Chapter 49

50 12 1
                                    

birthday gift..

"let's go na sisterist!"  masayang wika ni azria matapos niyang mag-bihis sa kwarto ko. lalabas kami ngayon para bumili ng maibibigay na regalo sa kambal. birthday nila bukas  pero parang wala lang 'yon sakanila.

"pwedeng hindi nalang ako mag-wheelchair? kaya ko naman maglakad eh.  anong saysay nitong binili ni travis na white cane kung lagi naman akong nakaupo sa wheelchair na'to pshh"  wika ko

totoo naman talaga. 

"ha? ehh kaya mo ba--"  hindi ko na inantay ang sasabihin niya. nagsalita na ako kaagad.

"oo. kaya nga maglalakad nalang ako para masanay ako diba. ayokong kapag may gusto akong lakarin ay kailangan pang may magtulak sa wheelchair pshh." 

naiinis ako kasi halos sila nalang lahat. busy  sila ngunit hindi iyon naging hadlang para mapabayaan nila ako. narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni vianna.

"okay fine." pshhh

tumayo na ako sa wheel chair. nagsimula nakaming maglakad palabas sa bahay nilang 'to. hindi pa kami tuluyang nakakalabas sa bakuran nila pero pakiramdam ko ang layo na ng nilakad ko.  narinig ko na ang engine ng sasakyan ni azria. ginabayan niya ako ro'n papasuk.  narinig ko ang pagsarado ng pintuan ng sasakyan. after minutes ay huminto narin si Azria. wala akong kaalam alam kung nasan kami at kung anong itsura nitong lugar na pinuntahan niya. basta papasuk raw kami sa isang mall.

ako na ang nagbukas sa pintuan. dahan-dahan akong lumabas. hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming pumasok. naramdaman ko na ang lamig. buti nalang at naka aritzia jacket ako.

"what do you think is a good gift to give hmm?"  pagsasalita niya. katam-taman lang ang aming paglalakad. ang tanging hawak ko lamang na stick ang gumagabay sa'kin mula sa paglalakad.

"what you think they want?" pabalik kong tanong sakanya. mas kilala niya ang dalawa dahil mas nakasama niya sila ng matagal. tatlong taon ko ngang nakasama ang dalawa pero hindi ko naman nakikita ang mga kilos nila. mga bagay na gusto nila.

"I know what they like but it's boring kung iisa-isahin ko nalang silang regalohan ng mga bagay na gusto nila. iyon bang alam na nila kung anong gift ang ibibigay mo sakanila tshh. I want something else, iyon bang hindi nila inaasahan."

"then bumili tayo ng simple but memorable--"

"that's what i meant! iyong mapapangiwi nalang sila haha kinda cute. I used to give them shoes, watches, phones, polos,  etc every year of their birthday kasi.. kaya nakakasawa."

naglakad lakad na kami ni azria sa loob nitong mall na sinasabi niya. kung nakakakita lang sana ako, edi sana naeenjoy kong lumabas, naeenjoy kong tingnan at pagmasdan ang nasa paligid. hindi ako binibitawan ni azria kahit saan siya magtungo. nakabuntot lang din ako ako sakanya.

"nakabili na'ko!"

"ikaw anong gusto mong iregalo sa dalawang birthday boy bukas?"   tanong niya. panandalian naman akong nanahimik para mag-isip. ngumiti ako ng may maisip na ako.

"couples of hoodies. iyong tig-iisa sana sa'tin." sabi ko tsaka ngumiti.

dali-dali naman akong hinila ni  azria para mag-hanap ng hoodies.

"versace black hoodie ang kinuha ko. naiimagine ko na ang mukha ni kuya trevor. hindi ko pa kasi siya nakikitang naka hoodie"  tumawa siya kaya napatawa narin ako. alam ko

"kaya nga naisipan kong regalohan siya ng ganyan eh. lagi lang siyang naka leather jacket, blazer, suit. kaya maiba naman" sambit ko tsaka humagikhik.

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now