Chapter 12

2 1 0
                                    

"Iniiwasan mo ba ako, Janine?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Chris ng pagkalabas ko sa classroom namin.

"H-huh? H-hindi ah!" Pagtanggi ko pero ang totoo, oo.

Simula kasi ng sabihin niya iyon hindi ko na alam kung paano siya pakitunguhan, nahihiya na ako sakaniya.

Narinig kung bumuntong hininga siya, "Si Dave kasi, sabi niya mas mabuting umamin na ako sayo," Bulong pa nito na narinig ko naman.

Natawa ako, so alam ni Dave? Kelan pa? Napakunot noo namang tumingin sa akin si Chris. Ngumiti ako bago bumaling sa loob ng classroom namin kung saan naghihintay ang mga kaibigan ko na nagpapanggap na kunware ay walang alam pero ang totoo ay alam nila! Of course that's bestfriends do. Kahit naman wala pang karanasan sa mga relasyon ang mga kaibigan mo mas magaling parin silang mag-advice.

Naalala ko tuloy kung paano ang itsura ng mga kaibigan ko ng sinabi ko sakanila.

"Ano nga iyon sis?" Tanong ni Lester.

Pagkatapos ng klase sa isang milk tea shop kami agad dumiretso, hindi pa nga ako nagpaalam nun kay Chris na aalis na ako. Nakasanayan na kasi naming mag-paalam sa isa't isa tuwing uwian.

"Eh ano..." Nahihiya pang saad ko.

Wala pang gumagalaw sa mga inumin namin dahil ang dalawa kung kaibigan tutok na tutok sa akin.

"Anong ano?" Atat ng saad ni Lester.

"Umamin si Chris," Parang nakahinga ako ng maluwag ng sabihin ko yun.

Agad rin akong namula ng nagtilian ang dalawa kung kaibigan.

"Gagi! paano? paano?" Saad ni Lester.

"Omygashhh, Janine! omygashhh! Ikaw na sis!" Saad naman ni Kiana.

"Kasi ganto, diba kaninang umaga umiral nanaman ang kalokohan ko, tinanong ko kung sino ang gusto niya tapos ang sabi niya 'Ikaw'," Saad ko kaya napatili nanaman ang mga kaibigan ko.

Niyogyog pa ako ni Kiana, "Omygashhh! sissy!"

"Gagi! kinikilig ako, pero teka," Nahinto naman kaming pareho ni Kiana dahil sa sinabi ni Lester.

"Bakit?" Takang tanong ni Kiana.

"Anong ikaw? mean ikaw ang tinutukoy niya o patanong na ikaw, sino ang gusto mo?" Pagpapaliwanag ni Lester.

Literal na natigil ako duon, Oo nga ano? Bakit hindi ko iyon naisip?

"Pero I believe na ikaw ang gusto ni Chris! mga galawan niya palang eh!" Bawi namab ni Lester.

"Oum, trueness! Boto ako kay Chris," Saad naman ni Kiana.

"Ako rin, pero kung ayaw mo, akin nalang siya ah?" Saad naman ni Lester.

Inirapan ko siya na nagpatawa sa kanilang dalawa ni Kiana.

"Nadali ka ng charms ko," Saad ko kay Chris ng hinarap ko ulit siya.

Napakamot naman si Chris sa ulo niya, kaya mas lalo pa akong napangiti. Gwapo. Bigla naman akong namula ng makitang napangiti rin siya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin.

"U-uwi na k-kami," Utal utal pang saad ko.

Napapikit nalang ako ng tinalikuran ko siya upang harapin ulit ang mga kaibigan ko. "Uwi na tayo," Saad ko sakanila.

Mas nahiya pa ako ng makitang ngiting ngiti ang dalawa kung kaibigan.

"Huwag kang mag-alala Chris, ako ang bahala kay Janine," Saad naman ni Lester kaya hinila ko siya palabas at hinayaan na namin si Kiana na magsara sa pinto.

"Lester naman," Bulong ko sakaniya.

"Gagi Janine, kinikilig ako," Saad pa ni Lester na humagikgik.

Hinintay namin si Kiana matapos sa pagsasara sa pinto bago kami maglalakad na sana ngunit natigil ng may nagsalita mula sa likuran namin.

"Uh- Janine," Saad nito kaya sabay kaming tatlong magkakaibigan na humarap sakaniya.

Itinaas ko ang kilay ko, "Yes Chris?"

"Uh- magiingat ka. Magiingat kayo," Saad nito kaya napangiti ako.

"I-ikaw rin," Saad ko at agad na tumalikod dahil ang puso ko ay bumibilis nanaman ang tibok!

Tinignan ko ang dalawa kung kaibigan na parang nagpipigil ng ihi ang itsura, namumula pa nga sila. Namula rin ako dahil sa reaksiyon ng mga kaibigan ko. Pinamadali ko nalang silang maglakad at ng nakalabas na kami sa gate nagulat ako dahil sabay silang napatili at pinalo-palo pa nila ako.

"Sisss! Naiihi ako sa kilig!" Ani naman ni Lester.

"Kinikilig na ako sainyo!" Saad naman ni Kiana.

Nagkapaalaman na kaming magkakaibigan dahil andiyan na ang kanya kanya naming sundo ngunit kahit na papasok na kami sa mga sarili naming kotse ay patuloy parin ang panunukso nila sa akin. Napangiti nalang ako ng makapasok sa kotse namin.

Ni hindi ko nga alam kung bakit ako ngumingiti ngayon. Hanggang sa paguwi ay nakangiti ako.

Lumapit agad ako kila Mama at Papa na nakaupo sa sofa sa sala para batiin sila. Nangingiting ibinababa ni Papa ang laptop niya bago niyakap akong mahigpit. Ahh I miss this.

"Sali naman ako," Saad ni Mama kaya natatawa kami ni Papa na niyakap din siya.

"Mhmm, my daughter is good mood now, huh?" Saad ni Papa na hindi parin kami binibitawan ni Mama.

"Seems like our daughter is inlove, huh?" Saad naman ni Mama na nagpatigil sa akin.

"Huh? Am I?" Wala sa sariling saad ko.

Natawang pareho sina Mama at Papa na kumalas ng yakap sa akin.

"Mhmm, who's that lucky boy?" Tanong ni Mama na pinangsingkitan pa ako ng mga mata.

"Just know your limit, Janine." Ma-oturedad namang saad ni Papa.

" Let's eat our dinner, darling," Saad ni Mama at sabay na kaming tatlo pumuntang dining.

"Si Kuya?" Tanong ko.

"He is with his girlfriend," Sagot naman ni Mama.

Natigil ako sa sinabi ni Mama. Girlfriend? Sino? Si Ate Rachel ba? Bakit walang sinasabi si Kuya Charles sa akin na may girlfriend na siya. Nakakatampo talaga.

Dahil sabado naman bukas at hindi rin ako makatulog napaisip nalang ako ng paglilibangan. Lumabas akong naka pajama na, sumakay ako sa kotse ko at tinungo ang isang malapit na convenience store.

Dala ang wallet ko at susi ng kotse pumasok ako sa store at agad nagtungo sa drink section, napanguso ako ng makitang wala ng chukie. Kumuha nalang ako ng Vitamilk na chocolate flavor bago pumuntang cashier.

Kinalikot ko ang wallet ko upang maghanap ng bayad ng biglang nahulog ang iba kung Id's pinulot ko ang dalawang Id na nahulog bago nagbayad. Palabas na ako ng may pumigil sa akin.

Nagulat ako dahil sa mainit niyang palad na lumapat sa kamay ko, mukang nagulat din ata ang lalake kaya napabitiw siya sa akin.

"Miss your license," Saad niya at iniabot ang  license ko sa akin bago tumalikod.

Hindi ko man lang nakita ang itsura niya at hindi man lang ako nakapagpasalamat dahil dalidali itong umalis sa harap ko. Sino ba iyon? Ang gwapo naman ng boses niya.

Binura ko nalang ang isipan ko patungkol duon at nagchat sa gc naming magkakaibigan bago matulog ng magkikita kami bukas sa Italian restaurant, matagaltagal rin kasi ng huling punta namin doon dahil sa pagiwas ko kay Chris.


True Love Always WinWhere stories live. Discover now