Chapter 6

1 1 0
                                    

"Ano ba yan Kiana!? Umagang umaga naniningil!" Rinig kung saad ng kaklase ko mula sa labas.

"Kung ayaw mo magbayad, maghanap ka na ng bago mong classroom!" Ani naman ni Kiana.

"Alam mo? nagiging katulad kana ng kaibigan mong mataray at feeling! Zoo Family quite!" Rinig ko nanamang sabi ni Selma bago tumawa kasama ang mga kaibigan niya.

Napataas na ang kilay ko at humalikipkip bago sumandal sa pader, ayaw ko munang pumasok. Gusto ko munang making sa mga sasabihin nila, maaga pa naman.

"Ang kapal mo! hindi feeling si Janine! Baka ikaw ang feeling! Malandi!" Rinig ko na ang inis sa boses ni Kiana kaya napangisi ako.

"Ang kapal ng pagmumuka mong sabihin yan sa kaibigan ko! Ang kapal na nga ng muka mo, mas kumapal pa dahil sa makeup mong binili sa tyanggehan!" Ani naman ni Lester.

"Kayo ang mas makakapal ang muka! lalong lalo na yung Janine na yun! Hindi naman maganda!" Ani nanaman ni Selma na nagpa-inis sa akin.

"Anong klaseng President yun? Ang arte-arte," Ani naman ng kaibigan niya.

"Pabebe pa pagmeron yung kuya niya, hindi purket kuya niya lang yung substitute teacher natin, nagagawa niya na lahat ng gusto niya," Ani nanaman ng isa.

"Janine, ma-arte! demanding! feeling! di maganda, akala mo kung sino. Mas maganda pa nga ako eh! Ano bang pinagmamalaki niya? Yung susu niyang ilang lalake na ang nanghawak?" Saad nanaman ni Selma at nagtawanan ulit sila ng mga kaibigan niya.

Naiiyak na ako sa galit, paano nilang nasasabi ang ganun? Wala naman akong ginagawa sakanila ng masama ah? Ni hindi ko nga sila jinudge eh. Wala pa nga akong sinasabi sakanila na ikakasira nila. Pero ako? andami nilang sinabi, oo ma-arte ako. Tanggap ko yun. Pero yung sabihin niya ang tungkol sa susu ko!

"Tumigil nga kayo mga bruha!" Ani ni Lester.

"O baka pati pepe niya ilang lalake narin ang nakahawak," Saad niya nanaman na tinawanan ulit nilang magbabarkada.

"Hoy! yang bibig mo ah, namumuro na!" Ani ni Kiana.

"Siguro bayaran siya, kaya andami niyang pera," Dugtong pa nito.

Papasok na sana ako ngunit agad na nahinto ng marinig ko ang galit na boses na agad nagpalambot sa puso ko.

"Can you just please shut your dirty mouth up! Wala na ba kayong matinong magawa at ang nanahimik na si Janine ang pinagdidiskartihan niyo ngayon? You already judge her, why don't you judge your self too." Ani ni Chris.

May namumuo ng luha sa mata ko, "Thank you," I mouthed when I saw Chris get out in our room.

He stilled, "Y-your... d-did you here everything?" Nag-aalalang saad niya.

Tumango ako at napayuko bago marahas na pinunasan ang luha kung pumatak. Narinig ko ang buntong hininga ng lalakeng nasa harap ko.

"Sorry," He said almost in a whispered.

Napa-angat ako ng tingin sakaniya, bago umiling-iling, "Wala ka namang kasalanan eh, ako nga dapat magpasalamat dahil sa sinabi mo,"

"Hindi ko na kasi kinaya, wala ka namang ginawang masama sakanila, diba?"

Tumango ako, ngumiti si Chris sa akin kaya napangiti rin ako ng tipid. Napapasok kami agad ng marinig ang tilian at sigawan ng mga kaklase namin.

"Sa meron ako!" Ani ng mga lalake sa likod.

"Go Kiana!" Ani naman ng mga ibang babae.

Dahil sa galit ko sa mga narinig ko sakanila kanina at sa nakikita ko ngayong pinagtutulungan nilang tatlo ang dalawa kung kaibigan, binato ko ang bag ko bago nakisabunutan rin sakanila.

True Love Always WinWhere stories live. Discover now