Avria POV
pumasok na'ko sa campus matapos akong maihatid ng depungal na'yon.
"Avie!" napalingon ako sa gawi nina amelsa. patakbo silang lumapit sa'kin. nakipag beso sa akin si alyn after non ay yumakap nanaman sa'kin si amelsa ng mahigpit.
"ano bayan 2days lang yon pero namisss ka namin agad" saad ni amelsa. sumabay na sila sa'kin sa paglalakad
"how's your wound?" singit naman ni alyn.
"okay na, medyo naghilom narin. hindi naman ganun kalala" sagot ko tsaka nagbuntong hininga.
"mabuti naman at magaling ka na, eh yong mga kumidnap sa'yo? anong nangyari sakanila?" tanong ni amelsa tsaka ako binalingan
"sa pag-kakaalam ko, baka nakulong na ulit ang mga 'yon" sagot ko
"ulit? wait dati nabang mga prison ang mga guy nayon?" sabat ni alyn
tumango lang ako
"ghod in prison really suits the wicked" saad ulit ni alyn, bahagya niya pang nakagat ang labi at nilingonan si amelsa. bigla namang natahimik si amelsa. she cleared her throat and spoke again but on a different topic
"btw today is our second semester exam, nakapag review naba kayo? how about you amelsa?" sabay niya kaming nilingonan bago inilihis ang paningin kay amelsa. kaya napatingin din ako sakanya
"Oo naman! kaso hindi ako nakapukos. may nangyari kasi.." saad nito mula sa mataas na boses papahina.
"nangyari? ano bang nangyari?" pagtatanong ko. pero tiningnan lang ako nito at nagbuntong hininga.
"Wala yon, pumasok na tayo sa room natin malapit na mag start!" masayang saad nito. nagkatinginan pa kami ni alyn bago sinabayan ang mood ni amelsa.
"kita kits nalang sa caf avie ah!" saad nito. kumaway pa ito bago tumalikod at sumabay sa paglalakad kay alyn.
akmang maglalakad narin sana ako ng makasalubong ko si gab at kyle tila kakarating din nila
"Kamusta kana avria? magaling naba ang mga sugat mo?" pangunguna ni gab, sinuri pa ang kabuohan ko
"magaling na'ko no! papasuk ba ako kung iika-ika pa ako!" pagsusuplada ko
"mabuti naman at walang gaanong nangyari sayo" si kyle
"balita ko natanggal sa school nato si yuri kasama ang isa niyang kaibigan" dagdag ni kyle.
"iyon ang naging parusa, masyadong bata raw kasi para makulong. tsaka saad ng guardian parents mo hindi niya raw kayang ikulong si yuri" muling sambit nito.
"nasa'n si kero?" tanong ko
"dumeretso sa locker,kukunin daw niya ang ilang notes na naiwan niya don. ngayon pa mag rereview ang kero na'yon kung kailan ngayon pa ang take ng exams natin siraulo talaga" turan naman ni gab.
"oh sige na! magsipasuk nakayo sa room ninyo at mag-study. punta nadin ako sa room ko" pag-papaalam ko sakanila
"sa cafeteria ulit avria!" sigaw nilang dalawa bago sila tumalikod at umalis
--
umupo na'ko sa upuan ko at kinuha ang summarize notes na ginawa ko nong Saturday. ni review ko ulit ang mga iyon habang wala pa ang first prof namin ngayong umaga.
pumasok na si prof carol. binigyan na niya kami ng tig-iisang test-paper. tahimik lang ang buong room
"okay class 50 items only, please read the instructions carefully bago sagutan" pag-papaalala niya sa'min habang nililibot kami isa isa.
ESTÁS LEYENDO
Ang Bespren Kong Amazona
De Todo"𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘐 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘭𝘦𝘵 𝘰𝘶𝘳 𝘧𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘣𝘦 𝘢 𝘣𝘢𝘳𝘳𝘪𝘦𝘳 𝘵𝘰 𝘰𝘶𝘳 𝘳𝘦𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴𝘩𝘪𝘱?" -𝘓𝘶𝘤𝘪𝘧𝘦𝘳 "𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘪𝘧 𝘩𝘪𝘴 𝘣𝘳𝘢𝘪𝘯 𝘧𝘰𝘳𝘨𝘰𝘵 𝘮𝘦, 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘩𝘪𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵 𝘳𝘦𝘮𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳 𝘮𝘦?" -𝘈𝘷𝘳𝘪𝘢 •UNEDIT...