Chapter 55

41 11 8
                                    

his brain did

"Sissy avria nasa baba nasi halera the legend!"

dinig kong sigaw ni azria sa labas ng pintuan ng kwarto ko bago niya tuluyang binuksan iyon. we will attend lay's birthday party. ayokong sumama pero pinilit ako ni halera. wala daw kasi siyang kasamang pupunta ron. si azria ay busy sa homework niya kaya hindi siya pwede  kahit na gusto rin niya sumama. she wants to meet Austin as my ex boyfriend. oo alam narin niya. hindi rin sigurado sina yhosh kung susulpot ako don. hindi ko na din sinabing makakapunta ako.

lumapit siya sa'kin nang magka cross ang magkabilang braso. tiningnan niya ang kabuuan ko. naka suot ako ng simpleng dark green v neck fitted dress. dinedipena nito ang mala coca cola kong body. tinaasan ko siya ng kilay sa pinapakita niyang reaction  sa harapan ko. parang nakukulangan pasiya sa suot ko. naka ponytail hair lang ako.

"hikaw sissy. maghikaw ka." hindi pa'ko nakakasagot ng kunin na niya ang round hoop gold earrings sa dresser. siya na mismo ang nagsabit non sa tenga ko. 

"hoy!" sigaw ko ng pati buhok ko ay pinakialaman. tinanggal niya ron ang tali. nilantad lang niya iyon at bahagyang inayos-ayos. may pagkacurly kasi ang buhok ko sa ibaba. 

"ayan perfect! mag black high heels ka narin. don't tell me mag sasapatos ka?"  taas noong tanong niya. ngumiwi lang ako dahil iyon naman talaga ang balak kong suotin.

hinayaan ko nalang si azria sa kung anong gusto niya. pinasout nga niya ako ng high shoes nasatingin ko nasa 3 inch yong takong!   pati yong black sling bag ko ay pinalitan. mag wallet nalang daw ako.  isang silver wallet ang ibinigay niya sa'kin. nagreklamo pa'ko dahil hindi magkasya ang pulbos at suklay na laging laman ng sling bag ko.  so anong silbi nito kung pati cellphone ko ay halos hindi kumasya.

"gaga ganun talaga yan. pang fashion lang kung baga. nakakagulat ka naman kung kukuha ka ng pulbos at suklay galing sa isang wallet myghad sissy."

"Cash, credit card, id, debit card mga ganun lang ang pwede mong ilagay sa mga ganyang klaseng wallet sissy.dagdag paniya. muli niya akong pinasadahan ng tingin. ngayon ay nagmukhang hanggang balikat ko nalang si azria.

"see, you look better na. better than halera. kailangan maganda ka tingnan sissy, heller? nandon kaya ang ex boyfie mo malay mo naman bigla kang maalala"

tumawa siya. unti-unting napawi ang mga ngiti sa labi ko. pero agad ko din iyon binawi baka mapansin pa ni azria. may kung anong kumirot sa parte ng dibdib ko matapos niyang masabi yon. pinilit ko nalang ulit ngumiti.

lumabas na'ko sa kwarto kasama si azria. tumayo si halera ng makita kami. nasa sofa siya. nginitian ko siya matapos naming makalapit. she looks gorgeous. naka black cocktail dress siya, lantad ang dibdib. katulad ko ay nakabuhaghag din ang mahaba niyang red gold na buhok.

"you look stunning ria!" masaya niyang bungad sa'kin.

"lalo kana."

"ofcourse maraming shawty sa party na'yon! at party pa'yon ng bebe kong si lay!"  kinikilig niyang sabi. nginiwian lang siya ni azria.

"btw where's travis?  sayang naman itong suot ko. hindi manlang niya masisilayan itong nakakasilaw kung ganda ngayong gabi."  mahangin paniyang sabi habang nakahawak sa dress. may paikot-ikot pang nalalaman.

"don't tell me nagpapaganda kana kay kuya?" taas kilay naman na tanong ni azria. naglakad siya sa sofa at don nakahalukipkip na umupo.

"duh never in my life! kay lay kamo. what i meant is, gusto kong makita ng budal mong kuya itong kagandahan ko ngayong gabi, pa'no ba naman kasi, lagi niya akong sinasabihan ng boyish, tumboy, hindi marunong manamit ng pangbabae!"

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now