Chapter 19

1.9K 87 60
                                    

#war3wp

Chapter 19

Secret

I love fairytales. Bata pa lang ako, pakiramdam ko, pinuno na ako ng pagmamahal kaya naman sobrang ganda ng tingin ko sa mundo.

I always think that love can surpass all things and that despite the cruelness of the world, there will always be a bright side to everything. Ga'no man kadilim ang mundo ngayon, parating may liwanag ang dulo.

Adonijah always points out how optimistic I am. Parati kong tinitingnan ang mga magaganda sa mga bagay. Dumadanas man ako ng kalungkutan at sakit, parang dumadaan lang ang lahat ng 'yon dahil mabilis akong nakakaahon.

Hiel once told me that it's what he likes about me. I see things in a bright perspective. Na para bang para sa iba, makulimlim ang langit, pero pagdating sa 'kin, parang kalagitnaan ng tag-araw dahil sobrang liwanag.

I always daydream about my ideals. May mga bagay akong gustong mangyari sa isang partikular na paraan. 'Yon ang parati kong sinasabi kay Jadon. That despite him being a realist, he should have his ideals too because in that way, you can be more ambitious and you can dream bigger.

Pero hindi ko alam na ako mismo ang magagalit sa lahat ng mga bagay na inasam ko. Reality is ugly but the ideals kill you in the cruelest way possible.

Sasampalin ka ng katotohanan na pinaasa ka ng lahat ng mga pangarap mo. Na akala mo, maaabot mo ang lahat ng 'yon pero hindi pala.

Because you cannot control the future. You have no control over your tomorrow.

To graduate on time? To finish studying with flying colors? To marry at the age of twenty-eight? To have a family in my thirties?

Sira na ang lahat ng 'yon. Pinaasa ko ang sarili ko sa lahat ng mga pangarap na binuo ko para sa sarili ko. Masiyado akong nag-ambisyon. Masiyado kong inangat ang sarili ko na ngayon na bigla akong bumulusok pababa, mas doble ang sakit na nararamdaman ko.

Dahil hindi pala magiging ako ang mga bagay na inakala at inasam kong maging ako. Masiyado kong ginawang perpekto ang mga pangarap ko para sa sarili ko na ngayon na para akong nagkaro'n ng lamat, hindi ko malunok ang reyalidad. 

That I failed to fulfill my promise. That I let go of my principles. 

I betrayed myself. I lied to myself. 

Ilang mura ang inulit ni Adonijah habang ibinababa ang phone matapos niyang tawagan si Ise.

My regular period isn't coming. Kinabahan ako nang hindi 'yon dumating dahil guilty akong may nangyayari sa 'min ni Ise pero pinilit kong kalmahin ang sarili ko dahil baka naman na-late lang ng kaunting araw ang pagdalaw ng menstruation ko. 

Papasok sana ako kaninang umaga pero panay ang pagduwal ko kahit wala namang isinusuka. Sinubukan kong tawagan si Ise dahil hindi ako mapakali sa iniisip na posibleng buntis ako dahil hindi lang naman isang beses na may nangyari sa 'min.

I thought that it will be fine. Ise told me that it will be fine.

He always tells me that it will be fine. 

How is this fine? Suka ako nang suka kahit na wala naman akong nailalabas na kahit ano.

Napapikit ako nang mariin. Ise didn't answer my calls this morning. Siguro ay dahil napuyat siya sa laro nilang magkakaibigan kagabi at tulog pa hanggang ngayon. He always wakes up late after a game night. Wala silang pasok sa Acerra College of Aeronautics dahil may event na idadaos doon ngayong araw.

This is War (War Series #3)Where stories live. Discover now