Chapter 25

2.2K 115 53
                                    

#war3wp

Chapter 25

Hanniel

It's hard to get over a heartbreak. I've heard that from a lot of people already but experiencing it myself is totally different. 

Gigising ka na lang kinabukasan na hindi mo alam kung paano nangyaring parang kahapon lang, mahal na mahal niyo ang isa't isa pero kinabukasan, para na kayong dalawang taong ni minsan, hindi pinagtagpo ng tadhana. 

How can a person become your everything one day and immediately becomes a stranger the next day?

Lahat ng mga pangakong hindi na matutupad, parang pumupunit sa puso mo—sinasakal ka para hindi ka na makahinga. Maraming tanong ang sasambitin mo. Bakit? Kailan? Saan?

Bakit pa kami nagkakilala kung sa huli, iiwan niya rin pala ako? Bakit ko pa siya minahal kung sa huli, kailangan ko rin siyang kalimutan?

Kailan nagsimulang magbago ang nararamdaman niya? Sa panahon ba na akala ko, masaya pa kaming dalawa? Kailan niya naisip na kaya niya na akong iwan? Sa panahon ba na inisip kong hinding-hindi ko siya kayang bitawan?

Saan ba ako nagkulang? Could I have done something that can make him stay? Could I have done something that convinced him he should leave me?

Hindi naman ako ang lumapit kay Ise para pumasok sa buhay niya. Siya ang lumapit para pumasok sa buhay ko. Kaya bakit ngayong nakuha niya na ang lahat, sobrang dali para sa kaniyang iwan din ako?

Ilang beses akong lumiban sa klase para sa check-ups at sa minsanang pagsama ng pakiramdam dahil sa pagdadalang-tao. Si Adonijah ang nagpapaalala sa 'kin ng mga kailangan naming gawin para sa mga requirements sa graduation at ang tumulong sa 'kin sa klase. Siya na rin ang nag-ayos ng mga kakailanganin naming requirements para sa Clermont University kung saan namin napagdesisyunang kumuha ng nursing.

Ilang beses kong inisip kung kaya ko kayang pumasok sa kolehiyo? I don't know. But my parents and friends encouraged me to enroll. They told me that they'll help me so I shouldn't worry. 

Siguro kasi alam nilang gusto kong makatapos ng pag-aaral. Siguro kasi alam nilang ayokong mahuli ng taon sa pag-graduate. Despite my situation, they still believe that I can achieve the things I've planned for myself before. Kahit na ako mismo, hindi na sigurado kung kaya ko pa bang tuparin ang mga pangarap para sa sarili. 

Dahil ilang linggo na lang at malapit nang matapos ang huling taon namin sa senior high school, our teachers didn't require us to attend classes that much. Tanging ang mga clearances na lang namin ang kailangang alalahanin. Si Adonijah ang tumulong sa 'king maglakad ng lahat ng 'yon. 

Hindi ko sinabi kina Asiel at Jadon ang mga sinabi ni Ise at ng pamilya niya sa akin. The two of them will surely do something to Ise once they learn what he did to me. Tanging si Ida Mishal, Adonijah, at Hiel lang ang nakaalam noon. 

Days after the talk I had with Tita Chiyo and Ise, I heard Ise went abroad. I don't know which country, but I assume he went to Japan where his mom used to live.

I graduated from senior high school. Panay ang iyak ko habang nagsasalita si Hiel sa entablado para sa valedictory speech niya. Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko at alalang-alala ang katabi kong si Adonijah. 

"Han, this will be bad for you," bulong niya sa tainga ko at hinagod ang likod ko. 

Nililingon na kami ng ilang mga kaklase at tiyak na magiging usap-usapan na naman kami ni Adonijah pagkatapos ng graduation. But my emotions are raging and I can't help my tears from pouring.

This is War (War Series #3)Kde žijí příběhy. Začni objevovat