Chapter 35

4 1 0
                                    

Hindi na ako mapakali dahil halos one week late na akong di dinadatnan. Hindi ko alam pero parang natatakot ako, kinakabahan o ano... hindi ko talaga maintindihan ang damdamin ko ngayon.

"Sis, ano?" Tanong ni Kiana, sakaniya ko kasi sinabi ang lahat at siya na rin ang bumili ng pt para sa akin.

Andito kami ngayon sa condo niya, hinayaan naman ako ni James dahil kasama ko naman si Kiana. Sabay kami ni Kiana na napatingin sa pt. Napabuntong hininga naman si Kiana at hinagod ang likod ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil kahit papaano umaasa parin ako na mag-iba ang result nito.

Ngumiti ako kay Kiana at pinunasan ang luhang lumandas sa aking muka. Ngumiti rin si Kiana sa akin at niyakap ako.

"Okay lang yan, Janine," Saad niya at hinagod ang likod ko.

Biglang tumunog ang selpon ko kaya nahinto kami ni Kiana, sinagot ko ang phone ko ng makitang unregistered ang number.

"Hello, who's this?" Bungad ko dito.

("Doctora Janine Rondolottie, hindi ba?") Saad ng boses lalake sa kabilang linya.

Kumunot ang noo ko, "Oo, ako nga,"

("May kailangan kang malaman tungkol sa pamilya mo,")

"Huh? ano yun?" Takang tanong ko at kinabahan bigla. "I know everything to them," Pangbabawi ko dahil iba talaga ang pakiramdam ko.

("Hindi ang lahat, Doctora. Hindi mo nga alam ang dahilan kung bakit ka ipapakasal kay Doctor James, hindi ba?")

Mas kinabahan pa ako dahil sa huling sinabi niya. Oo tama siya, hindi ko nga alam kung bakit kay James ako ipapakasal. Hindi ako naniniwala na dahil isang Vienna si James kaya ako ipapakasal sakaniya ni Lola. Hindi relate ang business namin sa business nila James.

"Ano ang gusto mo?" Litong saad ko.

"Janine, sino yan? bakit ganiyan ka magreact?" Saad ni Kiana pero senenyasan ko lang siya na huwag mag-ingay.

("Isang milyon, sasabihin ko lahat ng nalalaman ko. May mga papeles rin akong ibibigay na nagpapatunay na nagsasabi ako ng totoo,")

Isang milyon? Nasisiraan na ba siya ng bait? Hindi naman ako disperada para malaman ang katotohanan at maglabas ng pera.

"Are you crazy!" Sigaw ko.

("Sinasabi ko sayo Doctora, alam ko ang lahat. Tawagan mo lang ang numerong ito pagready na ang pera.")

Hindi ko na siya pinatapos at pinatayan na siya ng tawaf dahil hindi ko kinakaya ang mga pinagsasabi niya. Hindi ko alam pero kabadong kabado ako, may parte sa akin na gustong ipagpatuloy ang pagsasalita ng lalake pero may parte rin sa aking di naniniwala.

Binigyan ako ng tubig ni Kiana, tahimik lang siyang pinagmasdan ako. Napaisip ako, wala pang nakakaalam na engage kami ni James dito sa Pinas, maging ang mga kaibigan ko ay hindi nila alam. Ang mga kaibigan ko lang sa London ang nakakaalam. Nagsasabi kaya ang lalake ng totoo?

"Kiana, samahan mo ako," Saad ko ng hindi ko na talaga mapigilan. Bumabagabag sa isip at puso ko ang sinabi ng lalake.

"Saan?" Tanong ni Kiana.

"Mag-witdraw," Saad ko at tumayo na.

"Huh? teka!" Saad ni Kiana bago tumakbo para mahabol ako. "Ako na ang magdridrive,"

Tahimik lang si Kiana, tahimik kaming pumunta sa isang bangko. Ako lang ang pumasok dahil ako lang rin naman ang magwiwitdraw. Lumunok ako bago pinirmahan ang papel na nasa harap ko. Habang hinihintay ang pera nagtext ako sa number.

To: unknown

'Ready na ang pera, saan ang location?'

Nagulat ako dahila agad na nagreplay ang number.

True Love Always WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon