisngi kaya gulat akong napatingin sa kaniya.

His large hands are careful as he holds both my cheeks. Para bang nag-iingat siyang mabasag ako. I watch his amber eyes as he gazes at my damp cheeks.

Pinunasan niya ang mga pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. Hindi ako umangal o lumayo. I feel like I'm stuck on where I'm standing.

"You can tell me. . ." aniya sa nag-iingat na tono. "Makikinig ako."

Napasinghap ako at namuo na naman ang mga luha sa mga mata ko. His voice sounds so calming. Ibang-iba sa madalas na malamig at seryoso niyang boses. 

He combs my hair with his hand and wipes the sides of my eyes again. Tiningnan ko ang mga mata niya. He's treating me carefully. Para bang isang sagi niya lang, mababasag ako, kaya nag-iingat siya.

"Tell me," he says.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Maraming bagay na ang tumakbo sa isipan ko. Maraming bagay na rin ang nakasakit sa 'kin dahil sa sobrang na pag-iisip.

Dahil sa pag-iisip, matagal kaming natahimik. 

Nang mahanap ko na ang mga sasabihin, nagsimula na akong magsalita.

"I saw . . . that Ise has someone new," I mumble and I see how Allon halts because of what I said. Nanatiling nakahawak sa mga pisngi ko ang kamay niya. He stares at me as he listens carefully. "Babae. Maganda. Siguro, nakilala niya sa Japan." Nabasag ang boses ko at bumuhos muli ang mga luha ko.

Nakita ko ang paglunok ni Allon at ang pagbagsak ng mga tingin niya sa mga paa naming dalawa.

"Maputi, Allon. Maganda ang ngiti. Bilugan ang mukha at singkit tulad niya." I sob bitterly and hate is evidently dripping on my voice. "Mukhang mahal nila ang isa't isa."

Inangat ulit ni Allon ang tingin sa 'kin at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Akala ko, nasaktan na ako ni Ise no'ng iniwan niya ako. Pero hindi ko alam na kaya pa rin pala niya akong saktan kahit wala na siya rito," I say. "Wala akong pakialam kung ako ang kalimutan ni Ise. To hell with him and his new woman! But I can't accept the fact that he can give other people the love he should be giving Hanniel!

"How can he be this happy and content with his life while I suffer from the consequences both of us should bear? While Hanniel suffers too? Bakit ako lang at si Hanniel ang nahihirapan at nasasaktan kahit na kami naman ang iniwan niya? Bakit kami lang ang nagdudusa? Why is it so unfair?"

Iniisip ko pa lang si Hanniel, nasasaktan na ako. He should live a life full of joy and contentment. Ayokong mabuhay siya sa mundong tinitingnan siya nang may panghuhusga.

This is War (War Series #3)Where stories live. Discover now