Chapter 31

2.3K 147 113
                                    

#war3wp


Chapter 31

Message

Inihilamos ko ang kamay sa mukha habang nakaupo sa isa sa mga tables ng cafe sa tabi ng Clermont University. Puno na ng mga estudyante ang cafe at kanina pa ako tapos na um-order. Maayos naman ang lahat at wala namang problema pero hindi ko lang mapigilan ang ma-frustrate!

Stupid, Adonijah!

Adonijah Del Rio:
Hanani, I will be there for you. Always. Walang duda. Pero please, find someone else na pwede mong pag-praktisan. I'll kiss my grave early because of you.

Maria Hanani Cortez:
Mas marunong na ako ngayon!

I groan when Adonijah just liked my message! Talagang binilisan niyang umuwi para iwasan ako. Hindi ko naman magawang tuluyan siyang sisihin dahil talagang nabubugbog ko ang mga ugat niya sa tuwing nagpa-practice ako sa pagkuha ng dugo.

Tinanong ko rin ang iba ko pang mga kaibigan pero halos pare-parehas lang ang sagot nila sa 'kin.

Jadon Marcus Melgarijo:
Nag-aaral kami ni Azariah. Why not ask Asiel?

Asiel Dean Monserate:
I have prior commitments. Why not ask Hiel?

Hiel Sebastian Lara Cervantes:
I'm sorry, Hanani. I am studying for a graded recitation tomorrow. Maybe next time?

Ida Mishal Zavala:
I have a shoot for Louis Vuitton. I can't have bruises.

Napangiwi ako. Lahat sila ay minsan na rin naman akong tinulungan pero parati silang nasasaktan sa tuwing nagpa-practice ko. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko makuhang gawin nang tama ang blood collection! Kasalanan ko rin. Hindi ko talaga magawang ayusin ang pagkuha ng dugo.

"Are you okay?"

Napaangat ang tingin ko sa nagtanong sa 'kin at nagulat nang makita si Allon. Soot niya ang uniporme niya sa Acerra College of Aeronautics at dahil hindi ko siya inasahan, naramdaman ko ang malakas na kabog ng dibdib ko.

He looks like he just got here. Galing pa siya ng Acerra-halata 'yon sa suot niyang uniporme. Asiel had prior commitments. Kung gano'n, hindi kasama si Allon sa pupuntahan ni Asiel?

Malamang, Hanani! Kung kasama si Allon sa kung anumang gagawin ni Asiel, makikita mo ba siya sa harapan mo ngayon?

Tumango ako kay Allon at hindi nakapagsalita. Inilibot ko ang tingin sa cafe at inisip kung may kasama ba si Allon na pumunta rito pero wala naman akong nakikitang ibang taga-Acerra.

No'ng mga nakaraang araw at linggo, sa tuwing pumupunta siya rito, it's either we're with Adonijah or Asiel. Pero ngayon, dahil tinataguan ako ng dalawa ay wala sila. Tiyak na nagdadahilan lang sina Adonijah, Jadon, at Asiel pero hindi ko sila masisisi.

"You can sit here," alok ko kay Allon sa isa pang upuan ng table na inokupa ko.

Nakalahad doon ang kamay ko at tiningnan naman ni Allon ang upuan. He doesn't say anything. It's as if he is accepting my offer silently.

This is War (War Series #3)Where stories live. Discover now