Prologue

21 1 0
                                    

Disclaimer: Ang kuwentong ito ay walang katotohanan pawang imihinasyon lamang.

"Congratulation honey ko!" Bati sa akin ng boyfriend kung si Christopher pagkababa ko ng stage, dahil kinuha ko ang award ko.

Recognition namin ngayon, next school year mag-gragrade twelve na kami. Nagpaalam ako kila Mama na kakausapin ko muna si Chris, bago umuwi at pumayag naman sila.

Hinarap ko si Chris at ikinawit ang mga kamay ko sa leeg niya bago pinatakan ng halik ang ilong niya.

"Thank you honey!" Masayang saad ko.

Ipinilig ko ang ulo ko at pinagmasdan siya ng kunot noo, bigla kasi siyang nanahimik at di makatingin sa akin.

"May problema ba?" Takang tanong ko.

Napabuntong hininga siya bago yumuko, lumakas naman ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ito na ba? Makikipaghiwalay na ba siya sa akin? Hihiwalayan niya na ba ako?

Pinitik ni Chris ang noo ko kaya napahiwalay ako sakaniya at sumimangot.

"Mali ang iniisip mo, hindi ko kayang gawin yun! Mahal na mahal kaya kita," Saad niyang natatawa.

Mas lalo pa akong napasimangot, kilang kilala niya talaga ako. Alam niya agad kung ano ang tumatakbo sa isip ko.

"Eh, bakit ka nga kasi ganiyan?" Tanong kung iritado. Pinipakalma ang sarili dahil sa takot na makipaghiwalay sa akin si Chris.

"Nahihiya ako," Sagot niyang nagpataka pa sa akin.

"Saan? Ikinahihiya mo ako?" Saad kung may hinanakit.

"Sira! bakit naman kita ikakahiya? Nasayo na ang lahat, maganda, matalino, sexy at higit sa lahat mapagmahal," Saad niya bago pinisil ang ilong ko.

"Aray! ano ba?!" Saad kung kunware galit bago tinanggal ang kamay niyang nasa ilong ko parin.

"May kulang sa sinabi ko," Dagdag pa nitong natatawa.

"Huh? ano? Mayaman?" Pagbibiro ko.

"Maliban pa duon! masungit pa!" Tumawa na siyang tuluyan ng makita ang inis ko sa muka.

"Joke lang," Saad niya bago ako inakbayan.

Tinanggal ko ang pag-akbay niya sa akin at humalikipkip, kunware galit parin pero gusto ko lang talagang magpalambing sakaniya.

"Ang honey ko, nagtatampo. Anong gusto ng baby na yan? Gusto mo bang kumain?" Kilala nga talaga ako ni Chris dahil naglambing nga talaga.

Hinarap ko na siya at ngumiti ng matamis sakaniya,  "Itabi mo nalang ang pangkain natin, may hinanda sila Mama sa bahay,"

"May pera akong itinabi para sa pangkain natin ngayon, honey." Seryosong saad ni Chris sa akin.

Alam ko, kahit na may pera kang itinabi para sa atin mas kailangan parin iyan ng pamilya mo. Mas kailangan niyo yan, lalo pa't dugo at pawis mo ang may kita niyan. Ngunit hindi ko nalang isinatinig dahil makulit pa naman itong Chris na ito.

"May handa sa habay Chris, dun nalang tayo kakain," Saad kung may ngiti sa labi.

Napabuntong hininga siya, "Kaya ako nahihiya eh," Bulong nito'y narinig ko naman.

Napabuntong hininga rin ako, "Ito nanaman ba tayo? Chris, ilang beses ko ng sinabi sayo na huwag kang nahihiya, ang importante nagmamahalan tayo, diba?"

"Nakakahiya naman kasi, ang talino mo, ang yaman niyo pa,"

"Chris," Saad ko bago hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Ilang beses ko ba dapat uulitin sayo na, pagnagmahal wala yan sa yaman, sa talino, o ano pa, dahil ang pagmamahal kayang tanggapin kung ano ka pa,"

"So, Mahal mo ako?" Ani niya bago ngumisi.

Napairap ako, ang bilis magbago ng isip ng loko. "Hindi, kaya nga di kita tanggap eh," Pangbabara ko sakaniya.

"Ah... sige maghahanap nalang akong iba, marami pa namang chix ngayon na magaganda," Saad ng loko bago inikot ang paningin na animoy may hinahanap.

Napasimangot pa ako at binalingan siya ng masamang tingin. Natatawa nanaman ang loko dahil sa itsura ko. Pinisil niya ulit ang ilong ko.

"Ang cute cute mo talaga!" Saad niyang may panggigigil pa.

Tinanggal ko ang kamay niya sa ilong ko, "Maghahanap rin ako, akala mo ikaw lang," Pananakot ko rin.

Titingin na sana ako sa ibang direksiyon ngunit agad niya akong hinila sakaniya at isiniksik sa matitigas niyang dibdib. Kaya matigas dahil lagi siyang kumakayod eh.

"Hoy! akin ka lang," Ani niya pa bago ako idiniin sa dibdib niya. Narinig ko tuloy ang mabilis na tibok ng puso niya. Kahit na amoy pawis siya, ansarap niya paring amoyin. Paano ba naman kasi ang gwapo gwapo!

"Oyy! Bawal yan! Nasa rules yan ng School bawal ang ganiyan," Rinig kung saad ng plastic kung kaibigan na si Kimberly. Napairap nalang ako, mahinang tumawa si Chris alam niyang umiirap na ako ngayon.

"Hayaan mo na Kimberly! ngayon lang naman," Suway ni Lester sa kaniya, napangiti naman ako dahil sa sinabi ng matalik kung kaibigan.

Umirap muna ako bago hinarap ang mga kaibigan ko. Itinaas ko ang kilay ko, "Nasan si Kiana?" Tanong ko sakanila.

Maliban kasi kay Lester na matalik at mapagkakatiwalaan kung kaibigan meron rin si Kiana. Silang dalawa talaga ang tunay kung mga kaibigan. Marami akong kaibigan ngunit silang dalawa lamang ang pinakamatalik sa lahat.

Umirap si Kimberly, "Yuck! amoy pawis ka Chris tapos niyayakap-yakap mo ang ambango kung kaibigan!"

" Ano ba Kimberly?!" Inis kung saad, dahil napadungo si Chris dahil sa sinabi ng bruhang ito, "Kaibigan ba kita?" Saad ko bago hinila si Chris at tinalikuran sila.

"Realtalk yarn," Rinig ko pang saad ni Lester.

"Hayaan mo na si Kimberly, alam mo namang baliw yun," Saad ko kay Chris na hindi na makatingin sa akin ng diretso.

Binitawan ko ang kamay ni Chris bago kinulong ang pisnge niya sa dalawa kung mga palad upang tumingin siya sa aking mga mata. Ngumiti ako.

"Honey ko, hindi ka na ba nasanay sa ipukratang iyon, mhm?" Malambing kung saad.

Ngumiti si Chris, "Napakasama mong kaibigan,"

"Sino bang nagsabing kaibigan ko siya?" Pagmamaldita ko.

Napa-iling si Chris, " Siya,"

"Siya, siya lang ang nakaka alam na kaibigan ko siya," Nagtawanan kami ni Chris sa sinabi ko.

" Sis!" Rinig kung saad ni Kiana.

Hahalikan ko pa sana ang ilong ni Chris dahil ang cute cute niya, bago harapin ang kaibigan kung mukang hinihingal pa sa pagtakbo. Lumapat na ang mga labi ko sa ilong niya ng bigla ko siyang naitulak dahil narinig ko ang tila kulob na tawag sa akin.

"Janine Grace Rondolottie!" Sigaw ni Lola Astrid kaya nilingon ko agad siya at nabungaran ko ang galit sa muka niya.

"Christopher, ijo. Iuuwi ko na ang apo ko dahil may munti kaming salo-salo sa bahay, may trabaho ka pa ata?" Ani ni Lola Astrid ng lumapit sa amin.

Napayuko si Chris, " O-opo,"

Ngumiti ang Lola, " Okay, take care to your work." Ani ni Lola bago bumaling sa akin ng seryosong naglakaba sa akin,  "My granddaughter, go to our car, now."

Sumulyap muna ako kay Chris at nakita ko ang takot at pagkahiya sa muka niya ngunit kahit na ganun ay nagawa niya paring ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako sakaniya at hahawakan na sana siya ng nagsalita ulit si Lola Astrid.

" Janine. Now."

Nagaalala akong tumingin kay Chris, tumango nalang siya kaya tumalikod na ako sakanila. Bagamat natatakot ako kay Lola pinakalma ko nalang ang sarili ko, alam kung hindi naman ako hihiwalayan ni Chris. Mahal ako nun eh.

True Love Always WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon