It girl..
tahimik lang ako sa buong byahe. hindi ko na nagawang ibuka ang bibig ko para kausapin ang pungal-ngal na'to. muli akong bumuntong hininga at binaling ang paningin sa labas. nasa town na kami
"hoy saan ka pupunta?" tanong ko kay yhosh ng mapansin kong nilagpasan niya yong daan patungong bahay nina travis.
"hindi pwedeng i-uwi kita ng ganyan ang itsura. baka magpatiwakal kapa don" sagot niya at muli nanamang hinawakan ang palad ko
sabagay lalamonin lang ako ng isip ko kapag umuwi ako at ako nanaman ang mag-isa sa bahay. hinayaan ko nalang siya kung saan niya gusto pumunta. minutes passed..
sa bar niya ako dinala seryoso?!
"hoy muka ba'kong magpapakalunod sa alak?! hindi ako katulad mo na halos ginawa nang comforter ang alak" singhal ko
lumabas na siya kaya hindi konasiya inantay na pagbuksan ako. lumabas nadin ako. pumasok nakami sa loob. ganun nalang ako magtaka ng mapagtanto kong walang tao?
madilim! tanging ang stage lang nitong bar ang may ilaw. may mga iba't ibang instrument ang nandoon. including piano, different kind types of guitar ba o violin?
"may nag concert ba rito?" tanong ko ng makaupo. may alak naring nakalapag sa table nitong pinagigit-naan namin ni yhosh
"tsss" tiningnan ko lang siyang pumaswit
"walang katao-tao rito papaano ka nakapasuk? tsaka bakit ang dilim ni halos hindi ko makita ang nasa paligid" tanong ko
"sa'min ang bar nato" sagot niya.
"kayong tatlo nina klyde?" pag-kokompirma ko. tumango naman ito bago ininom ang alak
"kung ganon pwede ko palang pakialaman ang lahat ng nandidito" natutuwa kong sabi habang nasa stage nitong bar ang paningin ko. nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag-kunot noo ni yhosh dahil sa sinabi ko
akmang tatayo na sana ako para lapitan ang mga iyon pero naunahan na'ko ni yhosh tumayo. hinila niya ang isa kong kamay at sabay kaming lumapit sa kinarorounan ng mga gamit ng mga bandarista na nandito.
pagkatongtong namin doon ay agad akong lumapit sa piano at umupo
"paano ba mag piano" tanong ko sa sarili ko. si pungal-ngal naman ayon nabusy din sa iba pang instrument na nandito. mukhang yong mic pa ang pinagkainteresadohan amp
magsisimula na sana akong pindot pindotin itong piano ng marinig ko ang pamilyar na tugtog. napalingon ako bigla kay yhosh. shit kakantahan ba niya ako?!
sempre kami lang ang taong nandidito noe! nakaupo lang siya, tinanggal niya pa ang mic don sa kinalalagyan niya.
"I've been looking under rocks and breaking locks
Just tryna find ya
I've been like a maniac, insomniac
Five steps behind you"mula sa harapan ay inilipat niya ang paningin sa'kin. napaawang ang labi ko ng magsimula siyang kumanta. seryoso na adik naba din ang lalaking'to sa kantang favorite ko?
"Tell them other girls, they can hit the exit
Check please
'Cause I finally found the girl of my dreams
Much more than a Grammy award
That's how much you mean to me""You could be my it girl
Baby got me whipped, girl
Lovin' you can be a crime
Crazy how we fit girl
This is it girl
Give me 25 to life"
![](https://img.wattpad.com/cover/246262737-288-k345050.jpg)
YOU ARE READING
Ang Bespren Kong Amazona
Random"𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘐 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘭𝘦𝘵 𝘰𝘶𝘳 𝘧𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘣𝘦 𝘢 𝘣𝘢𝘳𝘳𝘪𝘦𝘳 𝘵𝘰 𝘰𝘶𝘳 𝘳𝘦𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴𝘩𝘪𝘱?" -𝘓𝘶𝘤𝘪𝘧𝘦𝘳 "𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘪𝘧 𝘩𝘪𝘴 𝘣𝘳𝘢𝘪𝘯 𝘧𝘰𝘳𝘨𝘰𝘵 𝘮𝘦, 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘩𝘪𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵 𝘳𝘦𝘮𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳 𝘮𝘦?" -𝘈𝘷𝘳𝘪𝘢 •UNEDIT...