Chapter 28

59 11 0
                                    

Newly arrived

Marga POV

kasalukuyan ako ngayon naglalakad sa corridor nitong campus. naiinis parin ako kapag naaalala ko ang pang-yayaring 'yon.

"paano ba'yan yhosh, si avria at marga lang ang simple ang suot. so sino sakanilang dalawa?"

"this woman I'm lying to"

bakit si avria!

"are you still disgusted?"  napalingon ako kay rhean nang sumabay ito sa'kin mula sa paglalakad

"there's a good chance that lucifer will like his childhood friend. you know that avria might be attracted to him"  mas lalo pa akong nainis dahil binungad sa'kin ng rhean na ito

"malay mo, baka  nilalande na pala ng avria na iyon si lucifer"  dagdag nito. payak pa akong nginitian

"pwede bang prenohan mo muna iyang dila mo"nilagpasan ko na siya sa paglalakad. naiinis na talaga ako sakanya. nakikita nga niyang wala ako sa mood dahil doon balak pang dagdagan tshhh

ewan ko ba,  isang buwan na ang nakalipas pero hindi pa din iyon mawala-wala sa isipan ko. kung si rhean or ang ex lang niya ang kinompara sa'kin mas matatanggap ko pa.  pero iyong ikompara lang  ako sa isang katulad ni avria? tshhh no way. I'm not baduy to be compared to a woman like her. she's weird

Avria POV

natigilan ako sa paglalakad ng makabangga ko si ms.lourteza

medyo nag-taka ako ng makita ko ang itsura niya. hindi niya'ko pinansin at agad itong tumakbo papalayo

umiiyak ba'yon? iyong mata kasi niya parang kakagaling lang niya sa pag-iyak

pinagwalang bahala ko nalang yon. agad na'kong pumasok sa room ko at umupo.  umarko sa kabuuan ko ang pagkabigla ng sumulpot sa'kin si Mr salig at ang iba pang maiingay rito sa klase

"Congrats ms.concepcion!"  masayang sambit nito dahilan para mapangiwi ako

"sabi ko na ba eh! mapapaalis mo si Ms.lourteza sa pagiging first honor!"  wika naman ni culaño. naguluhan ako

"ano bang pinagsasabi ninyo! mag-si alis nga kayo sa harapan ko!"  bulalas ko sakanila

"ito naman ang dali mo naman mairita ms.concepcion!"  sigaw nong isa. pinandilatan ko lang silang lahat!

"ano ba kasi ang pinagdadada ninyo sa harapan ko! pwede naman kayong lumapit sa'kin isa-isa eh noe"  iritabli ko paring sambit

"ikaw na kasi ang naging top 1 ngayon sa klase natin ms.concepcion,  hindi lang sa classroom natin kundi sa buong section!" muling pagsasalita ni salig. pakiramdam ko umabot ang panga ko sa sahig dahil sa sinabi niyang 'yon

"A-anooo? anonga ulit?"  oo narinig ko pero gusto kong marinig ulit para makasigurado no!  mahirap na baka iba ang pagkakaintindi natin

"IKAW ANG TOP 1 SA BUONG SECTION!"  bigla kong natakpan ang magkabila kong tainga dahil sa sabay sabay nilang pag-sigaw!

"Hoyy ano ba! nakakabingi ah!" singhal ko sakanilang lahat isa-isa ko silang sinamaan ng tingin

"congrats!"

"nasa'n na ang 5000 ko  mr.ramirez!" sigaw ng salig na'to nang makita ang pagdating ni mr.ramirez

"anong 5000  pinagsasabi mo,  5000 na sapak  gusto mo?"  pagbabara naman sakanya ni mr.ramirez

"Hoy  harris panalo kami! pa'no bayan si ms.concepcion  na ang panibagong top1 natin, nasan yong sinasabi mong 5000?"  lumapit nadin sina culaño sa bagong dating na si ramirez

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now