Chapter 10

1.8K 86 33
                                    

#war3wp

Chapter 10

Letter

"What's this?" tanong ko kay Ise habang pinagmamasdan ang kahong iniabot niya sa 'kin kanina nang sumakay ako sa sasakyan niya. 

Sinundo niya ako galing ng St. Agatha University pagkatapos ng klase—like what he usually does. 

Tiningnan ko si Ise. He's smiling at me and it's making me smile too. Nakaupo siya sa driver's seat at hindi pa pinaandar ang kotse kahit na bukas na ang makina. His hand is on the steering wheel and his head is turend to me.

"It's a gift," aniya. "Open one letter each day." He purses his lips and I realize that he must be feeling a little bit shy. 

Tiningnan ko ulit ang kahong kulay itim at binuksan 'yon. I immediately see different folded papers inside. Binilang ko ang mga papel at nakitang sampu ang mga 'yon. Ten days?

Nangingiti kong nilingon si Ise at nakikita ko ang pamumula niya. Natawa ako nang kaunti. I didn't know that he can do such cheesy things!

It's been months already since he started courting me. Lumipas ang pasko at bagong taon. January na rin at ilang buwan na lang, patapos na ang school year namin para sa grade eleven.

For the past months, he has been really consistent with me. Hindi siya kailanman nagbago o nagsawa kahit na ilang buwan na siyang nanliligaw. I even think that his friends are already asking him why we are not together yet. 

"Do I start reading one today?" I ask him. 

"Can you read it later? When I'm not around," nahihiyang sabi niya at napatawa ako bago sumang-ayon. 

Hinatid ako ni Ise pauwi at dumiretso kaagad ako sa kuwarto ko nang makarating na sa bahay. I sit on my bed and I immediately open the box. I opened the first letter. 

You're beautiful. Whenever I see you, something tugs my heart. I like you, Hanani.

Napangiti ako at itinupi ang papel. 

Kulang na lang, pilitin kong matulog nang maaga para dumating na ang bukas at mabuksan ko na ang susunod na papel sa loob ng box. I keep on hoping that the day can finally pass.

Kaya pagkagising na pagkagising ko kinabukasan, nagbuklat kaagad ako ng isa pang papel. Nakahiga pa ako sa kama at kakagising lang, agad kong kinuha ang kahon mula sa side table ng kama at binuksan ang susunod na liham.

Your heart is beautiful. Your ideals and your perceptions. Sana kasama rin ako? :)

I take my phone and I type a message for Ise.

Maria Hanani Cortez:
Kasama saan?

Napangiti ako habang hinihintay ang reply niya.

Rylan Ise Avalos:
Your ideal future?

Hindi niya siguro alam na matagal na siyang kasama sa lahat ng iniisip ko para sa hinaharap.

Sasagutin ko siya pagkatapos kong mag-eighteen. We'll finish college together. He'll be a pilot. I will be a nurse. We will work for a couple of years. Then he'll ask me to marry him at twenty-seven and I'll say yes. We'll marry each other. Church wedding. Iimbitahan ko ang lahat ng mga kaibigan namin. I will wear the most beautiful bridal gown I will ever see and it would be Ise at the end of the aisle waiting for me.

I might cry during the wedding. Of course, I will. It's something that I've always dreamed of.

Hindi ko mapigilan ang mabilis na tibok ng puso ko habang iniisip ang lahat ng 'yon. 

This is War (War Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora