Chapter 9

1.8K 83 15
                                    

#war3wp

Chapter 9

Plans

I remember a love quote I once read when I was in junior high school that compares rain to falling in love. It says that like falling in love, rain is unpredictable but it always shows signs before it falls.

Like rain, if you are meant to fall, you'll fall and nothing can prevent it. I wonder if that's true. Kapag ba nagmamahal ka, kaya mo pang pigilan ang sarili mo?

Siguro hindi. Maybe that's why people say that love makes you blind. Love makes you a fool. Kasi kahit na alam mong dapat na tumigil ka na, hindi mo magawang pigilan ang sarili mong patuloy na mahulog.

Maybe that's why when we love we should always be careful of who we trust our hearts with. Dahil kung sa maling tao mo ibinigay ang puso mo, hindi na madaling umatras dahil nagsimula ka nang magmahal.

I watch the dim sky from the windows of my last class for the day. Makapal na ang mga ulap at madilim ang langit. Kaninang break time, amoy na amoy na ang alimuom ng paparating na ulan.

Kaya siguro lalo akong inaantok ngayon. Bukod sa boring ang klase sa Oral Communication dahil sa substitute teacher naming binabasa lang ang libro, makulimlim pa ang langit dahil sa nagbabadyang ulan.

The sky rumbles and I sigh. It makes me think about Ise. Uulan din kaya sa Acerra College of Aeronautics? Kung bubuhos nang malakas ang ulan, siguro dapat na sabihan ko na si Ise na 'wag nang pumunta pa ng St. Agatha University para makipagkita sa 'kin.

Sa mga nakalipas kasing linggo ng panliligaw niya, parati siyang pumupunta sa St. Agatha University tuwing uwian para makipagkita sa 'kin. But it's raining today. I don't think it's safe for him to go here. Sa dilim ng langit at sa kulog na kanina pa nagpaparamdam, mukhang magiging malakas ang ulan.

When the glass of the windows starts to tick because of the rain, I start to make up my mind-I'll tell Ise to not pick me up today. Gusto ko man siyang makita, ayoko namang pasuungin siya sa malakas na ulan.

Humikab si Adonijah sa tabi ko. "I like Oral Communication but I don't like Ms. Amorsolo's substitute," bulong niya sa 'kin at napatawa ako nang mahina. "I can read the book on my own. Bakit kailangan niya pang basahin sa 'kin ang libro?"

Tiningnan ko ang substitute teacher at napanguso dahil patuloy pa rin ito sa pagbabasa ng libro. Nang kumulog nang malakas at bumuhos na ang malakas na ulan, lumabo na sa pandinig namin ang boses ng teacher at maging ito ay napalingon sa bintana ng klase.

Some of my classmates groan. Some of them didn't bring an umbrella. Some are worried about going home because some don't have their own cars-unlike most of my classmates.

"Susunduin ka ba ni Ise?" tanong sa 'kin ni Adonijah nang mapagtanto niyang mukhang lalakas pa lalo ang ulan. "Umuulan. Baka baha na ang papunta rito," aniya, tumitingin sa labas ng bintana.

Umiling ako. "Sasabihan ko na siyang umuwi na."

Tumango si Adonijah, tinitingnan ulit ako. "Kanino ka sasabay? I brought my car today. I can drive for you."

"Out of the way!" I tell him. Ayoko nang abalahin pa si Adonijah dahil alam kong gustong-gusto na niya umuwi kanina pa. "'Wag na."

"Kay Jadon?" Adonijah asks me. Unti-unti nang kumukunot ang noo niya dahil mukhang alam niya na ang iniisip ko. "Hindi ka puwedeng mag-commute. Ang lakas ng ulan, Hanani."

"Magpapasundo na lang ako sa driver," I say.

Alam ko namang pipilitin ako nina Adonijah na ihatid na lang pero alam kong hassle ang mag-drive sa ganito kalakas na ulan. Isa pa, pagod na kaming lahat dahil sa buong araw na klase, magpapahatid pa ako hanggang sa amin?

This is War (War Series #3)Where stories live. Discover now