Chapter 6

2.1K 110 37
                                    

#war3wp

Chapter 6

Sincerity

"He's that guy?" tanong ni Jadon habang nakasandal sa upuan niya. Ang kaliwang kamay na may soot na silver na relo, nasa ibabaw ng lamesa, habang ang isang kamay niya naman, nakapamulsa sa soot na itim na trousers. 

Tinitingnan niya si Ise na kasama ang mga kaibigang umo-order sa cafe kung nasaan din kami. 

"Ise Avalos," ani Adonijah at lumingon din sa counter pero ibinalik ang tingin sa 'kin. "Bakit nandito? Pinapunta mo?" he asks me.

"No!" I shake my head. 

"Do you think he's here for Hanani?" tanong ni Jadon kay Adonijah. 

Adonijah shrugs. "Maybe? Maybe not." Ngumisi siya. "Malay ba natin kung gusto niya lang na subukan ang kape rito?"

"Like how Hanani just want to try the cafe at ACA?" tanong ni Jadon at nagtawanan silang tatlo nina Asiel. 

"Right," ani Asiel.

"Why are you bullying me?" reklamo ko at nilingon si Hiel na nakangiti at umiinom sa frappe niya. "Hiel," I call his name so he can help me but he seems like he doesn't have anything to say. 

"Just think that he's here for the coffee, Han," ani Ida Mishal, ibinababa ang librong binabasa niya. "It wouldn't hurt if you wouldn't expect."

Natahimik ako at napasimangot. She's right. Pero talaga yatang mahirap gawin 'yon lalo na sa isang katulad ko na hopeless romantic. 

Napapalingon lang sa gawi namin si Ise, umaasa na naman ako. Nangingiti lang siya nang kaunti kapag umiiwas ng tingin dahil nagkatinginan ulit kami, umiikot na naman ang mundo ko. 

Paano ko ba pipigilan ang sarili kong umasa? 'Wag siyang isipin? Paano kung lalo ko siyang iniisip dahil pinipilit kong 'wag siyang isipin?

I groan because of frustration. Mababaliw na yata ako. 

Maria Hanani Cortez:
Bakit kayo dito nag-cafe? Tina-try niyo?

Tiningnan ko si Ise. Nakaupo na silang magkakaibigan sa isa sa mga tables sa cafe na pang-apatan. Mag-isa siya sa isang parte ng table at magkatabi ang dalawa niya pang kaibigan. 

Pinanood ko ang pagbaba ni Ise ng tingin sa phone niya at ang agad niyang pagtitipa ro'n.

Ise Avalos:
No. Actually, we've already been here before.
Ngayon lang ulit kami nakabalik. :)

Tinitigan ko ang smiley face na kasama sa message niya at hindi ko alam kung bakit pati 'yon, inisip ko na cute. 

Maria Hanani Cortez:
Nagustuhan niyo ba? Bakit ngayon lang kayo nakabalik?

Ise Avalos:
Yup. Hindi kami nakabalik noon kasi malayo. Hahaha.

Maria Hanani Cortez:
Ngayon? Bakit kayo bumalik? 
Malapit na ba ang SAU? 

Napangiti ako sa biro ko. Tiningnan ko ulit si Ise at naabutan ko siyang nakatingin sa 'kin. He smiles at me before he brings his gaze back to his phone. Napangiti si Ise at bahagyang tinakpan ang mga labi niya gamit ang bahagyang nakakuyom na kamay dahil sa mahinang tawa. 

Ise Avalos:
Hahaha no. 
Inaya ko lang sila ngayon.

Maria Hanani Cortez:
Why? You like it here?

This is War (War Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon