Chapter 36

61 11 0
                                    


ghost hunting..

Amelsa POV

narito kami ngayon sa loob ng wandered mall. akala namin maabutan namin si avie pero mukhang nakaalis napala

"hoy hindi ba si travis yon?" napatingin naman kami do'n sa direksyon kung saan nakatingin ni kyle.

si travis nga. naka black outfit attire nanaman siya. nakaupo siya sa loob ng restaurant ng mag-isa. tutok na tutok sa cellphone niya

"tara lapitan natin baka itanong natin kung pwede tayong bumisita kay avria" ani gab. pumasok naman kami sa loob ng restaurant kung saan siya nakaupo

agad naman niya nai-angat ang kanyang paningin ng mapansin niya ang presence namin sa harapan niya

"Oh? anong ginagawa niyo rito?" nakangiting tanong niya pero halata sa mukha niya ang pagkagulat

"kami dapat ang magtanong niyan sayo pre, bakit ka nandito tsaka nasa'n si avria? siya lang ba ang nandoon sa bahay mo?"   tanong ni kyle

"oo, baka nakauwi nadin siya ngayon sa bahay" sagot niya. sinulyapan niya pa ang relos niya

talaga bang hindi niya kami makilala?

"can we visit her?" singit ni alyn. mula kina gab ay naibaling niya ang kanyang paningin sa'min. ngumiti naman ito tsaka tumango

"ofcourse, maganda rin yan. baka gabihin pa kasi ako umuwi kaya wala nanaman siyang makakasama don sa bahay" umaliwalas ang mga mukha namin dahil sa sinabi niya

"salamat pree! ano pang inaantay natin puntahan na natin si friend sa bahay niya!" baling sa'min ni kero

tulad nga ng sinabi ni travis ay balak na namin ngayon puntahan si avie sakanila. masaya kaming naglalakad sa mall na'to papalabas

"what the hell"

natigilan kami ng may makabangga si alyn na isang stranger na lalaki. nahulog ang cp niya malapit sa heels ni alyn. agad naman niya iyon pinulot at nag bow kay alyn bago umalis.

ngunit ganon nalang kami magulat ng sipain ni gab yong lalaki dahilan para madapa at masubsub siya sa sahig

akmang lalapitan pasana ni gab ang lalaki pero pinigilan siya ni kyle at kero

"sa susunod ka si pre huwag mong ipahalatang naninilip ka!" usisa naman ni kyle don sa lalaki

wait ano? nanilip ang lalaki kailan pa?

"subukan mo ulit gawin yon mukhang dugyot, hindi ako magdadalawang isip na basagin iyang bungo mo" ani gab na nagpipigil pa ito ng galit. lumapit siya don sa lalaki at inagaw ang hawak niyang cp.  may kung anong kinalkal don si gab bago niya pabagsak na binigay ang cp sa dibdib nung lalaki.

"anong hindi ipahalata kyle eh sa  mukha palang niya manyakis na" ani kero tsaka pinasadahan ng tingin ang lalaki. biglang umayos ng tayo ang lalaki. walang ano-ano'y bigla siyang kumarepas ng takbo

napatingin naman yong tatlo sa gawi namin ni alyn. for short kay alyn

"sa susunod kasi huwag kanang magsout ng ganyang damit alyn" usisa ni kero kay alyn.  naka short dress kasi ang alyn na'to. hanggang hita niya ang laylayan nitong dress niya

"whatever, thanks huh?" sarkastikong sambit ni alyn sa tatlo tsaka pinamilogan sila ng mata. nanguna na sa paglalakad si alyn kaya sumunod naman kami sakanya

sumakay na'ko sa kotse ni alyn ng makasakay na ang tatlo sa kanya-kanya nilang kotse. hindi ko dala ang kotse ko, as always naman. hindi sa hindi ako marunong mag drive sadyang hindi ko lang gusto.

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now