Chapter 23

1.9K 97 109
                                    

#war3wp

Chapter 23

Not Mine

Ilang beses kong sinubukang tawagan si Ise pero paulit-ulit niyang hindi sinasagot ang tawag ko. Bumalik ulit ako sa Acerra College of Aeronautics para hanapin siya at kausapin pero parating hindi ko siya makita. 

Ang parati kong nakikita ay sina Fidel at ang iba pa niyang mga kaibigan na natatakot na akong kausapin pa dahil sa pangyayari noong nakaraan. 

Para akong tangang naghihintay sa labas ng university nina Ise para lang makausap siya. Para akong tangang umaasa na sana, sagutin niya ang tawag ko dahil kailangang-kailangan ko siyang makausap para sabihin sa kaniyang alam na ng mga magulang ko ang totoo. 

Na siguro, pwede na rin naming sabihin sa mga magulang niya ang totoo dahil baka maintindihan nila ang sitwasyon. Na mas magandang malaman nila ang totoo kaysa itago namin na may nabuo kaming dalawa. 

But Ise's friends keep on lying to me. Parati nilang sinasabi na absent si Ise, na wala si Ise, na hindi nila alam kung nasaan si Ise. Paulit-ulit na lang ang mga sinasabi nila at alam kong sinasabi lang nilang lahat 'yon dahil gusto nilang pagtakpan si Ise. 

Wala si Ise. Absent si Ise. Hindi ko alam kung nasaan si Ise. Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at napaupo ako sa isang bench sa ilalim ng waiting shed malapit sa main gate ng Acerra College of Aeronautics. I don't know why Ise's trying to get away from me. Dahil ba may iba na siya? Paano ang anak namin? Hindi niya ba naisip ang anak naming dalawa?

"Ise already left."

Inangat ko ang tingin sa nagsalita at naabutan ko si Allon na nakatunghay sa 'kin. Sukbit niya sa isang balikat ang bag at seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin. 

Agad akong tumayo pero hindi pa rin sapat ang tangkad ko dahil sa laki ng itinangkad niya sa 'kin. Kinailangan ko pa ring tumingala para makita ang mukha niya. 

"You saw him?" I ask. 

Tumango si Allon at pinagmasdan ako nang mabuti. "Pumasok siya kanina pero hindi siya um-attend sa mga klase," he tells me. "He did some things with the registration and admission office." 

They lied to me! Ise's friends lied to me. Namuo ang mga luha sa mga mata ko. 

"Where did he go?" I ask, my voice breaking. 

I cannot smell any perfume on Allon anymore. Hindi tulad no'ng huli kaming mag-usap, hindi na ako nakakaramdam ng pagduwal. 

"I don't know where he went but he left with Fidel and the others," aniya at kinagat ko ang labi ko.

He's ignoring me. His friends are covering up for him. Ano pa ba ang hindi ko alam?

Allon stares at me with his worried eyes but my vision starts to get blurry because of my tears. I feel scared and helpless and pitiful. Magdadalawang buwan na. Ganito na lang parati ang nararamdaman ko. Ganito na lang parati ang naiisip ko.

Please. Please. Please. I've prayed that multiple times already. Please. Please, don't do this to me.

Parati na lang akong humihiling sa langit na alam kong nagkamali ako, pero pwede bang 'wag nang gawin sa 'kin 'to? Alam kong nagkamali ako pero pwede bang 'wag akong masaktan nang ganito?

Allon holds both my shoulders when I almost fall because of my weak knees. 

"Allon," I beg and I hold his polo. "Allon, please help me. I just need to talk to Ise," I stutter and I close my eyes. Wala na akong pakialam sa iisipin ni Allon. I just need to talk to Ise. Pagkatapos nito, hinding-hindi na 'ko lalapit pa sa kaniya o kahit kanino mang malapit kay Ise. "I just need to talk to him. After this, I won't ask anything from you anymore."

This is War (War Series #3)Kde žijí příběhy. Začni objevovat