Chapter 3

2 1 0
                                    

"Good morning Chris!" Bati ko sakaniya at umupo sa tabi niya.

"Good morning," Saad niyang di man lang ako binalingan at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Napasimangot tuloy ako, "Ano ba yang binabasa mo?"

"Notes," Saad niya ulit na di tumingin sa akin.

Napatingin ako sa likod dahil umiingay ang banda duon,  tumayo ako at ngumiti ng makitang pinagkakaguluhan nila si Kyle.

"Mi amore!" Saad ko at naglakad papuntang likod.

"Good morning my mi amore!" Masayang bati ni Kyle.

Babati na sana ako ng may magsalita sa likod ko, kaya napairap nalang ako.

"Good morning OldNavy," Saad ni Kuya Charles. "What did you call to my lil'sister Mr. Smith?"

Napasimangot ako, umagang-umaga nagsusungit nanaman si Kuya! kaya ko tinakbuhan, eh. Imbes na lumapit kay Kyle pumunta nalang ako sa upuan ko.

"Ain't to early to flirt?" Saad pa ni Kuya Charles kaya mas lalo akong sumimangot. "Mr. Smith, just give me the WHLP of your mother. and stop flirting my lil'sister."

Mas lalo pa akong sumimangot ng lumapit na si Kyle kay Kuya at iniabot ang mga papel. Bumaling si Kyle sa akin kaya ngumiti ako ng nag-aalala sakaniya.

"I'm not flirting your lil'sister, Sir." Ngiting saad ni Kyle bago yumuko sa harap ni Kuya at pumunta sa akin upang ibigay ang dalawang chukie.

Rinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase ko. Napangiti ako ng matamis kay Kyle. Sa likod nito ay nakita ko si Kuya Charles na humalikipkip.

"Thank you," Tiningala ko si Kyle at ngumiti sakaniya. Hinawakan niya lang ang buhok ko at ngumiti.

"Tibay mo ah," Ani ni Kuya Charles kay Kyle na nagpaalam na aalis na.

"Syempre mahal ko," Natatawang saad naman ni Kyle kaya naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Loko! pumunta ka na sa klase mo," Natatawa ring saad ni Kuya bago seryosong bumaling sa amin. "Okay, get one fourth sheet of paper. We're having a short quiz."

Ang ibang mga kaklase ko ay nag-react ngunit agad ring natahimik ng seryosong binasa na ni Kuya ang quiz namin. Napasimangot ako at sumagot nalang.

Short quiz daw pero 30 items, galing ng short quiz niya ah, ibilib.

"Who's the highest?" Tanong ni Kuya ngunit walang sumagot, "Okay pass your paper if I said your score. 30? None? 29? wow OldNavy section, 28? Wala u-" Hindi na natuloy ni Kuya ang sasabihin niya ng tumayo ako.

Tamad na tumingin sa akin si Kuya bago umirap rin ng tamad, rinig ko pa ang pagsinghap ng mga kaklase ko. Ngumiti ako ng matamis kay Kuya bago iniabot sakaniya ang papel ko.

"Tsk, tyamba." Saad nito kaya nainis ako.

Itinukod ko ang dalawa kung kamay sa lamesa at inilapit ang ulo ko sa muka niya, "Tanggapin mo nalang na may matalino kang kapatid,"

"Stand properly and go back to your seat. Your skirt was damn short." Seryosong sabi ni Kuya kaya ginawa ko nalang ito.

"27? Wow! please give Mr. Mefapo a applause," Napairap ako sa sinabi ni Kuya.

Pinapalakpakan niya si Transferre boy tapos ako na kapatid niya hindi? Ang galing talaga! Parang di kapatid. Umirap nalang ako, dahil imbes na mainis ako, may parte sa aking nakakaproud kay Mr. Transferre, matalino eh.

Pumunta ako sa library dito sa bahay kung nasaan sila Mama at Papa. Kumatok muna ako bago pumasok na may ngiti sa labi. Nadatnan ko si Papa na naka upo sa swivel chair niya samantalang si Mama ay nasa sofa.

True Love Always WinWhere stories live. Discover now