Chapter 11

68 11 8
                                    

Avria POV

"kamusta kana avria?" tinig ni tita mula sa kabilang linya. walang lumabas sa bibig ko. simpleng katanongan lang naman iyon pero parang ang hirap-hirap sagutin 'yon para sa akin. I just felt a hot liquid flow from my cheeks.

"avria?" pagsasalita nito nang mapansin ang pananahimik ko. these tears answered her question. pinunasan ko ang dumaloy na luha sa pisnge ko atsaka suminghap. huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"okay lang naman po ako tita, kayo kamusta na diyan? si lola ano na ang pinag-kakaabalahan?" saad ko at bahagyang ngumiti.

"gaya ng nakasanayan ninyo ayon nagtitinda parin sa palingke. sinasamahan ko siya kapag free ako" sagot nito.

"namimiss kana raw niya eh, kailan ka ba bibisita dito ulit?" muli niyang pagtatanong.

"huwag po kayong mag-alala, pupunta rin naman ako d'yan kapag may free days na ako, sa ngayon hindi pa pwede" saad ko at kunwaring tumawa.

"mabuti naman, namimiss ka na namin. malapit nadin umuwi 'yong asawa kong kano at ang anak namin. gusto niyang salubongin ko sila sa boracay. naisip ko lang baka gusto mong mag vacation don kapag wala kanang masyadong kinabubusy-han" saad nito. halata sa boses niyang ang pag-ka galak. ngumiti lang ako.

"kung pwede sana eh, gusto ko naring makita 'yang pamangkin ko"

"o sige avria sasamahan ko muna si nanay, wala ka bang gagawin?"

"ahm wala, sige sige. mag-ingat kayo lagi diyan. pakisabi nalang din kay lola na namimiss ko nadin siya, kayo" ani ko at mapaklaw na ngumiti.

I sat where mama was buried. I've been here for almost three hours. it's getting late too. I looked at my cellphone lying on the grass. I smiled bitterly and shifted my gaze to mama's tombstone again. it's night because I can already hear crickets around.

"see mama?... walang naghanap saakin.." niyakap ko ang magkabila kong tuhod. pinatong ko dito ang baba ko habang nasa lapida padin ang paningin.

"walang nag-aalala sa'kin mama..no one bothered to look for me" hinayaan ko nalang tumolo ang luha ko. wala din namang tao dito.

"kasi ako si avria. kilalang madaldal at bungangerang babae masayahin at walang dinadalang problema" sunod sunod nang nagsipatakan ang mga luha ko.

"no matter where on the continent I end up, it's okay. no one cares about me"

"mama.. miss ko na'yong mga bulyaw mo sa'kin. pinapagalitan kapag hindi kumakain.. hinahanap kapag wala sa bahay... pinapatulog sa tanghali...miss kona ang lahat sayo mom..." suminghot ako. marahan kong hinaplos ang nakaukit na pangalan ni mama sa lapida.

"simula nong nawala ka... nawala nadin si daddy..iniwan niyo'kong lahat.." nanuyo na ang lalamunan ko. pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga. ang bigat-bigat ng dibdib ko.

"wala na'kong kakampi sa buhay.."

---

dahan dahan kong minulat ang mata ko. wala sa sariling tumawa ako. napagtanto kong nandito padin ako sa lugar na ito. dito na'ko nakatulog at nag-palipas ng gabi. bumangon ako mula sa damuhan na ito at naghinat ng katawan. tiningnan ko ang lapida ni mama bago ko binalingan ang cp ko na katapad niya.

"see mama, nobody really cares about me" nakangiti kong hinimas ang lapida bago tumayo.

"paano naman kami avria?" napangiwi ako nang may magsalita sa likod ko. agad kong nilingon si klyde. ini-istretch panito ang magkabilang braso. na tila mukhang kakagising lang. napatingin ako sa tabi niyang humihikab. gague si gio.

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now