Chapter 10

3 1 0
                                    

"Janine, chocolate para sayo!" Masayang saad ng isang lalake.

Ngumiti ako at tinanggap ito, nahihiya pang tumingin sa akin ang lalake. "Thank you,"

"Janine ito rin para sayo," Saad pa ng isang lalake na nadaanan ko.

Panay lang ang tanggap ko sa mga ibinibigay nila sa akin, panay rin ang ngiti at pasalamat ko sakanila. Hanggang sa hindi ko na mahawakan ang mga pinamigay nila kaya may dalawang lalake na naglakas ng loob na samahan ako.

"Paki lagay nalang sa mga mesa ng kaibigan ko boys," Nakangiting saad ko bago pumasok sa room namin.

Agad naman akong pinagtitinginan ng mga kaklase ko.  Ang iba ay binati ako, ngumiti nalang ako sakanila. Nagtama ang tingin namin ni Kim na nasa dulo sa pinakaharap, unti-unting nawala ang ngiti ko at agad ring nag-iwas ng tingin sa akin. Napangisi nalang ako.

Magmula nalaman ko ang totoo si Kim na mismo ang nangiwas sa akin, hindi lang sa akin dahil pati ang mga kaibigan namin iniwasan niya na rin. Hindi na siya sa tabi ng upuan ko umuupo.

Napangiti naman ako ng tunay ng makita si Chris na nakatingin sa akin, ngumiti rin siya sa akin. Ang gwapo niya! Umupo ako sa tabi ni Chris at duon na mismo inilagay ang mga dala ko.

"Good morning!" Masayang bati ko.

Magmula ng dinamayan niya ako mas naging malapit kami sa isa't isa. May asaran na ring nagaganap sa amin at kung minsan ako parati ang talo.

"Ang aga-aga Janine, pagkain agad ang hawak mo," Saad naman ni Chris.

"Binigay lang nila sa akin to! ayaw mo nun may kakainin tayo," Saad ko pa at tinaas baba ang kilay ko.

Napatawa naman si Chris, "Ang cute mo talaga,"

"Alam ko, matagal na," Saad ko naman bago pabirong flinip ang buhok ko kaya nagtawanan kami.

"Alam mo?" Saad ulit ni Chris na binara ko.

"Hindi, hindi ko pa alam," Pagatataray ko.

Natawa siya ng mahina, "Ang ganda mo parin kahit ang hangin mo,"

"Hoy!" Saad ko at tinuro pa siya pero tinawanan niya lang ako.

Napasungo nalang ako at binuksan ang isang twix na chocolate. Padabog pa akong nagbubukas nito habang nakanguso.

"Umagang-umaga Janine, chocolate agad? Mag-hahyper ka nanaman," Saad ni Chris.

"Pake mo?" Pagtataray ko ulit.

"Paghyper ka ang daldal mo, ako nanaman ang dadaldalin mo mamaya, nakakarindi kaya," Saad ni Chris kaya tumawa lang ako bago kumagat sa chocolate.

"Gusto mo?" Saad ko at tinutok sa bunganga niya ang chocolate na hawak ko.

Umirap lang siya kaya natawa ulit ako.

"Mga sis, kumain kayo ah," Baling ko sa dalawa kung kaibigan na nasa likod lang namin ni Chris.

"Jusko! ikaw na Janine!" Saad naman ni Lester.

Ngumiti si Kiana sa akin, "Salamat Janine ah? Mukang babalik ulit tayo bilang canteen ah?"

Napangiti nalang ako, simula kasing nalaman ng school na crush ako ni Kyle at may gusto rin ako sakaniya, iilan nalang ang naglalakas loob na lapitan ako at bigyan ng gusto nilang ibigay sa akin. Ngayon na kalat na pala sa buong school na si Kyle at Kimberly na! Bumalik ang mga maraming nagbibigay sa akin. Napa-iling nalang ako sa naisip ko.

Tumatawa lang ako habang kumakain dahil sa mga kaklase kung lokoloko gumagawa ng scene umagang umaga. Nagulat ako ng may tissue'ng dumampi sa gilid ng bibig ko kaya agad akong napabaling kay Chris.

True Love Always WinWhere stories live. Discover now