Chapter 8

1.8K 85 26
                                    

#war3wp

Chapter 8

Bouquet

"Adonijah, I have news!" masayang sabi ko kay Adonijah isang umaga at naabutan ko siyang kausap ang ilang mga lalaking kaklase.

Nakakumpol sila sa likod at mukhang may pinanonood na basketball game-something they usually watch together-o 'di kaya ay mga mobile game competitions.

Kumunot ang noo ni Adonijah habang tinitingnan ako at inosenteng iniwan ang mga kasama niyang lalaking kaklase nang hilahin ko siya papunta sa upuan naming dalawa para mag-usap nang pribado.

"AJ! Mananalo na!" sabi ng mga kaklase namin.

"May replay naman!" sabi ni Adonijah, tumatawa at nilingon ako. "What? Kayo na?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi pa!" I say and I grin at him. "Pero pumayag na si Mommy na ligawan ako ni Ise."

"Kailan?"

"Kagabi! Nagpaalam ako."

Umupo ako sa upuan ko at ngiting-ngiting tumingin kay Adonijah. Kagabi ko sinabi kay Mommy na may nanliligaw sa 'kin at mukhang wala naman siyang pagtutol doon. Akala ko, magagalit siya at pagsasabihan ako pero mukhang hindi naman.

Mommy just gave me tons of warnings. 'Wag magmamadali. Protect yourself. Always remember to not fall too much so you can keep something for yourself.

Kasi mahirap kapag naubos ka na. Mahirap kung mapagtatanto mo na lang na wala ka na palang itinira para sa sarili mo.

"Hindi siya nagalit?" manghang tanong ni Adonijah.

Umiling ako. "Isn't like a sign? It's like everything is going smoothly," I mumble, smiling a little.

Natahimik si Adonijah at pinagmasdan ako. I raise my gaze to look at him and I immediately recognize the worry in his eyes.

"Come on, AJ," I mumble. "Just be happy for me."

Bumuntonghininga si Adonijah. He ruffled my hair and I groan, fixing it.

"Hindi mo maaalis ang pag-aalala ko para sa 'yo," aniya at itinukod ang dalawang siko sa mga lamesa ng upuan naming dalawa, pinagmamasdan ako. "You're like a twin to me. You get that?" he asks me and I can see his earnestness. "You get hurt, I get hurt. You cry, I cry."

Tumango ako at napangiti habang pinagmamasdan si Adonijah. I know that. But it's good to always be reminded that he'll always be there with me even in my darkest seasons.

Dahil pumayag na si Mommy, wala na rin namang nagawa ang mga kaibigan ko kundi ang suportahan ako kay Ise. Hindi ko alam kung ano ang nakikita nila kay Ise kaya hindi nila magawang magtiwala nang buo.

Ise is the best guy who has ever tried to pursue me. He's nice, he's polite, and he's what girls would want. Ni hindi nga siya halos nagbago nang magsimula siyang manligaw. I thought, once he starts courting me, I could somehow see the things that I would hate about him but I was wrong.

"What do you think?" tanong ko kay Ise nang ipakita ko sa kaniya ang sosootin ko para sa lunch date namin ni Mommy.

Weekend at inaya ako ni Mommy na kumain sa labas noong nakaraang linggo. That's why I'm trying to dress up because Mom told me that she's going to treat me somewhere fancy.

It's a white heart neckline a-line dress. It has puffed long sleeves. The skirt stops on the middle of my thighs and I keep wondering if Ise would hate it if I wear something like this. Because if he hates it, I wonder if it would be a turn-off.

This is War (War Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon