Chapter 33

2.1K 122 103
                                    

#war3wp

Chapter 33

Birthday

"I'm not avoiding you."

Allon stares at me as if he knows that I am lying but he doesn't say anything. Bumaba ang tingin niya sa hawak kong kape bago niya inangat ulit 'yon sa 'kin.

"Are you going home?" he asks me, changing the subject, and he follows it up with another question. "Pwede ba kitang ihatid?"

Uminit ang mga pisngi ko. Kapag tinanggihan ko siya, mas lalo nga siyang maniniwala na iniiwasan ko nga siya!

"Baka may iba ka pang gagawin. . ."

Tumaas nang kaunti ang kilay ni Allon. "I have time."

Hindi ko alam kung ngiti pa ba ang naibigay ko sa kaniya o ngiwi. 

Kaya sa huli, dahil ayaw kong lalo niyang isipin na iniiwasan ko nga siya, pumayag na akong ihatid niya pauwi. Kagat ko ang labi ko nang makaupo na naman ako sa passenger's seat ng sasakyan niya. Amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango sa kotse at nabungaran ko na naman ang malinis na loob noon. 

"Ang linis ng sasakyan mo," I tell him when he finally enters the driver's seat. 

He starts the car's engine. "I know you don't like messy places," aniya at agad na kumunot ang noo ko. 

What does he mean! He maintains his car's cleanliness because I like everything neat? Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Because I find it ridiculous! Gaano niya ba ako kagusto? Kailan pa? He won't do this if he's just attracted, right?

"How did you know?" I almost whisper because of disbelief. 

"I heard it from Asiel and Adonijah."

I purse my lips. He's friends with my friends too. Bakit parang gustong-gusto ng mga kaibigan ko si Allon? What did they see in him that they didn't see in Ise?

Siguro ay meron silang matalim na instinct. Paano naman kasi nila nalamang hindi mabuti si Ise para sa 'kin? At bakit ngayong kahit umaaligid si Allon, ni hindi man lang nila ako kinakausap tungkol doon?

Ngaumuso ako at tumanaw sa labas ng bintana. 

They easily got friends with Allon too. . .

"They told me. . ." Allon continues to say and I look at him while he drives out of the parking space, "that you nag Adonijah for being messy with his things and you always compare him with Jadon."

Halos umirap ako. Ang daldal talaga ng Adonijah na 'yon!

"It's because Jadon is always neat," I say. "When you enter his car, you won't see even a speck of dust. Just like your car," I say and I look around his car again. 

Nang ibalik ko ang tingin kay Allon ay nakita kong nakatukod na sa pinto ng kotse niya ang kaliwang siko at nasa mga labi niya ang kaliwang kamay. There's a ghost of a smile on his lips and I blush when I notice it. It's just a compliment! Bakit ba ako naiilang? Pinuri ko lang naman siya!

"When you see Adonijah's car, you'll surely say the same," I stutter as I look away. 

"I saw it," aniya. 

I look at him again. "And?"

Napangiti si Allon. "I agree."

Napangiti ako at napatawa. "I told you!" tumatawang sabi ko. "He never cleans it unless I nag him! Buti nga nang mag-college kami, nililinis niya na ang kotse kahit papa'no."

This is War (War Series #3)Where stories live. Discover now