Chapter 27

2.1K 111 75
                                    

#war3wp

Chapter 27

I Will

Nakatingin ako sa mga dumadaang mga sasakyan sa kalsada. Kausap ni Adonijah si Allon habang unti-unti nang nagsisilabasan ang mga dumalo sa birthday celebration ni Dra. Ortiz. 

The restaurant is located along the highway. Looking at the people who went here to celebrate, I can see that they are not just a simple family. If Allon is a Mortega and his father is Dra. Ortiz's brother, then I assume, everyone here is a Mortega? 

"What a huge family. . ." I mumble as I watch everyone leave the restaurant. Maybe Allon takes after his mother so much. Ang mga nandito kasi, parang wala naman siyang kamukha o kahawig. 

Allon has his arms crossed while talking to Adonijah and I can't help but wonder if I should go and talk to them too. Nasa tabi kasi ako ng kotse ni Adonijah dahil akala ko, uuwi na kami kaagad pero mukhang kinausap niya na muna si Allon.

Nasa gilid sila ng restaurant hindi kalayuan sa bukana ng lugar. Adonijah's back is on me so all I can see is Allon.

Sa huli, pinili ko na lumapit din sa kanila ni Adonijah. Humahakbang pa lang ako papalapit, lumipat na sa 'kin ang mga tingin ni Allon. He still has his arms crossed and his serious gaze is making me uncomfortable. Pakiramdam ko tuloy, nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad papalapit sa kanila. Dahil sa pagkailang, inilipat ko naman ang tingin kay Adonijah.

Halos magkasing-tangkad sina Adonijah at Allon. Hindi na tuloy nakakapagtaka na panay ng lingon sa 'min ng mga bisita kahit na papauwi na ang mga ito. May ilang mga mukhang kilala si Allon—na hindi na nakakapagtaka dahil kapamilya niya ang halos lahat ng nandito—pero hindi nila malapitan dahil kausap kami nito.

"I didn't expect you to be here. Dapat pala, isinama namin si Asiel," ani Adonijah kay Allon, ngumingisi. 

Hindi ko pa rin matingnan si Allon. Is it the way he stands? Tindig niya pa lang, para na siyang respetadong tao. Kitang-kita ang magandang hubog ng braso niya sa pagkakahalukipkip. I can smell his nice masculine perfume too—but I can tell that it is a different scent from the perfume he uses back in high school. 

Kanina, I was wondering what Allon paired with his black shirt. Now, I realize that he's wearing a simple pair of jeans and a pair of brown boots. Despite the simple attire and the raggedness of his style, why does he still look eyecatching? I bet he doesn't even want to attract too much attention. 

Pero kahit na iwasan ni Allon ang atensyon ng mga tao, aangat at aangat ang presensya niya. His presence is impossible to overlook. Too intimidating. Too masculine to be ignored. Too intense to not notice. 

No'ng nasa senior high school kami, ito siguro ang hindi ko nagustuhan sa kaniya. Masiyado niyang iniistorbo ang kapayapaan ko. Whenever he's arround, everything just feels uncomfortable. I hated his eyes the most because they are his most intimidating feature. 

Pinagmamasdan ko ang soot ni Adonijah na kuwintas para hindi ko mabalingan si Allon. Pero kahit na nililibang ko ang sarili ko sa silver na kwintas ni Adonijah na nasa ilalim ng soot niyang puting shirt, hindi ko pa rin maalis ang atensyon ko kay Allon na nasa harapan namin.

"We can still meet up with Asiel at Acerra," ani Allon at ibinaling ko ulit ang tingin sa kaniya dahil do'n.

Our gazes meet again and his intense amber eyes focus on me. They look more amber in sunlight. Yet, despite how beautiful his eyes are, they are still making me feel cramped. 

I really have nothing I like about Allon. He's too ragged. Too intimidating. Too dominant. I have always liked Jadon and Hiel's style—neat and immaculate. But despite that, I still find Allon too attractive. Para bang kahit hindi mo siya tipo, hindi mo maiiwasang hindi mahalina sa kaniya.

This is War (War Series #3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu