Chapter 39

63 11 3
                                    

the truth..

Avria POV

alas kwatro na ng umaga. kasalukuyan parin kaming nasa gilid nitong mt pulag. naisipan kasi ng mga asungot na'yon na mag hiking daw.

"hoy kero umayos kanga h'wag mong sabihing inaantok kapa. ihulog kita sa bangin eh" singhal ni kyle kay kero. nasa ibaba pa sila habang ako ito nakasunod sa tatlong asungot na'yon.

"kailangan nating makatongtong sa tuktok nitong bundok avie baka hindi natin maabutan ang sunrise!" may halong tuwa sa boses ni amelsa. halatang nasisiyahan sa pag ha-hiking

matapos naming malagpasan ang halos pa-akyat na daan ay bumungad na sa'min ang isang makipot na daan ngunit  patag na ito. mga damong nagtataasan sa gilid. medyo madilim pa

napaka gentleman talaga ng yhosh na'yon. kita mo siya pa talaga ang nangunguna sa daan imbis na alalayan ako rito.  buti pa si gab laging nasa likod ni alyn.

"hoy!" bigla akong nadapa dahil sa mga mind-child na'to na bigla nalang nagsitumba sa mayayabong na damo na'to.

"umayos nga kayo!" singhal ko. tumayo ako at nagpagpag.

"si kyle kasi, bigla akong tinulak friend!" pasigaw na sabi ni kero at salubong kila na binalingan si kyle

"ang bagal mo kasi kita mo ngang hindi pa kami nakakatongtong sa patag na'yan" reklamo naman ni kyle

"may silo pala sa daan oh! pinagtaling damuhan!"  napatingin naman kami sa tinuro ni amelsa. kaya pala ganun nalang madapa ang kero na'yon

"bilisan niyo nanga lang! nauna na'yong tatlo oh!" inis namang sabad ni gab.

muli kong tinoun ang paningin ko sa daan. unti unti nang lumiliwanag. nakikita na yong mga iba't ibang parte nitong bundok.

"Hoy bilisan niyo diyan!" sigaw sa'min ni klyde.

sampung minuto ang lumipas. saktong narating nadin namin ang tuktok nitong bundok. may kalawakan itong nasa itaas

"Omg ang ganda pala rito sa itaas!" masayang wika ni alyn. naglakad lakad pa ito at tinanaw ang kagandahan ng view nitong lugar. ganun din ang iba

nakita ko ang depungal na'yon na nakaupo sa malaking bato. hindi ba natatakot ang yhosh na'to sa tanawin sa ibaba? isang maling galaw langit agad.  dahan-dahan akong naglakad at lumapit sa kinauupuan niya

napatingin naman siya sa'kin. buti naman at naisipan akong alalayan papalapit sa kinalalagyan niya. umupo na'ko sa isang bato habang nasa isang bato naman siya nakaupo

katulad ko ay tahimik rin niyang pinagmamasdan ang unti-unting pagsikat ng araw.

"amazona" napalingon ako sakanya ng tawagin niya ako

"ano?"

"may kailangan kang malaman"  saad niya habang seryoso paring nakatingin sa kawalan. anong kailangan kong malaman? 

"a-ano ba'yon?"  nautal pa'ko amp!

"that I am more handsome than your childhood crush"  kung may kinakain ako sa mga time na'to seguro nabulunan na'ko dahil sa sinabi ng lalaki na'to

"Avie!"

"Friend!"

"Avria!"

bahagya akong napalingon sa mga gonggong na'yon. akala ko tinawag nila ako pero nasa ibang direksyon din sila nakatingin. nakatalikod ang mga'to samin. paulit ulit umecho ang mga boses nila sa kalikasan na ito. pshhh ineenjoy lang pala nila ang pag e-echo ng kanilang boses.  kita mong kero na'to tuwang tuwa habang pinapakinggan ang boses niyang parang inuulit sa kabila ng bundok na'yon

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now