Chapter 20

2.1K 87 31
                                    

#war3wp

Chapter 20

Toughest

Pinaglalaruan ko ang mga daliri kong kanina ko pa pinagmamasdan habang tahimik kaming nakasakay ni Ise sa kotse niya papunta sa isang kalapit na probinsya.

Tumanaw ako sa labas ng bintana at inisip kung ano kaya ang magiging reaksyon ng doktor kung malaman niya ang kalagayan ko? Huhusgahan niya kaya ako? I don't know. I'm sure that she won't because she's a doctor and she'll surely understand. Hindi ko lang talaga maiwasang kabahan. 

Kinagat ko ang labi ko at mas nakaramdam ng pagkahiya. I'm eighteen and I haven't finished high school yet. Pero nandito ako at papunta sa isang kalapit na probinsya para ro'n maghanap ng hospital na hindi makakakilala sa 'min ni Ise.

I feel like Ise is frustrated with what's happening. Hindi rin niya matago ang disappointment niya dahil sa tuwing tinitingnan ko ang mga mata niya, halos hindi niya ako matingnan pabalik. Iniisip ko kung iniisip niya kayang kasalanan ko kung ano ang nangyari?

I don't know. I just know that it hurts me whenever I see him and his emotions. Sana, kayang itago ng singkit na mga mata ni Ise ang nararamdaman niya pero hindi. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lahat ng mga bagay na hindi ko inaasahang makikita ko ro'n.

I expected so much. Masiyado kong pinaasa ang sarili ko na mas magiging maayos ang reaksiyon ni Ise kaysa rito. Pero sino ba ang niloloko ko? He's eighteen too. He's scared too. He doesn't know what to do too.

Tinanaw ko kung paanong pinalitan ng matataas na mga damo at puno ang mga matatayog na building ng siyudad. Sa Nueva Ecija namin napiling pumunta dahil bukod sa wala kaming mga kamag-anak doon, malayo 'yon at hindi madalas kung napupuntahan ng mga pamilya naming dalawa.

Hindi ko sinabi kay Adonijah na pupunta kaming dalawa ni Ise sa Nueva Ecija para magpa-check up. Masiyado ko nang pinag-aalala si Adonijah at ayokong masiyado pa siyang abalahin.

It's been a week since we learned that I am pregnant. Pinalipas na muna namin ang mga examinations at ilang mga activities bago napagdesisyunang magpa-check up na.

Ilang araw na lang ang natitira bago magpasko. Dapat, aalis si Ise kasama ang mga magulang niya papunta sa Japan pero hindi na sumama pa si Ise dahil sa 'kin. I feel like Ise feels upset about it too but he doesn't tell me. Pero kahit hindi niya naman sabihin, sa paraan niya ng pag-iwas ng tingin at sa lamig niya kung kausapin, ramdam ko nang mas gusto niyang sumama ng Japan kaysa samahan akong pumunta ng Nueva Ecija para magpa-check up.

Namuo ang luha sa mga mata ko nang maisip 'yon at napahinga ako nang malalim dahil alam kong kung hindi ako nagdadalang-tao, hindi naman ganito kababaw ang mga luha ko.

Tahimik kaming dalawa ni Ise sa sasakyan. Ang tugtog lang galing sa stereo ang naririnig. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin ng tulad ng dati dahil alam ko na magmula nang malaman naming dalawa ang situwasyon ko, nagbago na ang lahat.

At hindi ko ginustong magbago ang lahat.

Iniisip ko kung dapat ba, hindi ko na lang sinabi kay Ise para hindi kami nagkakaganitong dalawa? Ano kaya ang nasa isip niya? Ano kaya ang gusto niyang gawin naming dalawa?

I wonder what will happen if our parents learn that I am carrying Ise's child. Siguro, magagalit sa 'kin si Mommy at Daddy. Siguro, magagalit din sa 'kin ang Mommy ni Ise. Tatanggapin pa rin kaya nila kami pagkatapos ng mga galit nila? Will they help us?

Nakatulog ako sa biyahe. Ginising na lang ako ni Ise na naka-park na ang kotse niya sa tapat ng isang ospital. Kagat ko ang labi ko nang tanggalin ko ang seatbelt ko at pinili nang bumaba ng sasakyan.

This is War (War Series #3)Where stories live. Discover now