Chapter 1

6 1 0
                                    

"Andiyan na si Janine, tabi!" Rinig ko agad sa mga kapwa ko student pagkababa ko sa kotse namin.

"Good morning sis!" Maligayang bati sa akin ni Lester na tumakbo galing sa flag pole.

"Good morning Lester," Bati ko pabalik, bago bumaling sa paligid upang hanapin si Kiana. "Si Kiana?" Tanong ko na dahil hindi ko mahanap.

"Nasa classroom na, alam mo naman ang kaibigan mo na yun," Ani ni Lester at umirap. "Masunuring Treasurer."

Natawa ako sa huling sinabi ni Lester, paniguradong ang ingay-ingay nanaman ng room dahil sa pagrereklamo nila na umagang-umaga mawawalan na naman ng laman ang bulsa at wallet nila.

Napairap ako ng makita kung paano nahawi ng dalawa ang mga studyanteng pakalat-kalat dahil sa presensya ko.

"Si Janine yan, ang ganda niya talaga," Rinig kung bulungan nila.

"Mayaman pa,"

"Balita ko rin matalino,"

"Good morning, Janine!"

Ngumiti nalang ako sa bumati sa akin, dahil ayaw ko naman magmukang masama sakanila.

"Good morning mga best!" Bati sa amin ni Kimberly na humabol pa sa amin ni Lester.

"Good morning Kimy!" Maligayang bati ni Lester.

"Good morning Kim," Bati ko pabalik bago pumasok sa maingay na classroom.

"Oh! akin na bayad mo!" Saad ni Kiana sa harap at tinuro ang isa sa mga kaklase namin.

"Si Kiana naman, ang ganda ganda ng umaga kasing ganda mo pa. Ang sungit-sungit mo agad." Sagot naman ng lalakeng itinuro ni Kiana.

" Haynako Jerum! di moko madadaan sa ganiyan! Magbayad ka!" Ani naman pabalik ni Kiana kaya mas lalo pa nag-ingay ang mga kaklase ko.

Napairap ulit ako bago walang sabing dumaan sa harap ni Kiana. Tumahimik ang lahat at napangiti sa akin. "Good morning Janine!" Maligayang saad nila.

Umirap ulit ako bago hinarap si Kiana, "Para saan at magkanu per head?"

"Para sa TLE copy, five pesos per head. 230 lahat, may transferre kaya nadagdagan," Agad namang sagot ni Kiana.

Humalikipkip ako at tinignan mula ulo hanggang paa si Kiana bago umirap at kinuha ang wallet ko. Inilabas ko ang buong five hundred pesos at inutusan si Kimberly na iabot sa lusyang kong kaibigan.

"Teka papabarya ko lang ito. Babalik ko nalang mamaya sukli mo," Ani ni Kiana bago lumabas.

"Thank you Janine!"
"Ang ganda mo talaga Janine!"
"Salamat Janine!"
"Hulog ka ng langit, Janine!"
"Kaya mahal na mahal ka namin eh,"
"Ang bait bait mo talaga!"

Napairap ako bago umupo sa pwesto ko, agad namang tumabi sila Kimberly at Lester sa akin. Tinignan ko ang orasan sa kamay ko at nakitang maaga pa ng twelve minutes bago magsisimula ang klase.

Napairap ako ng makitang si Jason na taga kabilang section na may dalang bulaklak. Naghiyawan ang mga kaklase ko ng pumwesto siya sa harap, at umupo sa mesa ng teacher namin.

"Good morning OldNavy section!" Bati ni Jason at ngumiti ng matamis bago hinanap ang mga mata ko.

Umirap ulit ako at humalikipkip na.

"Hi Janine! Mas gaganda ang morning ko kung tatanggapin mo na ang bulaklak na dala ko,"

Naghiyawan muli ang mga kaklase ko kaya umirap ulit ako bago nagsalita, "Mas gaganda rin ang morning ko kung umalis ka na ngayon sa harapan ko. And I'm not accepting a cheap flower." Pagtataray ko pa kaya mas lalong naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Hindi naman ito cheap, galing kaya itong Baguio," Saad pa ni Jason.

"Wala akong pake kung galing pa yang Baguio o saan mang teacher's table." Pangbabara ko pa lalo kaya mas lalong lumakas ang hiyawan. "Get out here or I'm gonna tell to the Principal to suspend you."

"Janine naman! Pasalamat ka mahal kita," Ani ni Jason bago nagtatakbong lumabas.

Napairap nalang ako at saktong dumating si Kiana at inaabot sa akin ang sukli ko. Umirap ulit ako at humalikipkip bago itinaas ang tingin ko sakaniya at tinaasan siya ng kilay.

"Oh sukli mo," Abot niya sa sukli ko.

"Sayo na ang sukli, para naman may pang paganda ka. Nalulusyang ka na Kiana!" Saad ko at pagkatapos nun ay narinig ko ang munting tawa ng mga nakarinig kaya naman namula si Kiana sa kahihiyan.

"Janine naman!" Suway niya.

Natawa ako, "Kidding a side, akin na alam ko namang marami kang pera."

"Syempre kinukurakot niya ang mga nasisingil niya," Ani naman ni Lester sa natatawang tono.

"Haynako Lester! Janine! nagsimula nanaman kayong dalawa," Inis na saad ni Kiana kaya natawa kaming dalawa ni Lester.

"Tahimik naman ni Lola Kimberly," Saad ni Lester.

"Tigilan mo ako Lester, meron ako ngayon," Ani ni Kimberly na naiinis rin.

"Jusko! tapos na si Janine na datnan nung last week tapos ngayon sabay naman kayo ni Kiana ang dinatnan, paano ako? Hindi pa ako dinadatnan! Lagot na!" Saad ni Lester na nagpatawa sa amin.

"Gaga! wala kang mattress!" Ani naman ni Kimberly kaya napasimangot si Lester.

Nagtawanan nalang kami hanggang sa tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase. Pumasok ang first teacher namin na Adviser rin namin si Mrs. Evelyn Smith. Natahimik ang lahat, bago tumayo ang lahat at bumati sakaniya.

"Good morning students, who is the leader of the prayer?" Saad ni Mrs. Smith.

"Si Lester Ma'am," Ani naman ng iba bago bumaling sa katabi ko.

"Ingat, baka masunog ka," Bulong ko pa kaya nagtawanan kaming mag-kakaibigan.

"Langya ka, Janine!" Singhal pa ni Lester bago pumunta sa harap.

Tinitigan ko ang kaibigan kung nasa harap na ngayon. "Classmates close your eyes, bow your head and let's us pray. Dear-pffff..."

Napahagikgik kaming tatlong magkakaibigan dahil sa tinuring ni Lester.

"Lester, ayusin mo." Seryosong saad ni Mrs. Smith kaya nagseryoso nga si Lester.

"Amen!" Sabay sabay naming saad.

"Well, before we're gonna discuss to our next topic, I want you to all know that you have a new classmate, Christopher. Come here anak and introduce yourself to this Zoo family," Ani ni Ma'am.

Nalaglag ang panga ko ng makita kung sino ang tinutukoy ni Ma'am! Omaygash! Ang gwapo! May roon siyang mga matang kulay brown, makakapal na kilay, matangos na ilong, manipis na labi, clean haircut at ang balat ay moreno. Matangkad at kahit na grade nine palang kami ay mayroon na siyang malalaking muscle, humahapit ang katawan niya sa suot niyang puting t-shirt.

Pinagmamasdan ko pa siya dahil kinausap pa siya ni Ma'am. Napatingin ako sa paa niya at napasungo dahil nakita na ang black shoes na suot niya ay nagbabakbak na. Hindi man lang bumili, umirap ako bago tumingin sa kabilang direksiyon dahil itinuro ako ni Ma'am.

Tumango ang lalake bago humarap ng maayos sa amin, "Good morning classmates,"

Omaygash! Ang gwapo niyang magsalita! Rinig ko ang malakas na pagsinghap nila Lester at Kimberly, sisinghap rin sana ako dahil sa gulat ngunit tinuruan ako ni Lola Astrid kung paano ang dapat gawin. Itinago ko ang pagkamangha ko sa lalake at humalikipkip nalang bago pinagkrus ang aking mga paa.

"I'm Christopher Mefapo, you can call me Chris for short," Ngumiti ng tipid ang lalaki kaya napasinghap nanaman ang dalawa kung kaibigan. Mas namangha pa tuloy ako sa sinabi niya!

"Okay. Students, treat Chris in a nice way, please treat him." Bilin pa ni Ma'am bago pinaupo ang lalake.

Treat him in a nice way? Oh no Ma'am!

"Welcome to the Zoo family, Chris," Nakangiting saad pa ni Ma'am. Tumango lamang ang lalake kaya napa-irap ako.

Christopher, huh? Well, literally welcome to the hell, the hell gonna treat you in a nice way. Like what our teacher said. Saad ko sa isip ko at ngumingisi pa ako sa isip ko.

True Love Always WinWhere stories live. Discover now