Chapter 46

62 11 7
                                    

departure..

tulala ako ngayong nakaupo sa veranda. nagmumuni-muni

hanggang kailan ako ganito? hindi ko na maano ang ganito. lagi nalang akong nilalamon ng kalungkutan. kapag bulag ka, maiisip mo talagang parang ikaw nalang ang nag-iisa sa mundo. suminghap ako ng maramdaman ko ang pagyakap sa'kin ng simoy ng hangin

naramdaman ko ang isang mga yabag sa hagdanan na papalapit dito. I'm sure si eizzy nanaman 'to

"eizzy" tawag ko sa katam-tamang tono

"ano'yon avria?" ramdam kong lumapit nadin siya sa'kin

"kunin mo yong cp ko sa drawer ng table ko. gusto kong tawagan mo si klyde o di kaya si gio. kahit sino sakanilang dalawa" turan ko

"sige diyan kalang ah, h'wag kang magtatangkang bumaba. babalik din ako dito ka-agad"  ngumiti lang ako sakanya tsaka tumango. narinig ko naman ang mga yabag niyang nagmamadaling bumaba sa hagdan

muli kong itinoun ang sarili ko sa harapan. wala pang minutes ng makabalik si eizzy.

"ito na yong cp mo. si klyde nalang ang una kong tatawagan" aniya

narinig ko namang nag riring ang cp ni klyde. maya-maya'y sumagot na ito. agad naman itong ibinigay sa'kin ni eizzy.

"ohh avria napatawag ka?" napangiti ako ng marinig ko ang boses niya. isang buwan nakasi silang hindi nakakapunta rito ni gio. paano ba naman kasi nabusy na sila sa studies nila.

"gusto lang kitang kausapin"

"gusto mo bang dalawin kanamin diyan ni gio ngayon? kasama ko siya ngayon rito sa ecopark. napadaan lang kami rito"  galak niyang sabi. ramdam ko sa boses niyang bumalik na ulit ang sigla niya.

"ako nalang ang pupunta diyan, magpapasama ako kay eizzy"  sambit ko

"segurado ka ba? baka hindi ka paya--"

"segurado ako, gusto ko din lumabas muna sa bahay at maglakad lakad" pagpuputol ko sa sasabihin niya

"oh sige antayin kanamin dito. isang buwan nadin 'yong huli naming pagbisita diyan"

binaba ko na ang cp ko matapos naming mag-usap ni klyde

"eizzy alam mo ba yong ecopark?"

"oo naman avria! kaso baka hindi ako payagan ni trevor na ilabas ka" aniya sa mahinang boses

"then h'wag kanang magpaalam sakanya. hanggat hindi niya nalalaman h'wag nating sabihing lumabas tayo" aniko.

agad ko namang nakombinsi si eizzy. inalalayan na niya akong bumaba sa hagdan. matapos kung bumaba ay muli siyang bumalik para kunin ang wheelchair. matapos niya akong mapaupo sa wheelchair ay lumabas nakami. naramdaman kong sinarado na niya yong main door nitong bahay

"naku sana talaga hindi ako mapagalitan nung suplado mong kapatid" sabi niya sa kasalukuyan niyang pagtutulak ng wheelchair

hindi pa kami nakakalabas sa gate.  ramdam ko parin yong malambot na bermudas.

"don't worry ako na ang bahala sa suplado na'yon" aniko at sabay kaming tumawa. 

"marunong kanabang mag drive?" tanong ko matapos naming makalabas sa gate.

"oo haha,  dati hindi. tinuruan ako ni travis. hindi ko naman kasi alam na pati pag-mamaniho ng kotse ay kailangan ko pang aralin" natatawa niyang usal. ngumiti lang din ako. si trevor ang may gusto non pshhh.  gusto niyang maging driver ko si eizzy at the same time.  kung nakakakita lang ako naku, baka ako na ang makatapat sa lalaking yon

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now