Chapter 27

2 1 0
                                    

Nakangiti kung tinahak ang psychiatrist department, aayain ko kasi si James na magdinner sa labas dahil may two patiences ako ngayon na magaling na at na discharge na ng hospital.

Napatago ako sa pader ng makitang may kausap si James na babae, the girl was wearing a sexy dress and heels, she have a blonde straight hair. Parang tinusok ng punyal ang puso ko ng makitang hinawakan ng babae ang braso ni James at lumawak naman ang nakakalokong ngiti ni James.

Napabuntong hininga ako ng makitang binuksan ni James ang pinto sa likuran niya at unang pinapasok ang babae bago siya sumunod. Napalunok ako ng makitang pangalan ni James ang nakalagay sa pintuan. Hindi naman siguro nila magagawa ang iniisip ko diba?

Such a stupid, Janine. Nagawa niya ngang makipaghalikan sa parking lot na open area, yan pa kayang close area na ngayon. Baka nga higit pa sa halikan ang gagawin nila sa loob. Napangiti nalang ako ng mapait.

Yeah, we're just acting a sweet couple. All he did was just an act. It just an act, Janine. How stupid of you that you forget that it was act, it was fake. In dealing with him we never had a role, walang nagsabi sa aming hindi pweding mangentartain wala ring nagbawal sa amin na huwag mangentartain.

Nagmadali nalang akong umalis dahil hindi ko na kinakaya, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng sakit kung simula palang alam ko namang hindi totoo ang lahat, umasa ako eh. Ayan tuloy.

"Doctora!" Saad ni Heather ng nasa pintuan na ako ng exit.

Ngumiti ako sakaniya, ang ngiting alam kung hindi mahahalata ang sakit sa muka ko pero sa mga mata ay mahahalata.

"Anong ginagawa mo dito? Si Doc Vienna ba? Nakita mo na? teka tatawagin ko," Saad ni Heather na agad kung ikinailingan.

"Hindi Heather," Saad kung umiiling pa. "Napadaan lang ako, sige mauna na ako ah?" Agad akong tumalikod at mabilis na nilakad ang papuntang parking lot, rinig ko pa ang pagtawag ni Heather sa akin pero hindi ko na siya pinansin.

Nang makapasok sa kotse ko, hindi ko alam kung ano ang nangyare dahil sunod-sunod na lumandas ang mga luha ko. Bakit ba ako umiiyak? Dapat hindi ko siya iniiyakan dahil ang lahat naman ay walang katotohanan, ah?

Kahit nanlalabo ang paningin ko at patuloy parin sa paglandas ang mga luha ko nakapagdrive parin ako, hindi ko alam kung bakit dito ako napadpad ngayon.

"Janine!" Sigaw ni Ate Lavander ng lumabas ako sa kotse ko.

Agad akong napayakap kay Ate Lavander at umiyak sa balikat niya.

"Shh bakit bebe? anong problema?" Ani ni Ate Lavander at hinagod pa ang likod ko.

"Ang sakit, ate... ang sakit..." Hagulgul ko na sakaniya.

"Gaga ka Lavander! san ka ba tumutungo? Hindi ko pa naman ma-contact si Ja... Janine!," Nagulat ako dahil narinig ko ang boses ni Lester.

Hindi ako nag-angat ng tingin, patuloy lang ako sa pag-iyak sa balikat ni Ate Lavander.

"Anong nangyayare? bakit ka umiiyak?" Rinig ko na rin ang pag-alala ni Lester. "Shuta! kaya pala may tumutulak sa akin na bumalik ulit dito sa London,"

Pinatahan ako ng mga kaibigan ko. Pumunta kami sa tinutuloyang hotel ni Lester dahil nasa loob daw ng bahay nila Ate Lavander ang asawa niya at biyanan niya. Si Lester na ang nag-drive sa kotse ko, samantalang si Ate Lavander naman ay sinamahan ako sa likod.

Pagpasok namin sa suit ni Lester agad nanaman akong napahagulgul ng iyak, umiiyak ako habang sinasabi ko sakanila ang dahilan kung bakit ako umiiyak, sinabi ko sakanila ang buo, mula sa gusto ni Lola Astrid hanggang sa nakita ko kanina.

True Love Always WinWhere stories live. Discover now