Chapter 37

2.1K 134 74
                                    

#war3wp

Chapter 37

Allon

"What are you craving for?" tanong ni Ida Mishal sa isang video recording na kinuhanan niya, isang taon na ang nakakalipas.

Lumipat ang camera sa mukha ko. I look upset. Kunot ang noo ko at magulong naka-bun ang mahaba kong buhok. I am wearing a huge white graphic shirt Adonijah probably gave me because I keep asking him to give me one before. Nakaupo ako sa sala ng bahay at nakatitig kay Ida Mishal. Kitang-kita sa camera ang hindi magandang mood ko. 

"Please! Mishal. I want tangerines!" sabi ko sa video at sumimangot. Namumula na ang tungki ng ilong ko roon at nakikita kong namamasa na ang gilid ng mga mata. Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang ngiti habang pinanonood ang sarili. "Just tarngerines. Mahirap bang bumili ng ponkan?" Bumuhos na ang mga luha ko sa video at pinunasan ko kaagad 'yon.

Tumawa si Ida Mishal sa video at sinabing pabibilhin niya sina Jadon ng ponkan. Napatawa ako habang pinanonood ang video. 

The next clip is me holding some baby clothes. Nakangiti ako at tumitingin-tingin sa camera. "Look. Asiel gave Hanniel some clothes!" I say on the video, my eyes shining excitedly. "Bumili rin ako no'ng nakaraan ng mga bagong damit."

"Ang dami na niyang damit. Hindi ba masasayang lang kung lalaki rin naman siya agad?" tanong ni Adonijah sa likod ng camera. Siya pala ang kumukuha ng video.

"It's fine! It's Hanniel, AJ," malambing kong sabi at ngumiti sa camera.

The next clips are a bunch of memories of me during my pregnancy. Pati na ang pagkakataong sumisipa na si Hanniel sa tiyan ko, mayro'ng video. Pati na ang mga biglaan kong pag-iyak at ang madalas kong pagtulog.

"Hanani's inside. She's giving birth," si Adonijah ang nasa sumunod na clip at pabalik-balik ang lakad niya. It's at the hospital. 

Nasa likuran niya si Jadon na nakahalukipkip at nakasandal sa pader. Jadon's eyes are shut.

Napamura si Adonijah.

"Are you worried?" tanong ni Asiel na mukhang kumukuha ng video.

"I don't freaking know," ani Adonijah at umiling, hinihimas ang buzz cut na buhok at may pag-aalala sa mga mata. "I'm worried for Hanani but I'm excited to see Hanniel too. Magiging ninong na 'ko!"

Tumawa si Asiel sa likod ng camera. "Relax, AJ."

Ang sumunod na clip ay video ko sa loob ng hospital room at unang beses na ipinasok si Hanniel sa kwarto ko para makasama ko. Iyak ako nang iyak habang yakap-yakap si Hanniel sa mga bisig ko. Hanniel cries in the video too.

"Hanani. Stop crying. Umiiyak din tuloy si Hanniel," sabi ni Ida Mishal sa likod ng camera. Nasa tabi ko sa video si Mommy na umiiyak din at hawak-hawak din si Hanniel para alalayan ako sa pagbubuhat sa kaniya. 

Hindi pa rin ako tumigil at iyak pa rin ng iyak. Marami pang mga videos na kadugtong ang mga 'yon. Parang hinahagod ng sakit ang dibdib ko at nararamdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko sa buong oras na pinanonood ang lahat ng 'yon.

Sa dulo ng video ay mga salita na lang. 

The past year has been very tough for me. . . because I wanted to keep my son away from the things that can hurt him. But I forgot about the fact that the world still has something beautiful in it. . . and that Hanniel deserves to see them too. 

I am very proud and happy to let you know that I did have an angel with me, and his name is Hanniel Ahijah Cortez. He has been and will always be our joy and peace.

This is War (War Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon