Chapter 14

65 10 0
                                    

Pinarada na ni yhosh ang sasakyan niya sa  garahe. lumabas na ako at nauna nang pumasok sa loob.

nginitian ko lang si manang silda ng batiin ako nito. dumeretso ako sa kusina para uminom. kanina pa ako nauuhaw pero hindi ko manlang nagawang uminom sa school pshhh.

"satingin mo ba ganon-ganon lang 'yon!?" my forehead knit.

inilapag ko na 'yong basong sinalinan ko ng tubig ng marinig ko si tita na sumigaw. kung hindi ako nagkakamali ay galing iyon sa labas nitong kusina. bahagya akong naglakad malapit sa pintuan na iyon.

"it's already happened! what else we could do!"  sigaw sakanya ni tito wilson. binalingan ko si tita, satingin ko ay umiyak siya sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo. hindi ko man batid kung ano ang pinagtatalunan nila pero sa palagay ko ay seryosong bagay ito para umiyak si tita.  ngayon ko lang silang nakitang ganito.

tila napako ako sa kinatatayuan ko nang mapansin ako ni tito wilson dahilan para mapalingon din sa akin si tita rafa.  pareho silang gulat  na nakatingin sa akin.

"A-avria kanina kapa--"

"hindi po tita!" patay malisyang sagot ko. totoo naman!

"a-ahh uminom lang po ako saktong may narinig akong kalabog dito sa likod ng kusina tapos nakita ko po kayo"  saad ko  mula sa malakas na boses  papahina. napansin ko naman ang pag-hinga ng maluwag ni tito wilson.

"a-ahhh sigee na po magbibihis na'ko!"  shit bakit ba nauutal ako!

nginitian lang ako ni tita rafa tsaka tumango. nag-mamadali kong nilisan ang lugar na'yon.

"pasensiya na ma'am avria, hindi ko nasabing maaga ang pagdating ngayon nina sir" si yani ng makasalubong ko ito. baka napansin niya ako don.

"okay lang, wala namang problema don"  sagot ko ng may guhit na tipid na ngiti sa aking labi.    naglakad na'ko  papunta sa kwarto ko.

matapos kong magbihis ay lumabas muna ako at pumunta sa malawak nilang backyard kung saan nandoon din ang pool nila.  gusto ko munang mag-pahangin

itinaas ko ng bahagya ang suot-suot kong  kulay puti na pajama hanggang sa hita.  nilubog ko sa pool ang kalahati kong binti.  nag buntong hininga nalang ako tsaka ko ini-angat ang mata ko sa itaas. tipid akong napangiti ng bumungad doon ang madilim na kalangitan at hindi mabilang na mga bituin.  may mga alitaptap pang palipad-lipad sa paligid.

"luke pumayag ka nalang kaya sa kagustuhan ng mommy mo"

"ayoko. ayaw kong mapalayo sayo avria naiintindihan mo ba'yon?"

"kung ako lang naman ang iniisip mo ayos lang naman saakin eh, pwede naman tayo mag vc araw araw mag tawagan--"

"Still ayoko. hindi ko kaya ang ldr. so pls just shut up"

mapaklaw akong ngumiti ng maalala ko ang pag-uusap naming 'yon ni luke.   ngayon na malayo na siya sa lugar na kinatatayuan ko. iyon din pala ang naka takdang mangyayari.

napalingon ako ng may maramdaman akong tumabi mula sa kinauupuan kong 'to. si tita rafa

nakangiti niyang hinawakan ang mga kamay ko.  medyo nailang ako dahil sa titig niya sa'kin. may luha pang namumuo sa mga mata.

may kung anong malamig na bagay akong naramdaman sa leeg ko. isang kwentas. isinu-ot  'yon sakin ni tita

naguguluhan ko siyang binigyan ng tingin ngunit ngumiti lang ito atsaka itinuon ang paningin sa pool.

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now