Chapter 13

3 1 0
                                    

Naghahabol kami ngayon ng mga requirements namin dahil patapos na ang fourth quarter, ang bilis ng panahon mag-gragrade ten na kami.

Mas naging malapit pa kami ni Chris sa isa't isa kaya patuloy naman ang asar ng mga kaibigan ko sa amin.

"Chix pre, mas maganda kesa kay Janine," Rinig kung saad ni Dave.

Napabaling ako sakanila at nakitang may tinuturo si Dave kay Chris, sinundan ko ang tinitignan nila. Napairap ako at napaismid kahit kailan talaga... Natigil ako sa pag-iisip dahil sa malakas na tawa ni Dave. Sabi na nga ba, umirap ulit ako.

"Paano magselos ang isang Janine Rondolottie?" Natatawang saad pa ni Dave.

"Selos yarn," Saad naman ni Lester.

"Walang label kaya bawal magselos," Saad naman ni Kiana.

Umirap nalang ako sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko bago tiniklop ang binabasa kung notes. Humalikipkip ako at itinaas ang isang kilay ko.

"Oh ito na order niyo!" Saad ni Beng-beng at may kasamang naglapag sa mesa ng mga order namin.

Napalitan ng ngiti ang pagkainis ko kanina dahil nakita ko ang kwek-kwek. Simula ata pinatikim ako ni Chris ng ganiyan at dinala ako dito naging favorite ko na yan.

Nagiingay any mga kaibigan ko habang kumakain samantalang ako tahimik lng na kumakain dahil gusto kung sulitin ang pagkain ng favorite kung kwek-kwek. Napatingin ako sa harap ko at nakitang nakatitig lang si Chris sa akin.

Sumubo ako ng isa bago tumusok ulit at isusubo na sana kay Chris ng mahinto ako dahil ngumiti siya ng buo sa akin. Bakit ganun? Yung puso ko, bumibilis ang tibok. Ibaba ko na sana ang kamay ko dahil sa kabang nadarama ko ng biglang napapitlag ako dahil kinuha ni Chris ang kamay ko at siya na mismo ang nagsubo sa bunganga niya gamit ang kamay ko.

Biglang naghiyawan ang mga kaibigan ko kaya bumaling ako sakanila at nakitang nakatingin silang lahat sa amin, kaya naman bigla ko nalang hinila ang kamay ko kay Chris dahil sa kahihiyan.

"Ouch!" Chris said that made me nervous.

Omy! Naitusok ko yung stick sakaniya! Agad akong patayo at lumapit sakaniya, ang isang kamay ko ay nakapatong sa balikat niya at ang isa naman ay pinanghahawi ko sa kamay niyang nakatakip sa ilong niya.

"Omygashhh! I'm sorry!" Kabadong saad ko, "Let me see, let me see, please,"

Dahan-dahang tinanggal ni Chris ang kamay niyang nakatakip sa ilong niya. Napasinghap ako ng makitang sa gitna mismo ng ilong niya may namumula. I gentle caress his nose using my index finger.

"Those it hurts?" I said and it almost a whispered.

Napapikit si Chris bago umiling, "Hindi na, hinawakan mo na eh,"

Napairap ako, "Gash! that make me nervous!" Saad ko bago mahinang pinalo ang braso niya.

Natatawa namang umilag si Chris. Sa huli napangiti rin ako, ang gwapo gwapo niya talaga pag nakangiti. Nahihiya akong bumalik sa upuan ko dahil nakitang ngiting ngiti ang mga kaibigan ko, ngiting nakakaasar.

"Congrats Janine! top one ka!" Bati sa akin ng mga kaklase ko pagkatapos ng card day namin.

Ngumiti ako, "Sa classroom, pero pag sa over all na, baka ako pa ang pinakahuli."

At ng dumating ang recognition tama nga ako, pero hindi naman ako ang pinakahuli. Sa classroom namin ako lang ang nakapasok, kaya ako lang ang umattend ng recognition, I mean ako lang ang tataas sa stage dahil kanina may nakita akong gumagalang mga kaklase ko at andito rin ang mga kaibigan ko.

Unti-unti kung tinakasan sila Mama upang makapunta sa mga bench kung nasaan ang mga kaklase kung naghihintay sa akin. Nagulat ako dahil sa biglaang pagbati nila at may paconfetti pa sila.

True Love Always WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon