Chapter 37

72 10 5
                                    


revenge..

saktong pagsapit ng alas 7 ng gabi ay pinuntahan na namin ni yuri ang tatlo kung saan sila dinala nina raz.

pagkapasuk na pagkapasuk namin ay dinig na namin ang kanilang mga tinig na nagsisigaw. natigilan sila ng mahalata nilang may paparating sa harapan nila kung saan madilim ant parte. kami yon

isang ilaw lang ang nandidito sa lumang bahay na'to na hindi natapos.  at iyon ay nakatapat sakanila  kung kayat ang ibang parte nitong corridor ng bahay ay hindi nila makita dahil madilim. pareho kaming nakasuot ni yuri ng itim na maskara

"sino kayo!?" galit na tanong ni avria. nginisihan ko siya tsaka ako naglakad papalapit sakanya. hinawakan ko ang panga niya at pinagmasdan siya ng maigi

"anong gagawin mo kay avie! bitiawan mo siya!" sigaw nung isa niyang kaibigan na pilit na kumakalas sa taling nakatali sa paa't kamay niya

"ikaw, ikaw ang punot dulo ng lahat ng paghihirap ko" kalmado ngunit may diin na sabi ko. sinampal ko siya sa magkabila niyang mukha

"how dare you!"

"Avie!"

sigaw nung dalawa. tinignan ko lang sila dahil wala naman akong kailangan sa dalawang to. muli kong inilipat ang aking paningin kay avria. tahimik lang siya na tila hinhulaan kung sino ako. pinagmasdan ang kabuuan ko

nasa hindi kalayuan sina raz, masayang nag-iinuman kasama ang mga kasamahan niya  habang pinagmamasdan kami

"sino kayo! ano ba kailangan niyo sa'min!"

naiwas ko ang sarili ko ng duraan ako ni avria!  galit na galit ko siyang binalingan. kinuha ko ang isang kahoy na malapit sa'kin. akmang idadagol ko na sana sa babaeng'to ngunit pinigilan ako ni yuri na aking ipinagtaka. nangunot ang noo ko dahil sa expression ng mukha niya. may sinag itong pangamba. sinundan ko ang mata niya kung saan ito nakatutok

ganun nalang ako magtaka ng may makita akong dalawang lalaking hindi pamilyar sa'kin. hindi naman ito yong mga kaibigan ni avria. pareho silang naka black attire. kalmado ang isang iginagala ang paningin sa kabuuan habang itong kasama niya ay tutok na tutok ang paningin sa'kin. blangko ang expression niya ngunit ang kanyang mga mata ay nanlilisik

"sino kayo at papaano ninyo natunton ang lugar na'to?!" pasigaw kung tanong. natigilan naman sina raz sa kanilang pagsasaya ng mapansin itong dalawang nasa harapan namin

Avria POV

akala ko muli ko nanaman mararanasan ang dati.  akala ko talaga dadapo nasa ulo ko ang hawak hawak  na kahoy nung babae. ngunit natigilan ito nang kalabitin siya nung isa niyang kasama. napatingin ako don kung saan sila nakatingin

ganun nalang ako magulat ng makita ko sa harapan namin si travis at yhosh.  pareho silang naka black attire. well nagkasundo ata ang dalawang to sa color. napansin kongang mahilig din si travis ng kulay black na katulad ng depungal na'yon.

kalmado lang ang itsura ni travis. pasimple niyang iginala ang paningin sa kabuuang lugar na'to. si yhosh na blangko ang expression, napako ang paningin niya dito sa babaeng nagtangkang pupukin ako

agad na lumapit dito 'yong gropo ng kalalakihan.

""sino kayo at papaano ninyo natunton ang lugar na'to?!" sigaw na tanong nitong babae kina yhosh

"ang lakas ng loob niyong pumarito ng kayo lang ang dalawa?" hindi makapaniwalang sambit ng babae. hindi rin ako sigurado kung kakayanin ng dalawang 'to itong mga lalaking nandito

"travis.."

napalingon ako don sa lalaking nangunguna. bakit niya kilala si travis?  walang nag-bago sa expression ni travis

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now