Chapter 48

2.5K 147 37
                                    

#war3wp

Chapter 48

War

Tulog pa rin si Hanniel nang mapagdesisyunan namin nina Tita Lucy na umuwi na at sa bahay na lang kumain. Tita Lucy decides to go with us too.

Nakaramdam ako ng kaba dahil do'n. Then that means she'll meet my mother too! 

Buong biyahe tuloy, hindi ko mapigilang maaligaga dahil doon. Nasa backseat kami ni Hanniel. Nasa kandungan ko ang ulo niya. Si Tita Lucy ang nasa passenger's seat at si Allon ang nagmamaneho. 

Tinawagan ko na sina Mommy kanina at sinabihan na uuwi ako kasama sina Allon at Tita Lucy. Mommy panicked too, of course. Tinanong niya pa ako kung mamamanhikan na raw ba si Allon! Halos mapasapo ako sa noo nang sabihin niya 'yon. Siguro, namana ko nga kay Mommy ang pagiging nerbyosa. 

"Sana hindi ako makaabala sa inyo, Hanani," ani Tita Lucy mula sa front seat. 

"Okay lang po, Tita," I say, smiling at her after.

Nang makarating kami sa bahay, si Allon na rin ang nagbuhat kay Hanniel na hindi pa rin magising mula  sa pagkakatulog. Nang makapasok kami, si Mommy agad ang sumalubong sa amin, nakasoot ng bistida at pulang-pula ang lipstick. Pinigilan kong mapangiti dahil doon. 

Wala si Daddy dahil kinailangan niyang umalis para sa isang business trip kaya naman si Mommy lang ang nandito. Agad na nagmano si Allon kay Mommy. 

"Tulog na tulog ang baby," ani Mommy nang makita si Hanniel na natutulog sa bisig ni Allon. 

Naupo kaming lahat sa sala at nagsimula nang mag-usap sina Mommy tungkol sa charity work na pinuntahan namin. Habang nag-uusap ang dalawa, na kina Allon at Hanniel naman ang atensyon ko. Sinuklay ko ang buhok ni Hanniel gamit ang daliri ko at binalingan ko si Allon na nakatingin din kay Hanniel na natutulog sa dibdib niya. 

"Pwede mong iakyat na muna siya sa taas, Allon," I tell him. 

Tumango si Allon at umakyat na kaming dalawa para ilagay si Hanniel sa kwarto niya. Hinayaan kami nina Tita Lucy. 

Nang makaakyat na kami sa kuwarto ni Hanniel, agad kong inayos ang kamang tutulugan ni Hanniel at maingat naman siyang ibinaba ni Allon sa kama. Allon tucks Hanniel inside the comforter and we both sit on the side of the bed.

Hindi bukas ang ilaw dahil maliwanag pa naman sa labas. Ang manipis na kulay puting kurtina ng kwarto ni Hanniel ay hindi sapat para takluban nang tuluyan ang liwanag mula sa panghapong araw mula sa labas ng bintana. Hindi mainit lalo pa't binuksan ko rin ang aircon ng kuwarto.

Magaan at mabagal ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ni Hanniel mula sa pagtulog. It has been past an hour already. Mukhang napagod nga siya sa paglalaro kanina.

"He must be really tired," ani Allon. 

Tumango ako, pinagmamasdan pa rin si Hanniel. 

Binalot kami ng katahimikan bago nagsalitang muli si Allon. 

"Do you think he'll like me for you?" he asks. 

Agad ko siyang tiningnan at nakita ko ang mga mata ni Allon na nakatitig kay Hanniel. I can see worry and sadness in them. Inabot ko ang kamay niya at napatingin siya ro'n bago niya inangat ang tingin sa 'kin. 

"He likes you, Allon," I say. 

"But it's different when it comes to you, Hanani," aniya. He intertwined our fingers and he gives me a small smile. "Even if he likes me, it doesn't mean he likes me for you."

This is War (War Series #3)Where stories live. Discover now