Chapter 54

38 12 3
                                    

where's azi?

tumunganga nalang ako dito matapos umalis ni melissa. pakiramdam ko ubos na ubos na'ko. pinahid ko ang luhang muli nanamang tumulo sa gilid ng mata ko.

wala sa sariling napaupo ako sa bench malapit sa kinatatayuan ko. I built both my elbows on my thigh. I wiped my face because of the things that were stirring in my brain again. I can no longer piece together my feelings. they are already tangled in my mind. muling namasa ang mga mata ko. I can't help but shed tears. they are the ones who spontaneously slip out of my eyes. i sobbed

"It hurts more than I expected. Seeing the person you love hurts because of the person she loves."

tumingala ako sa bagong nagsalita sa harapan ko. si luke. ngumiti ito sa'kin tsaka tumabi sa kinauupuan ko.

"aside sa nasasaktan ka dahil nakikita mo siyang nasasaktan, nasasaktan ka pa dahil nagseselos ka. nagseselos ka dahil hindi ikaw yon, na sana ikaw nalang."

nagtataka ko siyang tiningnan. pero ngumiti lang ito sa'kin tsaka tumingin sa kawalan. he's wearing white dress shirt and simple black jeans.

"a-anong ginagawa mo rito?" tanong ko. naagaw ng isang itim na sasakyan ang attention ko mula sa hindi kalayuan. nandoon si mica. nakatayo sa labas at deretso ang tingin sa'min. i guess, magkasama sila.

"nothing. nakita lang kita dito."

"nakaalis naba si na Evan?" muli kong tanong.

"yeah. wala ka bang kasama?"

"ah wala. pauwi narin ako. namasyal lang. bakit pala hindi kayo sumama?"

tiningnan niya ako muli. pinalipas niya muna ang ilang segundo bago muling nagsalita.

"maybe because I want to stay here? and also trevor told me something needs to be done together. It's all about a business." kibit balikat niyang sabi. tumango lang ako.

"you're still.. thinking about him?"

muli niyang tanong na ipinagtaka ko. mahina siyang tumawa ng makita ang expression ko.

"your bestfriend who fell inlove with you. i-i know everything."

pumirmi lang ang mga mata ko sakanya. medyo nagulat ako ron. baka siguro kinwento sakanya ni trevor. sa halip na magsalita ako ay muli ulit akong tumingin sa kawalan. nagbuga ng hangin.

hindi nagtagal ang pag-uusap namin ni luke. nag-usap lang naman kami about sa work niya, daily lives, mga ganun. kinwento ko lang sakanya yong mga pinagdadanan ko simula nong mawalan ako ng paningin. buti nalang at hindi niya tinanong ang dahilan, ang punot dulo,  papaano at kung bakit ako nabulag. o baka naman alam na rin niya kaya hindi na siya nag-abalang magtanong. kung alam nga niya, then isang king of chismoso si trevor. silang dalawa.

umuwi nakami ni azi sa bahay. unang sumalubong sa'kin si dad kasama si tita rocette. medyo nagulat ako kasi maaga pa naman para umuwi sila ng ganitong oras.

nagluto si tita rocette. inaya niya akong samahan silang kumain ng pananghalian. matapos naming kumaing tatlo ay agad nadin akong pumunta sa kwarto ko. kaya pala sila maagang umuwi galing work. anniversary raw nila kaya sempre, bibigyan nila ng attention at oras ang isa't isa.

Pitong buwan na ang nakalipas simula nong pumunta kami rito. sa loob ng pitong buwan ay mas lalong lumawak ang closure na meron kami ni Austin o should i say yhosh. lagi kaming nagkakatagpo, nagkikita sa kahit saang sulok ng lugar. minsan kasama niya si melissa minsan naman ay siya lang. kahit hindi sinasabi ni melissa ay nahahalata kong ayaw niyang mas mapalapit sa'kin si yhosh bilang si Austin. naiirita siya at the same time nagseselos.

Ang Bespren Kong Amazona Onde histórias criam vida. Descubra agora