Chapter 34

1 1 0
                                    

Nagising ako dahil sa mga ingay na nagmumula sa banyo, wala na si James sa tabi ko tiyak na siya ang tao sa banyo. Umupo ako sa kama upang hintayin siyang lumabas. Ngingiti at babatiin ko na sana si James pero hindi niya ako tinapunan ng ngiti at tumakbo papuntang dressing room niya.

Anong meron? muka naman siyang nagmamadali. Lumabas siya sa dressing room na nakabihis na at naaamoy ko ang panglalakeng amoy niya. Sinusuot niya na ang relo niya.

"Where you going?" Tanong ko.

Tinignan niya ako bago pinagpatuloy ang pagsasapatos. "In the hospital,"

"Huh? diba magpapasukat tayo ngayon?" Takang saad ko.

Tumayo siya at lalabas na sana ngunit tinawag ko siya, "James!"

Hinarap niya ako, "They need me in the hospital, Janine."

Natigil ako dahil sa sinabi niya, napalunok rin ako ng maramdamang parang punyal na tumusok sa puso ko dahil sa tinawag niya sa akin. Kailan man hindi niya ako tinawag sa pangalan kung 'Janine' tinawag niya nga ako muka namang galit. Napayuko nalang ako sa nararamdaman ko, hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan eh ang babaw lang naman nun.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko at ang mainit niyang labi sa noo ko. "I'm sorry, my love... magpapasukat nalang tayo bukas, I promise. But for now I need to go in the hospital,"

Tumango nalang ako. Naramdaman ko ulit ang paghalik niya sa noo ko, "I love you,"

Napaangat ako ng tingin sakaniya, "I love you,"

Hinalikan niya pa ako sa labi bago tuluyang umalis papuntang hospital. Napabuntong hininga ako, ang akala ko pag-aawayan na namin iyon kanina. Buti nalang inayos niya rin. Tumayo na ako at naghanda na rin ng sarili ko.

Napapikit ako ng maalalang wala akong coat, wala akong coat na dala ang lahat ay nasa London. Binigyan ako ni James ng susi sa condo niya kaya sinarado ko na ito bago nagtungo sa elevator dahil hinihintay ako ni Kew sa baba. Pumasok ako sa kotse ko.

"Good morning Doc!" Bati ni Kew sa akin.

"Good morning Kewalin, Ikaw ang magdridrive o ako?" Saad ko naman.

"Ako nalang Doc," Saad niya kaya tumango nalang ako. Alam niya na kung saan kami patungo dahil sikat ang hospital na yun dito sa San Fernando dahil magkadugtong lang ang mental and physical hospital na yun.

Lumabas kami at nagtungo sa nurse station upang magtanong kung saan ang kuwarto ni James dahil hindi nasabi ni James kung ano ang gagawin namin muna.

"Hi, can I ask where's Doctor Vienna's room?" I ask with a smile.

The nurse smile at me a apologize, "Did you have a appointment with him, ma'am?"

I was shock when the nurse ask that, "Uh, I don't have," Alanganing sagot ko.

Umiling ang nurse tska halata ang pagngisi niya, "Sorry ma'am, but Doc Vienna is not accepting if you don't have an appointment with him,"

I more shock because of that, "But he know me,"

The nurse smile again, "I think you should consult his secretary ma'am, so you can have appointment,"

"Where his secretary?" I ask getting inpatient.

"Uh sa- there! there his secretary! Ma'am Luigi, isa po ata sa mga naghahabol kay Doc," Napataas ang kilay ko ng marinig iyon sa nurse na kinausap ko.

Sinabi niya iyon sa isang babaeng siguro kaedaran nila Mama, rinig ko rin ang paghagikgik ni Kew sa gilid ko.

"Hinahabol mo Doc? sa pagkakaalam ko si Doc ang humahabol sayo," Bulong ni Kew sa akin, siniko ko siya upang manahimik dahil pinagmasdan kami ng secretary ni James.

True Love Always WinWhere stories live. Discover now