Chapter 57

47 1 0
                                    

everyone's back..

matapos kung maiayos ang kaunting gamit ko sa dati kong kwarto ay dagli na'kong pumasok sa bathroom para magbihis. ganun nalang ako matigilan ng makita ko ang isang bagay na nakasabit sa itaas nitong sink.

napangiti ako ng kuminang pa ito sa mga mata ko. kinuha ko iyon at pinasadahan ang kagandahan. gossh papaano ko ito nagawang iwan rito. lumabas ako ng may guhit na ngiti sa labi. buti nalang at hindi ko ito nawala ngayong nagbalik nadin ang nagbigay nito sa'kin.

napatalon ako sa gulat ng makita ko si yhosh na seryosong nakaupo sa kama. 

"a-anong ginagawa mo rito?" tanong ko. buti nalang at sa loob na'ko nagbihis. tinaasan niya lang ako ng kilay.

"wala akong matutulogan." pormal niyang sagot.

"at h'wag mong sabihing dito ka matutulog sa kwarto ko?" taas noong tanong ko. 

"anong masama? besides sabi mo boyfriend mo'ko." 

napatingin siya sa kwentas na hawak-hawak ko. i wonder kong naaalala niya ba ito. lumapit ako sakanya tsaka tumabi.

"naaalala mo ba'to?" nakangiti kong tanong. umiling lang ito.

"gaga galing to sayo. bigay mo sa'kin. ang ganda no?"  binigay ko sakanya iyon ng kunin niya sa'kin. pinagmasdan niya ang maliit na kalahating buwan at ang maliit na tala sa gitna.

bigla kong naisip yong tattoo namin. agad kong hinawi ang t-shirt niyang black para tingnan iyon kung naroroon paba. wala sa kaliwa niyang collar kaya ibinaling ko sa kabila.

"what are you doing?"  kumunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin. bumuntong hininga ako ng mapagtanto kong wala. siguro pinatanggal yon ni melis.

"wala. bakit nawala yong tattoo mo sa collar?"  

"what? wala naman akong tattoo."

napangiwi ako sa sagot niya. pa'nong wala?  napatingin siya sa collarbone ko. napahawak naman ako sa collar ko at marahang dinadama ang tattoong nakaukit.

"may tattoo ka gaga. sabay panga tayong nag pa tattoo eh. ikaw panga nagpumilit sa'kin na magpatattoo!"  singhal ko.

"wala akong matandaan."

bumaba na kami ni yhosh ng ipatawag kami nina dad para kumain. lagpas 6 na, kaya baka pumarito narin sina amelsa. sa right side ako ng table pinagigit-naan ni azria at yhosh. sa harapan naman namin (left) si travis at trevor. samantalang sa magkabilang edge ng table si tita rocette at daddy. tanging ang mga kubyertos lang ang naririnig ko. masyadong awkward. walang nagsasalita.

tumikhim si daddy bago sinimulang magsalita.

"Lucifer."

agad namang napatingin sakanya si yhosh na tahimik lang din na kumakain.

"yes tito?"  halata sa boses niya ang pagkailang maging sa mukha niya. napasulyap panga ito sa'kin bago muling inilipat ang paningin kay daddy.

"alam ba ng mga magulang mong nandito ka?"  napatingin kaming lahat sakanya. natagalan siya bago nagsalita.

"ahm.. I haven't told them yet but I'm sure melissa will tell my family about me."  tumango-tango lang si dad bago nagpatuloy sa pagkain.

"aren't you engaged? As far as I know, you will get married and go to Canada instead of here."  napalingon naman ang lahat ng magsalita si trevor. seryoso lang siya. mukhang hindi nagustuhan ni yhosh ang tanong niya dahil kita ko ang simpleng pag-igting ng panga ni yhosh. deretso lang ang mga mata niya sa table. tumawa si trevor ng mapansin niya ang reaction ni yhosh.

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now