Chapter 11

1 1 0
                                    

Chris POV

Napamura ako sa isip ko ng makita ang bahay na lilipatan namin dito sa San Fernando, La Union. Kinailangan na naming lumipat dito dahil pinapaalis na kami sa tinutuluyan namin sa Pampanga dahil wala na si Papa na nagbabayad ng bahay na iyon.

Ang bahay namin ngayon ay hindi kalakihan katulad ng nasa Pampanga, pero ayus na rin hindi naman kami mayaman. Dito na rin naman nanatili si Ate Charlotte magmula mag-collage siya. Taga San Fernando talaga si Mama napadpad lang siya sa Pampanga dahil kay Papa.

Sa ordinaryong paaralan dapat ako mag-aaral ngunit dahil kakagraduate palang ni Ate Charlotte bilang isang guro at nakuha agad siya sa Personal School, hindi pa nga siya nakakapag-take ng board exam may nangunguha na agad sakaniya. Ang patakaran kasi sa School na yun pag may relatives kang isang guro sa paaralan maaari kang makapag-aral dito.

Si Ate Charlotte na ang nag-asikaso sa kailangan sa paaralan at ako naman ay inasikaso ang paghahanap ng trabaho, dahil alam kung kahit hirap na si Ate Charlotte na ipagkasya ang suweldo niya sa lahat ng pangangailangan namin hindi parin siya nagrereklamo.

May sakit na highblood at diabetes si Mama kaya kailangan niya palagi uminom ng gamot niya. Nakahanap ako ng trabaho bilang waitress every weekend, nakakaintindi naman ang boss ko na laking pasasalamat ko.

"Chris! bakit kailangan mo pang mag-trabaho, hah?" Galit na saad ni Ate Charlotte.

Hindi ako nagsalita at yumuko lang. Ilang saglit pang tahimik at napaangat ako ng tingin ng marinig ang pag-iyak ni Ate Charlotte.

"Ate... gusto ko lang tumulong," Dahan-dahan kung saad.

"Chris n-naman... k-kaya k-ko n-naman... d-diba?"

Tumango ako sa sinabi ni Ate. Pero sa huli napapayag ko rin siyang magtrabaho ako. Oras na para pumasok ako. Pumasok ako sa gate ng napakalaking paaralan.

Nauna na si Ate Charlotte na pumasok dahil may seminar daw itong pupuntahan. Andaming mga studyanteng nag-iingay at pakalat-kalat. Hinanap ko nalang ang grade nine OldNavy, iyon daw ang magiging section ko sabi ni Ate Charlotte.

"Ay sorry!" Saad ng lalakeng nakabunggo sa akin dahil tumakbo siya. "Hoy Kyle teka!" Saad pa nito sa kasama niyang tinakbuhan na siya.

Napabaling sa akin ulit ang lalakeng sa tingin ko ay kaedaran ko rin. Kumunot ang noo ng lalake.

"Bago ka ba dito?" Tanong ng lalakeng medyo maitim at kulay brown ang mata niya.

"Uh, oo," Sagot ko.

"Transferree?" Saad pa niya.

Kumunot ang noo ko, natural kakasabi ko ngalang na bago ako dito. Naiinis na isip ko pero tumango nalang ako.

"Alam mo na ba ang section mo?" Andami naman nitong tanong, pero kailangan ko rin ang tulong niya.

"Hindi pa," Sagot ko.

Ngumiti siya na mas lalo ko pang ikinainis, "Tara, hatid na kita sa section mo,"

Napakunot noo ako, " Alam mo na kung nasaan ang section ko?"

"Hindi, saan ba ang section mo?" Saad nito na mas kinainisan ko pa.

"OldNavy," Maikling sagot.

"Shit!" Nagulat ako sa bigla niyang pagmura. Ngumiti rin agad siya ng makitang nakatingin ako sakaniya, "Ako nga pala si Dave,"

"Chris," Maikling saad ko.

"Nice to meet you, Chris! friends na tayo ah!" Saad nitong nagpagulat sa akin dahil inakbayan niya ako bago hinila.

Binitawan niya lang ako ng nasa tapat na kami ng maingay na classroom.

"Hi Kiana, good morning!" Bati ni Dave sa babaeng naka-jacket na may dalang notebook na nasa harap.

"H-hi Dave, g-good morning rin," Nahihiyang saad pa ng Kiana na tinawag ni Dave.

Nakangiti lang si Dave habang tinitignan si Kiana. "Wala pa siya," Saad nanaman ni Kiana.

"Hindi naman siya ang sadya ko, hinatid ko lang bago niyong kaklase," Saad ni Dave at tinuro ako. Napatingin ang iba sa akin.

"Ah ganun ba? S-sige salamat," Ani naman ni Kiana.

Ngumiti lang si Dave sakaniya bago ako hinarap, "Chris iwan na kita dito sa section mo, sa kabilang section lang rin naman ako. Pagmay kailangan ka wag kang mahiyang magtanong, ah?" Tumango lang ako sa sinabi ni Dave.

Tinapik niya ang balikat ko, "See you later pre," Saad pa nito bago tumakbo.

Tinuro ni Kiana ang pangalawang row sa pangalawang linya, duon daw ako uupo. Ang ingay naman ng klaseng ito, inilabas ko nalang ang librong binigay ni Ate Charlotte at nagbasa nalang habang hinihintay ang teacher namin.

Nakarinig ako ng batihan kaya napa-angat ako ng tingin. Nakita ko ang isang babae na mukang sikat dito sa klaseng ito. She have a wavy hair, a black almond eyes, thin eyebrows, pointed small nose and a thin pinkish lips. Her skin was white that match into her gorgeous face.

Natigilan ako ng magsalita siya, kahit na napakataray ang boses niya ay mala anghel paring katulad ng muka niya. Nahiya pa ako dahil binayaran niya pa ako. At hindi lang ako dahil buong klase ang binayaran niya, tama nga ang lahat ng student dito ay mayayaman.

Kunot ang noo ko ng masaksihan ko kung paano niya napapatahimik at natatakot ang mga studyante. Muka nga talagang makapangyarihan siya.

Nagulat ako ng may tumabi sa akin sa inuupuan ko ngayon kung saan maraming stall ngunit ang sabi ni Beng-beng na kaibigan ko ang tawag daw dito ay Street Fiesta. Ang daming studyante rin ang pumupunta dito, akalain mo nga naman anak mayayaman ang mga iyan pero kumakain ng ganto.

"Kamusta ang first day of school, pre?" Ani ni Dave.

Kumunot ang noo ko, "Kilala mo ba si Janine?" Kahit na hindi niya sabihin ang pangalan niya sa akin makikilala ko parin siya dahil sa mga kaklase kung mukang bibig parati at sya.

Tumawa si Dave, "Ganda niya nu? Mataray nga lang, bakit type mo? Back off ka na pre, may mi amore na yun eh,"

Kumunot ulit ang noo ko, nabighani lang ako sa ganda niya pero wala akong plano sa kaniya dahil mayaman siya.

"So kilala mo nga siya?" Tanong ko ulit.

"Itanong mo sa lahat kilala siya, at mas kilala ko siya dahil childhood bestfriend kami," Natatawang saad ni Dave.

"Oh ito na!" Lapag ni Beng-beng sa isaw na order ata ni Dave.

"Thank you," Saad ni Dave at ngumiti pa it sakaniya bago bumaling sa akin, "Kumain ka,"

Umiling ako.

"Janine Grace Rondolottie, pangalan palang kinakatakutan na ng lahat. Sila kaya ang may-ari ng eskwelahan," Nagulat ako sa sinabi ni Dave kaya napabaling ako sakaniya na parang walang pakealam sa sinabi niya.

Mayaman nga talaga. Ano bang meron sa mga Rondolottie na iyan at may lahing magaganda. Kilala ko ang Kuya niya, si Sir Charles ang boyfriend ni Ate Charlotte. Mabait si Sir Charles, ilang beses na rin siyang nagbisita sa bahay at sa tuwing bibisita laging may dalang kung ano-anong pagkain.

Isa rin atang dahilan kung bakit natanggap si Ate Charlotte na guro sa Personal School dahil girlfriend siya ng apo ng may-ari. Napabuntong hininga nalang ako, hanggang paghanga nalang talaga ako kay Janine at mukang wala siyang balak sa mga mahihirap na tulad ko. Hindi katulad ng kuya niyang mabait, ibang-iba si Janine sa kuya niya.


True Love Always WinWhere stories live. Discover now