Chapter 45

2.5K 136 36
                                    

#war3wp

Chapter 45

Narisse

Kinakalas ko na ang seatbelt ko para makababa na sa sasakyan isang umaga nang ihatid ako ni Allon sa trabaho. Kasabay namin si Hanniel kanina na naihatid na namin sa St. Agatha University kung saan ko siya in-enroll. Ngayon, ako naman ang ihahatid ni Allon sa trabaho. 

Ayaw ko na sanang abalahin siya pero gusto ko namang bigyan siya ng pagkakataong gawin ang mga gusto niyang gawin para sa 'min. 

At isa pa. . . nang dumating siya kaninang umaga sa bahay—looking so good in his faded blue polo, jeans, and a pair of white shoes—hindi ko na rin nagawang tanggihan siya dahil masiyado na akong natulala at natuwa sa presensya niya. 

"Hanani," tawag ni Allon. I hum and I look at him. "Uuwi muna ako sa Nueva Ecija. I just need to check on some things. I will come back later this evening," aniya.

Agad akong nakaramdam ng pangungulila kahit hindi pa naman siya umaalis. Tumango ako. "Okay. Message me kapag nando'n ka na, kapag pauwi ka na ulit, at kung nakauwi ka na rito," I tell him. 

Napangiti siya nang kaunti sa sinabi ko. Itinukod niya ang kaliwang siko sa manibela at magaang na tinakpan ang mga labi niya gamit ang kaliwang kamay, nakatitig pa rin sa 'kin at itinatago ang ngiti niya. "Okay."

"Ingat ka," nakangiting sabi ko at binuksan na ang pinto para makababa na pero natigilan nang may maisip na gawin. 

Nilingon ko si Allon at naabutan ko siyang nakatitig pa rin sa 'kin. I purse my lips before I sit properly again, facing him. Tumaas nang kaunti ang kilay niya sa 'kin, nagtataka kung bakit hindi pa ako bumababa.

I lean towards him and Allon stares at me as I do. I place a light kiss on his cheek, blushing as I get a whiff of his familiar perfume. Nang makaupo ulit ako nang maayos, umiinit ang mga pisngi kong tinitigan siya. His eyes are still on me. 

"Thank you," nahihiyang sabi ko bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan niya, nahihiya. 

Tumayo ako sa gilid ng sasakyan niya para hintayin siyang tuluyan nang umalis pero nagulat ako nang bumaba siya sa sasakyan niya at umikot doon para puntahan ako sa side walk. Tinitigan ko siya nang may pagtataka. 

Allon walks to me, holding both my arms, and he bows a little so our eyes can level. I stare at his beautiful amber eyes. I can see his thick eyelashes from here. The glow in his eyes. The light flush on his cheeks. 

"Uuwi ako kaagad," malambing na sabi niya.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Bumaba ang tingin ni Allon sa ngiti ko at napangiti rin siya. 

Kumaway ako nang tuluyan nang umalis si Allon at pumasok na rin ako sa ospital para sa shift ko sa trabaho. I had to finish an evaluation and check up on a couple of things before I could do my rounds. Naging abala ako buong umaga pero nagkaro'n pa rin naman ng panahon para i-check ang phone ko para sa message ni Allon. 

Justus Alonso Mortega:
I just got here safely. I told my mom about you. 

Uminit ang mga pisngi ko at humilig sa pader ng hallway ng ospital. 

Maria Hanani Cortez:
About?

Justus Alonso Mortega:
Na nililigawan kita. 

This is War (War Series #3)Where stories live. Discover now