Chapter 9

1 1 0
                                    

"Kamusta?" Unang tanong ni Dave sa akin.

Ginawa nga ni Chris ang sinabi niya sa akin, na gagawa siya ng paraan para makapag-usap kami ni Dave.

Napangiti ako ng mapait, "Anong problema?"

"Ang tanga mo," Saad ni Dave.

Hanggang ngayon ay hindi parin kami makatingin sa isa't isa kaya ang punong mangga dito sa playground ang hinaharap namin.

"Alam ko," Sagot ko naman.

"Ako rin eh, ang tanga ko." Napabaling ako kay Dave ng sabihin niya iyon.

"Ang tanga ko kasi hinayaan kitang maging tanga," Pag-papatuloy pa no Dave.

Kumunot na ang noo ko sa mga pinagsasabi niya. "Huh?" Nasabi ko nalang.

Huminga ng malalim si Dave, hanggang ngayon hindi niya parin ako hinaharap. "Ako ang nagtulak sayo kay Kyle. Inireto kita sakaniya, ng dahil sa akin mas napalapit kayo sa isa't isa..."

Umiling iling ako dahil walang mga salitang lumalabas sa bunganga ko. Oo siya nga ang ng reto kay Kyle sa akin, pero choice na namin yun.

"Alam mo bang ang akala ko rin ikaw ang gusto ni Kyle. Sinabi niya kasing pag nanligaw siya sayo, seseryosohin ka niya. Hindi ka niya lolokuhin, ikaw lang. Pero hindi palang siya nanliligaw sinaktan ka na niya." Pag-papatuloy pa ni Dave.

Hindi ko namalayan ng umiiyak nanaman ako, nagulat nalang ako ng inabutan ako ng tissue ni Chris. Umiling ulit ako at marahas na pinunasan ang mga luha ko gamit ang mga kamay ko.

Akala ko rin eh, ako lang. Pero hindi...

"That day when I saw Kyle and Kimberly talking outside, I ask Kyle, you know what he said? I like Janine but Kimberly always bothering me, she chat me a sweet message that Janine never did. Tangina, sweet message pala ang nais niya. Chinat ko si Kim, alam mo ba kung anong sabi niya? Siya daw ang nauna kaya deserve niya yun."

Patuloy ng humagos ang mga luha ko sa mga narinig ko. Ibig bang sabihin matagal ng inaahas ni Kim sa akin si Kyle? Paano? Paano nagawa ni Kim sa akin to? Akala ko ba kaibigan niya ako? Oo. Siya ang unang nagkagusto kay Kyle pero alam naman ng lahat na si Kyle rin ang unang nagkagusto sa akin.

"May pasabi sabi pa noon si Kim na tutulungan niya si Kyle sayo, pero siya pala ang may balak." Natatawang saad ni Dave.

Kinuha ko ang mga tissue sa kamay ni Chris at marahas na pinunasa ang mga luha ko. Nakaupo kami ngayon dito sa swing, in my right side Dave was sitting, in my left side Chris was quietly sitting, and I'm in their middle.

"Kaya nahihiya ako sayo Janine eh, your the Rondolottie princess, your also my princess. A princess like you doesn't deserve to be hurt. And I am the reason why your hurting. Kung hindi ko siya inireto hindi ka masasaktan," Saad ni Dave na nagpailing-iling sa akin.

"I choose too Dave... don't blame your self..." Buti nalang at may lumabas na rin sa bunganga ko.

Napabuntong hininga ang dalawang lalakeng katabi ko. Dave stand up and kneel in front of me. He hug me tight.

"I'm so sorry my princess... I miss you, please let our friendship back. Let us be sibling again. Let me be your kuya again..." Saad ni Dave.

I pat his back and hug him also, "Dave... our friendship never end,"

Tahimik lang si Chris at hinintay kaming tumahan ni Dave.

"Kain nalang tayo," Saad ni Dave na may ngiti na ngayon.

Napangiti ako, I miss that smile. "Tara,"

"Mauuna na ako," Napabaling kaming pareho ni Dave ng magsalita na si Chris.

True Love Always WinWhere stories live. Discover now