Chapter 7

80 11 0
                                    


Klyde point of view

10 pm na nang gabi pero narito ako sa kama imbis na matulog naglalaru nalang ng  Among us. hindi na 'ko lumabas sa kwartong 'to dahil bumalik pala ang babae na 'yon dito.

"kainis!" hindi ko mapigilang hindi sumigaw. badtrip nanga ako nababadtrip pa'ko sa kakampi kong walang kwenta. ako pa sinisisi na impostor ayon tuloy natanggal ako!

nag quit na 'ko don tsaka ko nilabay ang cp sa kama. nakaramdam ako ng pag ka uhaw kaya nagpasya na 'kong lumabas

pumunta ako sa kusina para uminom. naabutan ko pang gising ang babaeng'to sa sala. seryosong nakatingin sa laptop niya  habang umiinom ng juice. ni hindi panga niya ata ako napansin tssss

hindi ko nalang din siya pinansin at agad na 'kong bumalik sa kwarto ko. nangunot ang noo ko nang makita kong may tumatawag sa cp ko. kinuha ko na 'yon tsaka sinagot

"oh yhosh napatawa--" hindi ko agad natapos ang sasabihin ko nang biglang mag salita ito.

"hello sir klyde si Gena ito. nandito ngayon si Lucifer sa bar. lasing na lasing. closed  na  kami pero ayaw padin niya umuwi"

"bantayan mo siya diyan. papunta na 'ko diyan" binaba ko na kaagad ang cp ko at dali dali nang lumabas

"where are  you going?" tanong ng babae na 'to ng mapansin niyang lalabas ako

"mind your own business" aniko tsaka kinuha ang susi ng kotse ko at lumabas

"seriously klyde in the middle of the night?!" dinig kong sigaw pa nito pero hindi ko na pinansin

binuksan ko na ang gate ng bahay namin bago ako pumasok sa sasakyan ko.

---

kasalukuyan ko nang tinatahak ang madilim na daan. hindi naman ganon ka dilim may mga ilaw naman sa gilid ng kalsada at mga ilaw ng mga bahay na nadadaanan ko.

ano nanaman kaya ang problema ng kumag na 'yon  at naisipang mag paka lasing. wala pang sampung minuto ng makarating na 'ko sa Bar na pinatayo naming tatlo. hindi ito alam ng mga magulang namin.  pinark ko ang sasakyan ko sa tabi ng sasakyan ni Lucifer. tsaka lumabas sa kotse. wala na ngang tao ang nandidito. tahimik na. hanggang 9:40 lang kasi itong open

pumasok na 'ko sa loob. ang naabutan ko lang don ay ang mga waitress na naglilinis at inaayos ang mga upuan.

"sir klyde nandoon po siya sa kabilang couch" bungad sa'kin ni Gena.  tinguan ko lang siya. nilagpasan ko na siya at pumunta na kung nasan ang yhosh na 'yon

nakita ko siyang nakaupo habang nakapatong ang magkabila niyang braso sa sandalan ng couch.

agad agad kong kinuha ang baso nang magtangkang lalagyan nanaman niya ito muli ng alak.  hindi naman siya nag pumiglas. binalingan ako tsaka nginisihan

"close na 'to. naparito ka?" anito na halata sa boses niya ang pagkalasing.

"ako dapat ang magsabi niyan kumag. nagsarado na 'to bakit nandito ka parin? wala kabang planong umuwi"  saad ko at umupo sa harapan niya. nagsalin ako ng isang basong wine at nilagak ito kaagad.

"siraulo satingin mo kaya kong mag drive ng ganito?" sagot nito na animoy tinuturo pa ang sarili.

pinatong ko na ang baso na ininuman ko tsaka siya binalingan

"alamo naman palang hindi mo kaya bakit ka nagpakalasing masyado" nakita ko itong humiga sa couch habang napapahilamos sa mukha

"tumayo ka diyan at i-uuwi na kita sainyo" saad ko pero hindi na ito naka imik.  lumapit ako sakanya atsaka pilit na itinayo. narinig ko pa itong umangal.

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now