Chapter 16

1.7K 83 7
                                    

#war3wp

Chapter 16

Promise

"This is for whom again?" tanong ni Asiel habang nakahalukipkip at tinatanaw kaming tatlo nina Ida Mishal at Adonijah sa kama ng kuwarto ko. Nakahilig siya sa hamba ng pintuan at soot niya ang uniform namin sa St. Agatha University tulad namin.

Pumasok si Jadon sa kuwarto habang umiinom sa dala niyang basong may lamang juice. Jadon is staring at his phone, smirking and typing something on it. Siguro ay si Azariah 'yon tulad ng kinukuwento sa 'kin ni Adonijah. It's surprising that he's not seeing her today. Napapansin ko rin kasi na napapadalas si Jadon sa Torrero University. 

Hiel goes inside the room too, holding a jar in his hand. Ipinakuha ko 'yon sa kaniya mula sa sala dahil naiwan ko 'yon doon kagabi. Balak ko kasing bigyan si Ise ng isang jar na puno ng letters tulad na lang ng ibinigay niya sa 'kin noon. 

"For Ise!" masaya kong sagot at narinig ko ang singhal ni Adonijah kaya napatingin ako sa kaniya. 

He's cutting some red colored papers. Gumugupit siya ng mga puso ro'n dahil tinutulungan ako. He's also wearing St. Agatha University's uniform. Nakasandal siya sa headboard ng kama at nakalatag ang mahahaba niyang binti sa kama. 

"He'll just throw this away," ani Adonijah at iwinagayway sa ere ang hawak na papel.

"He won't!" I say. 

Nag-aya silang magkita-kita ngayong araw pero nakahanda na kasi akong gawin ang surpresa ko para sa birthday ni Ise ngayong araw kaya tumanggi ako. Bukas na rin kasi ang birthday ni Ise at may usapan sila ng mga kaibigan niyang maglalaro sa tennis court na pinuntahan namin noon dahil Sabado at wala silang mga klase. Hindi dapat pupunta si Ise dahil birthday niya at magde-date sana kami pero nagdahilan akong may gagawin sa araw na 'yon kaya sa huli, pumayag na lang siyang sasama sa mga kaibigan niya.

Instead of just leaving me behind, my friends went to my house to help me—which I really appreciate. 

Hindi ko naman sinabi kina Adonijah na tulungan ako pero heto siya at tumutulong sa paggugupit. Ida Mishal, because she's bored, is also helping me with the calligraphy. 

Ida Mishal is talented. Halos lahat ay kaya niyang gawin basta gustuhin niya but she's more inclined into doing arts. She also loves journaling. Kaya naman nang sinabi ko sa kaniya ang regalong naisip ko na ibigay kay Ise ay tinulungan niya akong magdagdag ng ideya roon.

"Does Ise love such things?" tanong ni Asiel. 

"You start loving such things when you're in love," si Hiel ang sumagot, pumupulot na rin ng kulay pulang papel para tulungan kami sa paggugupit. 

"It's true," ani Adonijah, umaahon sa pagkakasandal at itinitigil ang paggugupit. "Tingnan mo si Jadon."

Napaangat ang tingin sa 'min ni Jadon na nakaupo sa single couch sa kuwarto ko at kunot ang noo niyang tiningnan si Adonijah. 

"What the hell are you talking about?" he asks and Adonijah laughs.

"Saka ka magalit kapag hindi ka na ngumingiti sa ka-chat mo," ani Adonijah at tumawa. 

Nagtaas ng middle finger si Jadon, ngumisi, at sumandal sa single couch na inuupuan. "Piss off, Del Rio," aniya bago ibinalik ang tingin sa phone. 

Napatawa rin ako at napailing nang kaunti. Adonijah catches Jadon studying for his accounting subject one time. Sabi niya, ginawa raw 'yon ni Jadon para kay Azariah Morales ng Torrero University. Hindi na niya tinigilan ang pangangantyaw kay Jadon pagkatapos no'n. 

This is War (War Series #3)Where stories live. Discover now