Chapter 43

59 11 11
                                    

Blood

napalingon ako kay trevor ng lumabas ito mula sa gate kasama si dad. agad ko silang nilapitan.

"dad anong nangyari?  bakit ganun sa'kin si yhosh? segurado akong may pinag-usapan kayo! nakita ko siyang galing sa loob!" umiiyak na sigaw ko. nilapitan ako ni dad at niyakap

"ano? anong sinabi ninyo sakanya? sinabi niyo bang makipag hiwalay siya sa'kin?!  binantaan niyo ba siya na layuan ako daddy!?"

"no daughter, shhh stop crying"

"anong sinabi ninyo sakanya para magkaganun yon?!sinabi niyo ba sakanyang sampung milyon layuan mo si avria ha?!" mapaklaw akong tumawa Ha! ano ba'tong pumapasok sa utak ko. nakita kopang bahagyang napangiwi si trevor dahil sa sinabi ko

"it's for your own good lil sis, mabuti nadin iyon na nakipaghiwalay siya sayo. stay away from that man avria" nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni trevor. so tama nga ako!

so tama nga ako they are the reason why yhosh treats me like that! I looked badly at trevor

"hindi ko kayo maintindihan, bakit ninyo yon ginawa? bakit parang gusto niyo kaming paglayuin?  ano bang dahilan para ilayu ninyo ako sakanya! daddy sabihin mo!"

hindi nagsalita si daddy sa halip ay niyakap lang niya ako. pati siya ay umiiyak. umiiyak sa galit.

"you will also stay away from him avria, even if he did not break up with you. alam niyang kamumuhian mo siya kapag nalaman mo ang katotoohanan" natigilan ako sa pag-hikbi at muling itinuon ang paningin kay trevor. taka ko siyang nilingon

"anong katotoohanan? katotoohanan na ano?  sabihin ninyo sa'kin ano ba ang nangyayari!" naguguluhan na'ko!

"because his mother killed your mother. that's it.  so stay away from wilson family, especially that man"  napaawang ang bibig ko dahil sa narinig kong hindi kapani-paniwala.

tiningnan ko si daddy na ngayo'y pulang pula ang kanyang mga mata.

"daddy?"  tumango naman siya

"they betrayed us avria. ang itinuring naming totoong kaibigan ng ina mo ay nagawa tayong pagtaksilan,  isang malaking kalaban."  authoritative statement by dad. there wasn’t any emotion I could see on his face, except hatred and anger

tuluyang bumagsak ang mga balikat ko dahil sa mga narinig ko. muling tumulo ang mga maiinit na likido sa pisnge ko. tumakbo ako papasuk sa bahay. narinig ko ang sigaw ni trevor pero hindi ko na siya pinansin

I went straight to my room and locked myself up. I buried my face in the pillow because of the anger I was feeling. but should i be angry with yhosh too? did he know this for a long time? why didn't he tell me?

I couldn’t help but shout in anger! i can't hate yhosh

narinig kong bumukas ang pintuan nitong kwarto ko. napalingon ako kay travis ng pumasok ito.

"travis totoo ba ang sinabi nila sa'kin? kaya ba nakipag hiwalay sa'kin si yhosh?" he took my head and leaned it against his chest

"oo" napapikit ako  ng sampalin nanaman ako ng katotoohanan

"kailan pa travis? matagal niyo rin bang alam to?" tanong ko at umalis mula sa pagkakasandig  sa dibdib niya. tiningnan ko siya sa mata

"si lucifer ang nagsabi sa'min. kaya siya pumunta dito para sabihin sa'min ang katotoohanang iyon. narinig raw niya kagabi ang usapan ng pamilya niya. naghanap siya ng isang matibay na ebedinsiya sa office ng daddy niya. may binigay siya sa'ming video record ng isang cctv"  kunot noo kong pinagmasdan si travis

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now