Chapter 22

72 11 2
                                    

KINABUKASAN..

tinanghali ako ng gising!!
okay na'yon wala namang pasuk. thursdayy ngayon tapos friday pa bukas!  wala akong maisip na gagawin. wala pang pasuk next week kasi nga semester vacation namin!

naghinat muna ako ng katawan bago tumayo sa kamang 'to.  inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas.

"oh avria mabuti at nagising ka"  nag-taka ako ng bumungad sa'kin si tita. bihis na bihis siya at tila may pupuntahang malayo. may dala itong isang maleta.

"tita sa'n po kayo pupunta?" tanong ko at pinasadahan ng tingin ang dala niyang baggage

"your tito and I will go out of town. we'll visit lucifer's grandfather" aniya

"Po? pupunta kayo sa canada?" gulat kong tanong. eh ang layo non! sa ibang bansa na!

"oo, because we need to fix something about the company. we can't just make decisions on our company without dad"  nakangiti nitong saad. napatango nalang ako

"pakipuntahan  muna saglit si lucifer sa kwarto niya. hindi pa kasi gumigising ang batang 'yon" 

"sige po tita saglit lang!" sambit ko at nagmamadaling tinahak ang hagdan papunta sa kwarto ng depungal na 'yon.

hindi na'ko kumatok dahil hindi uso sa depungal na ito ang pag lock ng pinto. ayon tulog na tulog pa. walang kamalay malay na aalis sina tita!

nilapitan ko siya tsaka ko hinila ang makapal niyang kumot. partidang naka topless pa ang kumag na ito.

"hoy yhosh! gumising kana diyan aalis sina tito!" bulyaw ko. lumapit ako sa kama niya tsaka ko siya niyogyog.

"gumising kanga diyan! tulog mantika ka talaga kahit kailan!"  kinuha ko ang isa sa mga unan niya tsaka ko siya hinampas sa likod. nakadapa pa kasi!

buwaya kong matulog

bumuntong hininga ako. hinawakan ko ang balikat niya, sinubukan ko siyang patihayain mula sa pagkakadapa.

"gumising kana diyan! pinapagising kana ni tita--"  naputol ang sasabihin ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko kasabay non ang pagharap niya sa'kin. hinampas ko siya ulit bago ako umalis mula sa pagkakasubsub sa isa niyang unan

"seriously amazona, pumapasok ka sa kwarto ko ng naka ganito ako?"  sambit nito,  bahagya pa itong ngumisi.

"eh ano naman?! ano bang meron diyan maliban sa tabs--aray!"  napadaing ako ng muli niya akong hilahin!  muntik na akong masubsob sa matitigas niyang abs!

"kailan pa naging bilbil ito sayo amazona" aniya, pagtutukoy niya sa abs niya!  edi ikaw na ang may abs

bigla tuloy ako nailang! 

muli akong tumayo. bahagya ko pang hinampas ang ulo niya.

"ediwow! bilisan mo na diyan"  saad ko. naglakad na'ko palabas sa kwarto niyang 'yon. kainis

ganun nalang ako magulat ng sumunod siya kaagad. naka topless parin!

hinarap kami ni tita. wala manlang naging reaction ang depungal nato ng makita si tita.

"aalis kami ngayon ng dad mo lucifer, papuntang canada. isang buwan kami don. please alagaan ninyo ang sarili niyo. wala ang mga kasambahay dito ngayon. pinag vacation ko nadin sila sa kanya-kanya nilang probinsya"

hala gague kung ganon kami lang ang tao sa bahay!? binalingan ako ni tita.

"ikaw na ang bahala sa anak ko avria. alam ko't alam mo ang ugali ni lucifer. may saltik. alam kong may alam ka pagdating sa kusina,  kaya ikaw na ang bahala magluto para sa  kakainin ninyo" pakikiusap nito, hinawakan pa ang magkabila kong kamay. ngumiti naman ako tsaka tumango. pinandilatan ko ang yhosh na'to ng ngumisi.

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now