Chapter 16

4 1 0
                                    

Hindi niya naman ako hihiwalayan diba? Mahal ako nun ni Chris. Kahit ano pa ang pag-uusapan nila ni Lola Astrid hindi parin matatalo nun ang pag-mamahal niya sa akin.

"Grandmother, where is Chris?" Tanong ko agad ng makapasok siya sa kotse.

Sinenyasan niya muna ang driver namin na pupunta na kami. Taas noong nakatingin ng diretso si Lola, hindi man lang ako binabalingan ng tingin.

"I didn't know that you like that kind of boy, parehas talaga kayo ng kuya mo! bilog na bilog sa mga Mefapo." Galit na saad ni Lola Astrid.

Napayuko ako at pinaglaruan ang mga kamay ko. Hindi ako umiimik dahil baka kung ano pa ang masabi ko kay Lola Astrid. Hindi naman na lingid sa kaalaman ko na may relasyon si Kuya Charles at Ate Charlotte.

Nasa labas na kami ngayon ng bahay namin ng magsalita ulit si Lola kaya napa-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Ang pagiging Andalio niyo ang umiiral ulit. Parehas kayo ng Mama niyo na nagpapabilog sa mga Mefapo."

Dun ako naguluhan, si Mama? Bakit nadamay si Mama? Tahimik nalang ako na pumasok at hindi na umimik. Tahimik ang bahay at duon ko lang na-realize na walang salo-salo ang mangyayare ngayon. Pinalabas lang nilang meron pero ang totoo ay wala.

Nadatnan naming nakaupo si Kuya Charles sa sala at mukang problemado pa ito. Napasinghap ako ng makitang ang halos buong bahay namin ay may bodyguard. Umupo ako sa tabi ni Kuya, mas lalo pa atang nadagdagan ang problema niya ng umupo ako sa tabi niya.

"Mamili kayo ngayon din!" Sabay kaming napatingin kay Lola ng marinig ang galit niyang boses. "Ikaw Charles, lalayuan mo siya o tatanggalin ko siya sa trabaho niya! At ako na mismo ang manglalayo sa inyo."

Napasabunot si Kuya Charles sa buhok niya at hindi ko malaman kung naiiyak siya sa galit o naiiyak siya na pag-isipan ang gagawin niya.

Naiangat ko ang tingin ko kay Lola ng maramdamang sa akin na siya nakatingin, ngumiti siya sa akin, "Janine dear, lalayuan mo siya o tatanggalin ko siya ng scholarship at papatanggalin ko rin siya sa trabaho niya."

Umiling-iling ako at kusang nagsipatakan na ang mga luha ko. Takot ang nauna kung naramdaman, takot sa galit ni Lola Astrid, takot sa maari niyang gawin at takot para kila Chris.

"Lola, please don't..." Saad ko na nagpatigil kay Lola. Oo alam ko kung bakit siya natigil, kahit kailan di ko siya tinatawag na Lola, grandmother lng lagi.

"Janine! Tama na ang paglalaro! tama na ang pagsasama niyo ng batang iyon! Siya ang sisira sayo! Hindi ka niya mabubuhay!" Napahagulgul na ako dahil sa mga sunod-sunod na sigaw ni Lola Astrid sa akin.

Nilapitan ako ni Kuya Charles upang yakapin, kahit kailan man hindi nila ako sinigawan, ngayon lang. Ngayon lang.

"I'll give the both of you one week to break up with Mefapo's. Sasama kayo sa amin pabalik sa London." Saad ni Lola bago tinalikuran kami.

Humagolgul na ako ng iyak kaya mas humigpit pa ang yakap sa akin ni Kuya Charles. "K-kuya... w-walng k-kasalanan s-si C-chris..."

"Shh taha na," Saad ni Kuya sa akin.

Nakangiti akong pumasok sa restaurant ng makitang naghihintay na sa akin si Chris.

"Hi, sorry late," Saad ko bago umupo, hindi na hinayaang makatayo pa si Chris.

"Nag-order ka na?" Tanong ko at magtatawag na sana ng waiter ng pinigilan ako ni Chris.

"Makikipaghiwalay ka na sa akin?" Diretsahang tanong niya.

Napangiti ako ng mapait, "What's make you happy Chris?"

"Kung makikipaghiwalay ka na, sige okay lang. Okay lang na ako na ang masaktan, huwag lang si Ate Charlotte, Janine. Huwag lang ang ate ko."

True Love Always WinWhere stories live. Discover now